抖阴社区

CHAPTER 6: Sleep

37 11 1
                                    

Jesh's POV


Maaga akong nagising dahil maaga naming susunduin si Mi Grazi, napabaling ako sa isa pang katabing kama ng kama ko at doon ko nakita si Rav na mahimbing pang natutulog. Sinilip ko siya at pilya akong napangiti ng may maisip ako. Well, witty witty ako ngayon kaya pagbigyan na ang mind.


Tumungo ako sa gamit ko at kinuha nag make-up kit ko tsaka bumalik kay Rav at sinimulan ang balak ko. Kailangan kong magdahan dahan dahil minsan ay gumagalaw si Rav.


"Now, you look gorgeous. Goodbye boss." Paalam ko at nag-ayos bago nagiwan ng malaking note at umalis na. Ilang oras lang din ay nakarating na ako sa bahay ni Claire, nakakapagtaka dahil halatang balisa siya.


Hindi ko nalang yun pinansin at nagmaneho na papuntang airport, ilang minuto lang ay nakarating na din kami.


"Hoy, bat parang balisa ka kanina?" tanong ko kay Claire na ngayon ay nakatulala kung saan.


"Huh?" wala sa sarili niyang tanong.


"Bakit kako parang balisa ka kanina?" ulit ko, may mali kasi sa mga kinikilos niya.


"Wala yun, kung ano-ano napapansin mo." Sagot niya at iniba ang usapan, maya-maya lang ay nagring ang phone ko ng tignan ko kung sino yun napangisi ako. Rav's Calling...


["Hello?"]


["What the hell did you do, Jesh?!"] nailayo ko ng wala sa oras ang phone ko dahil sa lakas ng boses niya.


["Aray ko! Wala naman akong ginawa ah, pinaganda lang naman kita."] inosente kong sabi.


["Pinaganda eh mukha nga akong bakla!"] halatang galit na.


["Ay, akala ko magugustuhan mo. Akala ko bakla ka."] pang-aasar ko.


["Jesh Emerald!"] sigaw niya, magsasalita pa sana ako ng may marinig akong tumawag sa akin.


"Babe." Tawag sa akin ng boyfriend ni Mi Grazi, Kuya Breeze pero Reeze nalang daw ang itawag naming sa kanya. Akmang magpapa-alam ako kay Rav ng marinig kong binabaan na ako, problema non?


"Kuya Reeze! Mi Grazi! Welcome back!" masaya kong bati, napailing naman sa akin sila Mi at niyakap kami ni Claire. Napansin ko si Claire na lumayo ng onti kay Kuya Reeze. Ano bang meron?


Naglakad na kami papunta sa kotse at doon nagusap-usap kung saan kami pupunta, hindi na nila ininda ang jetlag nila at nag-aya na agad mag-inom.


"I can't drink. Ban ako." Sambit ko at natatawang tinapik ako ni Mi Grazi.



"I know, kaya nga pinaalam na kita kay Tita eh." Nang marinig ko yun ay agad akong humarap sa kanya at kinindatan niya ako bago ko ibinalik sa daan ng tingin.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now