抖阴社区

CHAPTER 19: Claire

27 6 0
                                    

Claire's POV


Inayos ko ang damit ko at napagdesisiyonan nang dumiretso sa kompanya, ilang oras lang habang nagtatrabaho ako ay bigla na lang pumasok sila Jesh at Rav na daig pa ang mga matatamis sa office ko sa sobrang sweet. Hindi din nakaligtas sa mata ko ang singsing na suot nilang dalawa.


"Claire, I miss you! Tara inom." Niyakap ko siya at binatukan ng mag-aya ng inom.


"Kababalik niyo lang, inom na agad. Magpahinga ka muna, dumeretso ka sa bahay ko." Napailing na lang si Rav at nagpaalam na kay Jesh, nang maka alis si Jesh ay umupo ako at tinignan ng masama si Rav.


"Ano? Landiang walang label ang peg? Kamusta na si label, naiwan? May pa singsing-singsing pang nalalaman eh." Sarkastiko kong sabi, umiling na lang si Rav at umupo.


"We have to talk."


"Rav, if this is about me and him stop. Just stop." Panimula ko at ibinalik ang atensyon sa trabaho, hindi nagtagal ay kinuha ni Rav ang laptop sa tapat ko at basta na lang hinawi ang mga papel sa table ko. "The f*ck! Are you out of your mind?!"


"You're the one who's out of mind! Yun na yun? Ililipat mo lahat kay Jesh at hindi ka lalaban? That's your plan?!"


"He told you, don't he? Rav, gusto ko.. gustong gusto kong lumaban pero hindi ko kaya. I really want to fight and give myself justice but I can't." mahinahon kong sabi, napasuklay sa buhok si Rav.


"Bakit nga?! Bakit hindi pwed-"


"Dahil madadamay si Jesh at ang anak ko!" doon na muling tumulo ang mga luha ko, hindi ganon kadali para sa akin na sampahan ng kaso ang stepfather ko dahil madadamay sila. Malalagay sa kapahamakan ang buhay nila.


"A-anak?"


"I got pregnant, sinubukan kong itago pero hindi ako nagtagumpay. Nasa puder siya ng ama niya na lolo niya, sa bawat gabi na uuwi ako sa kanya walang gabi na hindi niya ako ginagalaw. I want to give up but I can't, hindi ko kayang iwan ng mag-isa si Klein. Not with him." Pagpapaliwanag ko, kita ang gulat sa mga mata niya.


"Tangna!"


Sa buong araw ay wala kaming ginawa kundi ang mag-usap, sinubukang kausapin ni Rav ni Aidan para kumbinsihin ako pero maski siya ay hindi na mababago ang desisyon ko. Alam kong malaki ang desisyon na ginawa ko pero yun lang ang alam kong tanging paraan para maprotektahan sila dahil sa kalagayan ko, one mistake can cause a lot of lives.


Dinaanan ko muna ang opisina ni Aidan para makausap tungkol saa papeles na, I have to make sure that he is processing those papers. After that, I went straight home where Jesh is.


"I'm home! Jesh?" tawag ko pagkapasok, bumungad sa akin si Jesh na naka apron at mukhang pinakielaman na naman ang kusina ko.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now