Jesh's POV
Diretso lang akong nakatingin kay Rav, nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinagot niya. Aminin ko man sa hindi malaki din ang chance na talagang magtagumpay siya, hindi naman kami tanga. Alam naman naming may epekto ang presensya naming dalawa sa isa't-isa, pero hindi ko maiwasan kung ano na lang ang iisipin ng iba lalo na ang mga magulang ni Jian kung magpapatuloy ang lahat ng ito.
Napakurap ako at nag-iwas ng tingin bago nagpaalam na babalik sa dressing room, agad ko iyong tinungo at pabagsak na umupo. Ipinikit ko ang mga mata at pilit na iniaalis ang mga nasa isip.
"You can't, Jesh. A chance for your friendship lang ang ibinigay mo kaya umayos ka. Sabi naman kasing magpakatalino ka eh, aishh." Kausap ko sa sarili, isinandal ko ang likod ko. "Naging matalino ka naman eh, naging maganda ka din. Sh*t!" napamulat ako ng marinig ang pamilyar na boses.
"Are you okay?" tanong ni Rav at umupo sa tabi ko, umusog ako konti bago sumagot.
"Uhh, oo. Tapos na ang gagawin mo ngayong araw, pakonti na ng pakonti ang mga pupunatahan at trabaho mo dahil nga sa nalalapit mong bakasyon, pero pinapaalala ko lang na hindi ka dapat basta basta napunta sa REZI. Mahirap na." bilin ko dahil nakakahula na akong gagawin niya yun.
"Why would I do that?" nakataas na kilay niyang tanong, tumayo ako at pinamewangan siya.
"Kasi ikaw si Rav Phoenix." Sagot ko, napatili ako ng hilahin niya ako sa bewang dahilan para mapaupo ako sa lap niya. "Rav, ano ba. Kapag may nakakita sa atin, iisipin nila ang hindi dapat isipin." Saway ko at pilit na kumakalas pero masyado siyang malakas.
"So what?" simpleng tanong niya, hinampas ko ang kamay niya pero nanatiling nakakapit pa rin iyon.
"Anong so what?! PA mo ako, ipapaalala ko lang sayo." Mataray kong sabi, hindi pa din tumitigil sa pagkalas.
"I like you." He whispered, hearing him saying that makes me stop.
"Y-yeah, you won't make me fall. Okay? Kilala kita Rav, matinik ka sa babae pero ibahin mo ako." Mataray kong sabi at ibinigay na nag buong lakas para maka-alis, nagtagumpay naman ako. Mabilis na umayos ako ng tayo ng pumasok ang mga staff ni Rav, kasama ang isang host.
"Hey Rav, I just want to give you some advice." Sambit ng host, nakangiti namang niyakap ni Rav ang host at inayang umupo sila. Inayos ko na lang ang ibang gamit ni Rav.
"Kung hihintayin mong mahulog siya sayo siguraduhin mong handa ka ng sumalo, I've been through that. I did everything I could to make her fall and when then time has come that she did fall, I realize something. That I was not ready for commitments, I just like her presence, that's all. That's why when she fell no one catch her, I let her fall alone. Now, It's too late. She's happy now, with the man who catch her when she fell again." Napahinto ako dahil sa narinig, hindi ko din alam kung handa ako. Pinilig ko ang ulo at lumabas na lang, maya-maya lang ay lumabas na nag host at nagpaalam sa amin. Simula non ay hindi naming nagawang mag-usap ni Rav dahil halata namang pareho kaming malalim ang iniisip.

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"