Jesh's POV
Claire's funeral was a lot of work, madaming mga artist niya ang nagpunta at ilang staff ng entertainment company niya dito at sa ibang bansa. Napagdesisyonan kong tatlong araw lang lamay ni Claire dahil may kailangan pa akong ayusin sa kaso niya at sa tingin ko ay mas mararamdaman ko ang sakit kapag nagtagal. Mainit ding usapan ang rason ng pagkamatay ni Claire, madalas ang sinasabi ay suicide kaya naman nagpaschedule ako ng media sa company ni Claire.
Wala akong balak ngayon na sabihin ang totoo hanggat hindi ako nanalo sa kaso, kailangan kong ingatan ang panagalan ni Claire at ng mga artist niya lalo na ang mga trainees at staff niya. She worked hard for this, lahat pinaghirapan niya na walang tulong ng kahit na sinong kapamilya niya. Nawala ang galit ko kahit papaano kay Rav pero hindi ko pa lang talaga kayang kausapin siya, sila. Hindi ganon kadali tanggapin namatay si Claire ng dahil sa akin at sa katotohanang itinago nila sa akin ang lahat.
"Aidan, ikaw munang bahala." Bilin ko kay Aidan bago siya niyakap at tinungo ang building, sa labas pa lang ay ang dami na agad tao. Mga fans ni Claire at mga media, pili lang ang pinapasok sa building dahil hassle kung napaka-rami. Nang lumabas ako ay agad na nagkumpulan ang mga tao, mabuti na lang at suot ko ang shades ko.
"Ano ang tunay na nangyari kay Claire Buenvera? Totoo bang nagsuicide siya?"
"Totoo bang nagkaroon ng relasyon si Claire at ang actor na si Rav? Ikaw ba ang rason kung bakit namatay si Claire?"
Natigilan ako nang marinig ang tinanong ng isang reporter, hindi dahil sa kumakalat na relasyon ni Claire at Rav kundi dahil sa kung ako baa ng rason ng pagkamatay niya. Huminto ang mundo ko dahil sa narinig, natulala at hindi magawang makapaglakad at makapagsalita. Tanging ang snuod sunod na lash ng camera at ang mga halo-halong boses lang ang naririnig, di kalaunan ay naramdaman ko ang dalawang kamay na pumalibot sa bewang ko at niyakap ako. Rav, hindi ko napigilang umiyak at itago ang mukha sa dibdib niya.
"Hindi madali ang pinagdadaanan ni Jesh ngayon, so please can you give her some respect. And it's not true that Claire and I were in a relationship or anything, I see her as my older sister nothing more. Let's just wait sa statement na ilalabas niya tungkol sa pagkawala ni Claire, thank you." Naramdaman ko ang bahaging pagyuko niya at ang pagluwag ng pwesto namin. "Love, come one." Naglakad na kami papasok, nanatiling tago ang mukha ko sa katawan ni Rav dahil sa patuloy na pag-iyak, nang makarating sa dressing room ay hindi ko na napigilang mapahagulgol.
"Kasalanan ko, Rav. K-kasalanan ko ang lahat, k-kung.. kung hindi lang sana ako naging mahina sa harap niya ay magagawa niyang pagkatiwalaan ako. Kasalanan ko!" agad na gumawa ng ingay ang mga gamit na bumagsak dahil sa ginawa ko, hinawakan ni Rav ang magkabila kong raso at inutasan ang mga staff na linisin iyon. "Kasalanan ko.." umiiyak kong wika at nanghihina napayakap kay Rav.
Sa isang oras ay panay lamang ang iyak ko, ako na lang ngayon ang nasa dressing room dahil kailangan pang pumunta ni Rav sa mga interview niya. Binilin pa niya pa ang huwag ng gumawa ng kahit na anong ikakasakit ko, siya din ang gumamot sa sugat ko dahil sa ginawa ko kanina. Naka-ayos na ako at handa ng humarap sa lahat, ilang minute lang ay tinawag na din ako. Bumungad sa akin ang sunod-sunod na flash ng mga camera nila, halatang handa na silang magtanong at marinig ang sasabihin ko.

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"