抖阴社区

CHAPTER 8: Friends

50 8 0
                                        

Jesh's POV


Prinoseso ko ang mga narinig, give me a chance.. give me a chance.. give me a chance. Paulit ulit ko yung narinig, kumalas ako sa pagkakayakp sa akin ni Rav at tinignan siya, kita sa mga mata nag sinderidad at pagkadeterminado.


"Rav, why? Bakit ngayon ka lang nagsalita." Bulong ko at diretsong nakatingin sa kanya.


"Nauna siya eh, yung araw na sinagot mo siya yun sana yung araw na aamin ako sayo. Wala na akong nagawa dahil nakita ko yung mga ngiti mo kapag kasama mo siya, puno ng saya. Mahal na kita noong mga panahon na lagi tayong magkasama pero nung mga panahong din yun mahal ka na niya at ang masakit mahal mo na din siya, ngayon gusto kong bigyan mo ako ng pagkakataon. Pagkakataon na sana dati ko pa hiniling sayo. Jesh, please give me a chance." Kwento niya, hindi ko alam pero may parte sa akin na gusto siyang bigyan ng chance. Pinakatitigan ko lang muna siya bago nagsalita.


"Treasure it Rav, you only have one chance." Nakangiti kong sabi, kita ang kasiyahan sa mga mata niya at niyakap ako. Kumalas naman ako dahil nakakailan na.


"B-bakit?" takot niyang tanong dahil binigyan ko siya ng matalim na tingin.


"Nakakailan ka na ha!" asik ko at hinampas siya, napabuga naman siya ng hangin.


Ilang minuto pa kaming nanatili doon bago iniwan ang kandila at nagpaalam na, pinapasabay ako ni Rav pero hindi ako pumayag dahil dadaanan ko pa si Claire. Naiirita na din ako dahil daig pa ng batang makulit ang mokong na ito.


"Umuwi ka na nga." Kalmado ko pang sabi, ngunit umiling lang siya at sumandal sa kotse ko.


"Nope, sasama nga ako." Pagpupumilit niya.


"Uuwi ka o babawiin ko yung binigay ko sayong chance? Choose wisely Rav Phoenix." Pananakot ko, agad siyang kumaripas ng takbo sa van niya at nagpaalam. Naiiling na sumakay na lang ako sa kotse at tinungo ang bahay ni Claire.


Rav, Rayjian and me ay magkakaibigan kahit na magkakaiba kami ng course pero one time na nakasama ko si Jian sa isang sub ko at nakapare. Doon kami nagging close, doon ko din nakilala si Rav na best friend ni Jian at si Rav ang madalas kong kasama dahil masydaong mahigpit ang schedule ni Jian that time. Malapit kaming tatlo sa totoo lang pero nagbago ang ihip ng hangin ng pumasok sa pag-aartista si Rav at simula ng malaman niyang kami na ni Jian.


Simula non ay malimit kaming magsamang tatlo at pansin ko na din na unti-unting lumalayo si Rav, until the accident came. Gabi non at nagkaroon kami ng away ni Jian dahil sa nalaman niyang balita sa company ni Mommy about sa engagement ko sa isang guy, walang katotohan yun at yung ang pinapaliwanag ko kay Jian pero masyadong magulo ang isip namin non at sa hindi inaasahan ay nabangga kami ng isang bus. Sa tapat ng passenger side kung saan ako nakaupo ang direksyon ng bus, nagpaikot-ikot kami pero bago ako mawalan ng malay that time naramdaman kong may yumakap sa akin. Jian.


Yun ang dahilan kaya mas naging delikado ang lagay niya dahil siya ang sumalo sa lahat ng impact na dapat ako ang sasalo, tatlong buwan akong walang malay. Sa loob ng tatlong buwan nagawang magising ni Jian at makapag-sulat pero sa loob din ng tatlong buwan na yun hindi kinaya ng katawan niya ang operasyon para sa puso niya na dulot ng aksidente. Nagising akong may sulat at tuyong bulaklak sa tabi ko, binasa ko yun at sa araw na yun sinabi nila Mommy at Tita na wala na siya. In Jian's funeral, Rav and I met again pero yun na din ang huling beses na nakita ko siya. Pero mukhang pinaglandas na naman kami ng mundo.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now