抖阴社区

CHAPTER 4: Wrong Move

51 10 0
                                    

Jesh's POV

Katulad kahapon ay maaga akong nagising at nag-ayos ng mga dapat ayusin, dumadami ang mga emails at calls mula sa mga entertainment shows para sa guesting ni Rav.


Nakasched ngayon ang renewal ng contract ni Rav kaya kay Claire ang diretso ko ngayon, naisipan kong tawagan kanina si Rav para tanungin kung sino ang alipungang PA ng leading lady niya ngunit hindi siya sumagot kaya hindi ko tinawagan pang muli.


Ilang minute lang ay nakarating na ako, kaya't bumaba na ako at pumasok na. Hihintayin ko nalang si Rav sa labas ng building dahil malapit na daw sila ang sabi ng driver, hindi din naman nagtagal dahil dumating na din siya.


"Early bird ka na naman, Jesh." Bungad niya sa akin.


"Claire is waiting upstairs kaya tara na, nakahanda na din ang mga papeles na pipirmahan mo." Hindi pagpansin sa sinabi niya, nakasunod lang ako sa kanya.


"I received your call, bakit ka natawag?" tanong niya ng makapasok sa elevator.


"Itatanong ko sana kung sino ang alipungang PA ng leading lady mo." Sagot ko, narinig kong tumawa siya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. Nasa likod ko kasi siya.



"I don't know her name." wala sa sarili niyang sabi.


"Okay." Tanging sagot ko, sakto naming bumukas na ang elevator kaya pinauna ko na siyang lumabas.


Nang makapasok kami sa meeting room ay nandoon na ang mga papeles ay ibang head na kakailangan sa renewal, huling dumating si Claire.


"Good Morning, everyone." Bati niya, lumapit siya sa akin at niyakap ako.


"May papahanap ako sayo." Bulong ko, narinig kong natawa siya.


"Sino? Papasalvage ba natin?" biro niya.


"Gaga, sabihin ko sayo mamaya kung sinong alipunga yun." Tugon ko atsaka umupo sa tabi ni Rav.


"We're here for the renewal contract of Rav Phoenix, sign those paper Rav then your contract will be renewed." Panimula ni Claire.


Tumango-tango naman si Rav at nagsimulang pumirma, nagkaroon din ng pagpupulong tungkol sa mga pinirmahang bagong contract ni Rav. Lahat ng mga nadagdag at mga nawala, nagtagal din halos yun ng isang oras bago kami naiwan nila Claire at Rav sa meeting room.


"So, ano ang gusto mong pag-usapan natin Rav Phoenix?" diretsong tanong ni Claire.


"I think you already know what I want." Nakangising sagot ni Rav.


Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now