抖阴社区

Chapter 16

2.1K 60 11
                                        


Stacey pov's

Kahapon lang nangyare ang pagtulong na ginawa ko kay Tsonggo!!

' Tss anu naman kaya ang ginawa ng mokong na yun para bugbugin sya nung mga lalaking yun? Baka kayabangan nanaman ang ginawa kaya ginantihan yun malamang, masyado kase mayabang kaya ayan ang natatamo nya ngayun! Pasalamat sya at dumating si Stacey The Wonder woman hehehe....'

Palabas ma ako ngayun ng bahay para pumasok nang makarating na ako sa school ay nakaramdam ako ng kakaiba!

May kung anung nagtutulak sakin para puntahan ang parking lot, ngunit ng tanawin ko ito ay wala namang kakaiba kaya pumihit na ako upang bumalik na sa kaninang dadaanan ko paramakapasok na ngunit pagkalingon ko ay halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko, nakakagulat at nakakakaba, halo halo ang nararamdaman ko.

'Tyler'

Nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko at ang blankong expresion nya na ang hirap hulaan ang nararamdaman nya.

"A-anung kailangan mo? A-at okey kana ba? Hinde ka pa n-naman magaling ah! Bakit lumabas kana sa ospital?" Utal kong tanong sa kanya.

"salamat!! Diko inaasahan na darating ka ng ganun ang siteasyon ko! Maraming salamat talaga!" Sinserong sagot nya na hinde man lang sinagot ang mga katanungan ko."sorry"sinserong sambit nya na bahagyang nakatungo. "S-sorry kase m-mali yung mga ginawa ko sayu itong mga nagdaang araw p-pero nagawa mo pa ring tulungan ako!". Sambit nya habang nakatungo at nag-angat ng tingin sakin at deretsong nakatingin na sakin.

"A-ah! Hehehe wala yun! Hinde naman ako mapagtanim ng galit e. Hehehe kalimutan mo na yun!".

do_ob <<<-----Tyler

d-_-b <<<------ako

"Pero di ibig sabihin ay magiging magkaibigan na tayu at lalong hinde pa rin kita titigilan sa pangaasar Tss" at saka tumalikod na at akmang aalis nah.

"A-ah! H-hoy? Siraulo kah ah!" Sigaw ko sa kanya pero hinde na sya muling lumingon, naglalakad na sya habang ang mga kamay nya aynakalagay sa kanyang mga bulsa.

'Tss di pa rin talaga titigil! Ang kulit'

Padabog akong umakyat para pumunta sa sa room inaasahan ko na makakatabi ko nanaman si Tsonggo pero sana naman pumasok na si Rose.

Maswerte akong wala pa ang Teacher namin, nakatungo akong pumasok sa room at laking pasasalamat ko dahil hinde na bakante ang upuan sa kanan ko! Kung san nakaupo si Rose, agad itong ngumiti sakin matapos kong ilapag ang gamit ko sa aking upuan!

"Hoy? Anyare sayu? Bakit ka absent kahapon?" Tanong ko sa kanya.

"Kase naman bie, nagpasama sakin si Ate na mamili ng mga susuotin nya dahil malapit na ang Debut nya!".

"Hey hey hey!! Punta ka ah wag kang mawawala sa Debut ni Ate ah!! Kinukwento kita don kaya naman ay kilala kana nun!! punta ka ah wag kang mawawala ah!". Pahabol nya.

"Kailan ba?"

"Sa sabado na! Papakilala kita kala mom!"

"Hehehe sige pupunta ako, sigurado naman akong papayagan ako nila nanay na pumunta dun e. Kaso nga lang....." pabitin kong sagot dahil talagang nahihiya rin ako sa maaring maging isipin nya sa sasabihin ko. "W-wala akong damitna susuotin b-baka m-mapahiya lang ako" nahihiyang sagot ko habang nauutal utal pa.

"Hays anu kaba naman bie! Syempre bago kita ayain ay napagplanuhan ko na yan, naiintindihan kita nuh? Ako ng bahala sayu miyerkules palang naman ngayun e. Sumama kana lang sakin sa biyernes pagtapos ng klase naten"nanlaki nama ang mata ko na hinde makapaniwala sa mga sinabe nya, hinde ko matukoy kung anu ang dapat kong maramdaman sa mga sinabe nya pero sa loob loob ko ay masaya ako.... masayang masaya dahil ngayun lang ako makakarating sa mga partu na hinde ko kauri dahil mayayaman sila.

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon