抖阴社区

CHAPTER 7: Chance

33 7 0
                                    

Jesh's POV


Hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa antok, I swear hindi na ulit ako iinom ng marami. Akamng tatayo na ako ng maramdaman kong may dumagan sa akin na kamay at hinapit ako palapit.


"Claire, bitaw. Tatayo na ako." Inaantok kong sabi, unti-unting pumapasok sa ala-ala ko lahat ng nangyari kagabi.


Pinahanap sa akin si Rav.. Hinigit buhok ko.. Inuwi ko si Rav.. Na-nakatulog ako...


Mabilis pa sa alas kwatro na napatayo ako at naramdaman kong nagising ang katabi ko, tinignan ko ito at tumili ng pagkalakas lakas. Konti na lang ay mabasag ang mga salamin ditto sa bahay ni Rav.


"No.. no.. no! Rav Phoenix!" sigaw ko sa panagalan niya, napatayo naman si Rav.


"Morning." Bati niya at tumungo sa cr, napansin kong yun pa din ang suot niya nung inuwi ko siya kagabi. Ganon din ako, nakahinga ako ng maluwag. Safe.


"Wag ka mag-isip ng kung ano-ano, I respect you Jesh." Seryoso niyang sabi at inihagis sa akin ang isang paper bag. Binuksan ko yun at nagulat ako na may laman yung damit ko at underwear.


"Nagpunta ata si Ate dito at dinala yan, mukhang alam niya na dito ka natulog. Nag-iwan siya ng note. Mag-ayos ka na, padating na din sila mamaya." Pagbibigay alam niya at bumaba, ako naman ay nagtungo na lang sa cr.


"Akala mo walang nangyari kagabi. Hello! Magkatabi lang naman tayo." Sambit ko sa sarili habang nagshoshower. Napailing nalang ako at kinalimutan ang nangyari kagabi.


Kalahating oras din akong nag-ayos ng sarili, nang makababa ako ay naka-ayos na din si Rav. Mukhang sa isa pang kwarto siya naligo, nakita kong may hinain siya sa mesa. He can cook?


"Don't just look, pumunta ka dito." Utos niya, hindi na ako nagsalita pa at sinaluhan siya. May mga gamot din na nakapatong sa tabi ng mga plato naming para sa hangover.


"Himala ang isang Rav Phoenix marunong magluto." Pang-aasar ko, nailing na nagpatuloy siya sa pagkain. Nang matapos kami ay ako na ang naghugas habang siya ay nagbabasa ang script. Last day na ng shooting nila sa serye na pinagbibidahan niya, after non puro interviews at photoshoot na lang muna siya.


"Anong akala mo sa akin, artista lang?" sarkastiko niyang tanong at ininom ang gamot niya.


"Oo." Akamang magsasalita siya ng dugtungan ko ang sinabi ko. "Artistang Play F*ck Boy." Dugtong ko sabay inom din ng gamot, pinaningkitan niya ako ng mata. Ilang minuto lang ay dumating na ang manager niya dala ang van niya, umalis na kami para pumunta na kami sa Amethyst kung saan gaganapin ang huling shoot nila.


Kakilala ko ang may-ari ng Amethyst kaya sure akong hindi ako mabuburyo sa pagsagot ng mga tawag at email, well tapos ko naman ng sagutin ang mga email na dapat sagutin kaya ang mga natawag na lang sa phone niya at phone ko ang trabaho ko ngayon. Inanounce na kasi ni Claire na magbabakasyon ang mokong dahil halos 3 serye ang tinapos niya ngayong taon.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now