抖阴社区

CHAPTER 9: Wrong

33 8 1
                                    

Someone's POV


"Kamusta na?" tanong niya, mapait akong ngmuti dahil sa tanong niya.


"Fine, siya hindi." Napayuko siya dahil sa narinig.


"I'm sorry, masyado pang maaga. Hindi magiging madali, hindi ko alam kung kaya niyang tanggapin lahat.. mahihirapan siya." Malungkot niyang sabi, tumayo na lamang ako at kinuha nag gamit.


"Mas mahihirapan siya kung patatagalin mo pa." walang emosyon akong umalis at iniwan siya.


Be strong for me, kailangan ka pa niya.



Rav's POV


Nang maka-uwi ay naabutan ko doon si Ate kasama si Reeze na naghahanda ng hapunan, tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Napaigik ako ng talunan ako ng yakap ni Ate.


"Omo, my little baby brother. I miss you." Bati ni Ate Grazi, napailing nalang ako at yumakap din sa kanya.


"Miss you too." Kumalas ako at bumaling kay Kuya Reeze. "Kuya.." binigyan niya ako ng tango. Kahit busog ako kumain pa din, sigurado akong magtatamo si Ate kung hindi.


"So, kamusta ang friendly date niyo ni Jesh?" tanong ni Ate sa kalagitnaan ng pagkain naming, napakunot ang nuo ko sa narinig.


"Friendly date?" taking tanong ko, inosente naman siyang tumango.


"Oo, yun ang sabi ni Jesh sa amin kanina. Bakit parang taking-taka ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Ate.


"Nothing, yun pala ang sinabi niya. Okay naman, she gave me chance." Sagot ko, tumango-tango naman si Ate.


"A chance for your friendship." Bulong ni Ate pero sapat na para marinig ko.


"For what?!" naguguluhan kong tanong, natatawa na ibinaba ni Ate ang baso niya at tinignan ako.


"Someone's curious, tama naman yung sinabi ko ah, a friendly date tapos a chance for your friendship. All about friendship, what's the problem in that?" maririnig ang pang-aasar sa pananalita ni Ate.


"Damn that friendship." Irita kong bulong pero mukhang hindi nakalagpas sa tainga ni Ate yun dahil bigla niya na lang akong niyakap.


"Binata na ang kapatid ko! Hindi na siya Play F*ck Boy, sa wakas! I'm so happy for you, kapatid." Napapailing na lang kami ni Kuya Reeze sa mga sinasabi ni Ate.


Nagkamustahan kami nila Ate bago nila napagdesisyonang umuwi, hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ate na nanggaling kay Jesh.


"Friendly date and a chance for our friendship? Seriously, Jesh?" kasalukuyan kong kausap ang kasalukuyan kong kausap ang aso ko na Jesh ang pangalan, she's cute and an adorable dog. Malayong-malayo sa ugali ng kapangalan niya.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now