Rav's POV
Nabili ko na ang mga kailangan, tumawag din si Jesh na kumpleto naman ang gamit ko pambake sa bahay maliban sa cupcake cases. Yun na lang ang kailangan ko kaya ng hindi ko mahanap ay nagtanong na ako.
"Uhm, Miss." Tawag ko sa isang sales lady na nag-aayos ng mga product, magiliw na ngumiti siya sa akin. Nakita ko din ang pagkunot ng nuo niya dahil sa takip natakip kong mukha.
"Yes, Sir?" tanong niya.
"Saan ko makikita yung mga cupcake cases?" tanong ko, rinig ko ang pagsinghap niya. Right, nabosesan niya ako. Tinanggal ko ang mask ko at ngumiti sa kanya, impit na tumili siya pero hindi ko na iyon pinansin.
"N-nandoon po sa section 13, left side po. Oh god, pwede po magpapicture?" tanong niya, tumango ako at kinuha niya ang phone niya. Pinuntahan ko yung tinuro niya at nakita ko ang hinahanap, kumuha ako ng black cupcake cases na may design na maliliit na heart. Simple but elegant.
Nagbayad ako at iniwasan ang counter na maraming tao, mabilis naman akong natapos at nakauwi. Naabutan ko si Jesh na abala sa panonood.
"I'm home!" sigaw ko, narinig ko ang papalapit na yabag ni Jesh. Inilapag ko ang mga pinamili ko at agad niya iyong sinuri.
"Good, kumpleto. What kind of icing?" tanong niya habang isa-isang inilalabas ang mga ingredients. Nakangiting pinagmamasdan ko lang siya at sumagot.
"Bubble gum icing please." Sagot ko, inikot niya ang mga mata at tinignan kung nandoon ba ang kailangan niya sa paggawa ng icing na gusto ko.
"Pahirapan mo pa ako pero in fairness complete ang unggoy." Sambit niya at sinimulan na ang paggawa, pinagmasdan ko lang siya.
She's calm and quiet habang gumagawa, nagkikinig kami pareho sa playlist niya and to my surprise halos ang ilan sa mga yun ay kanta ko. Sometimes she hums kaya hinihintay ko na marinig siyang kumanta. Napapikit ako ng wala sa oras ng ipagpag niya ang kamay niya malapit sa akin.
"Oops, sinasadya." Natatawa niyang sabi at nagpatuloy, ngingisi-ngisi ako na nagpahid sa kanya ng flour. Agad akong bumalik sa pagkakaupo at nagkunwaring pinanonood lang siya.
"What?" inosente kong tanong ng tinignan niya ako, natatawang pinagpatuloy niya ang pag sasalin ng ginawa niya sa cupcake cases. Malay ko sa tawag non.
"Painosente ka." Natatawang parinig niya at inilagay na sa oven ang dalawang 12-hole tray doon, ibinato niya sa akin ang oven mitts niya na agad ko namang nasalo.
"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko, sinisimulan na niya ang paggawa ng icing.
"Ikaw ang kukuha ng tray sa oven kapag narinig mo na ang timer, gets uler de papay?" sagot niya, sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pang-aasar niya.
"Stop that uler de papay thing, Jesh. Or else-" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil pinutol niya ako.

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"