Jesh's POV
One week. One week nang mainit ang ulo ko sa halo-halong dahilan. Una sa isang linggong magkasama si Rav at Era para aralin at irecord ang kanta ay gumagawa ng paraan si Era para paalisin ako at masolo si Rav, ang kupal naman ay hinahayaan lang. Pangalawa nagpunta ng hindi ko alam o ng manager niya si Rav sa REZI kasama lang naman ang ex niya and guess what, nalitratruhan lang naman sila ng mga paparazzi. Pangatlo, ilang araw nang masakit ang likod ko kahihiga sa sofa dahil sa kakahintay ko sa kanya gabi-gabi.
I have no rights as a girl para magalit pero ilang PA niya na sumasalo ng lahat ay may karapatan ako. Pinag aalala at pinaghihintay niya ako sa mga pinaggagawa niya, I can let him go pero sana man lang ay sinasabi niya sa akin kung saan at anong gagawin niya.
"Hey, you okay?" lumayo ako kay Rav na hinawakan ang braso ko, hindi ko siya sinagot at hinayaan ko lang siya sa isang gilid.
"You don't have a shoot for your variety show pero may shoot ka mamayang hapon para sa concert mo at sa collaboration niyo ni Era. May photoshoot ka ngayon para sa ie-endorse mong product." Pagbibigay alam ko, nanatiling diretso ang mukha ko. Wala ako sa mood para kausapin siya o lapitan siya, kung pwede lang ay pati na rin ang hindi makita ang mukha niya.
"Are you mad at me?" sakto namang bumukas ang elevator kaya nauna na akong lumabas at pumunta sa dressing room, nakasunod lang siya sa akin. Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero iniiwas ko lang yun. "Jesh, can you please talk to me? Kanina pa ako nagsasalita pero parang balewala lang ang laway ko sayo." Rinig moa ng pagkainis sa boses niya, inihagis ko sa kanya ang damit na gagamitin niya at iba pa bago nagtungo sa laptop ko.
"Mag-ayos ka na, magsisimula na kayo." Tanging sagot ko lang at hindi na siya nilingon.
Sa buong shoot hanggang sa matapos ay hindi ko kinausap si Rav ng maayos, sa tuwing susubukan niyang lumapit o kausapin ako ay nagpapanggap ako na may ginagawa o may kinakausap. Papa-alis na kami para pumunta sa pangalawang location ng shoot niya nang may pumasok sa dressing room.
"Hi, Rav!" agad na yumakap si Era kay Rav na niyakap niya naman nang bahagya, agad na umikot ang mata at nag-init ang ulo ko.
"I wanna kill someone right now." Mahina kong bulong pero mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ko.
"May sinasabi ka?" mataray na tanong ni Era, kinuha ko ang ipad ko at tinignan sila nang walang emosyon. Napaatras si Era at napalunok naman si Rav dahil sa tingin ko.
"Meron. Sinasabi ko na mamaya na kayo maglampungan dahil pare-pareho tayong mahuhuli sa shoot niyo, nakuha niyo na pang mag-yakapan sa harap ko." Mataman kong saad, nauna na akong lumabas pero nanatili sila doon kaya muli ko silang binalingan. "Do I have to repeat what I said? Hindi naman siguro kayo binge." Nauna na akong sumakay sa van, pumwesto ako sa tabi nang driver at sinarado ang harang. I really want to strangle them both.
Rav's POV
I was shocked when Jesh act like that, hanggat kaya niyang magtimpi ay gagawin niya. Hindi din basta-basta hindi mamamansin si Jesh depende na lang kung galit siya, I think she's mad at me. Sumunod ako sa van at pinasakay si Era, napansin kong nakasara ang harang at wala sa likod si Jesh, she's really mad. I guess.

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"