抖阴社区

CHAPTER 20: Back to Work

28 6 0
                                    

Jesh's POV


Isang buwan. Isang buwan na kaming pagod at puyat, sinisimulan na din kasi nila Rav shoot nila para sa variety show. It has 5 seasons kaya sigurado akong mapapalapit ng husto si Rav sa mga katrabaho niya, magkasama na kaming natira sa bahay niya dahil mas lalo kaming natatagalan kung maghihintayan kami.


"Cut! Take a break first." Agad akong tumayo at kinuha ang tumbler ni Rav, agad niya naman itong ininuman.


"So, kamusta ang pang-apat na araw mo sa mundo ng variety show?" Nang aasar kong tanong, part of him ay nagsisising pinirmahan ang contract pero a part of him also ay nag eenjoy.


"Nakakapagod pero masaya." Wala sa oras na napalingon ako sa paligid dahil bigla na lang siyang humalik.


"You! Kung may makakita sayo." Mahina kong singhal, basta basta na ba naman ng hahalik.


"Bye!" bumalik na siya sa pwesto niya kanina, napailing na lang ako at bumalik sa tent ni Rav. I have so many things to do, I have to organized his new schedule na galing sa bago niyang manager. Biglaan ang pag alis ni Ate as Rav's manager kaya naghanap kami ng papalit agad, luckily mabilis kaming nakahanap. But, he's an avid fan of Rav and Era kaya masyadong taliwas ang mundo naming dalawa.


Kung tatanungin niyo kung kamusta naman kami, well we're good. Katulad pa din dati, wala namang nagbago at ganon pa rin si Rav. We're really making progress and I'm happy to say that I'm learning how to let go. Letting go is an act that can't be done so easily, you have to go on a process. Hindi mo basta-bastang sabihin na nagawa mo nang bitawan at pakawalan ang lahat ng ala-ala mo kasama siya, mga pangako mo sa kanya at ang mga pangarap niyo sa isa't-isa. One step at a time, ika nga nila. And, that's what I'm doing right now. Isa-isa kong pinakakawalan ang mga ala-ala, pangako at pangarap namin. But, in letting go of someone I treasure the most, will always have a place in my heart.


Every night, Rav always asks me this 'What are we?'. Sa bawat gabi na tatanungin niya yun iisa lang ang sagot ko, hindi ko alam. I know it's not fair and I'm making him feel hopeless, from the first place he makes it clear.. gusto niyang makuha ang hindi niya nakuha noon. Alam ko, alam kong siya ang nauna at hindi si Jian pero nung mga panahong yun mahal ko si Jian. I didn't dare to speak, hindi ko sinabi sa kanila ang alam ko.


"Hey, you okay?" napapitlag ako ng marinig si Rav, inabot niya sa akin ang isang tubig.


"Yeah yeah. Thank you, tapos na kayo?" agad siyang tumango at nagpalit, inihanda ko na ang gamit niya papunta sa building nila Claire. Pipirma sila Era at Rav para sa collab na mangyayari para sa concert ni Rav.


Rav already composed a song, tungkol ito sa taong dumating sa buhay ng isang tao na siyang nagpasaya at nagparamdaman sa kanya ng pagmamahal. Tungkol sa mga taong dumating sa buhay natin para mahalin at pasayahin tayo pero kahit anong gawin natin hindi sila magiging atin. Kung iintindihin mo ang kanta ay maihahalintulad mo ito sa kwento nila ni Era.


Isang oras din ang itinagal ng byahe naming dahil masyadong malayo ang location ng pinag shoot-an nila kanina, hindi din ako makagalaw ng ayos dahil may nakayakap sa bewang ko. Halata ang pagod sa kanya kaya hinayaan ko na lang, mas mapapagod siya mamaya dahil hindi lang pala pagpirma ng kontrata ang gagawin sisimulan na din nilang aralin ang kanta. Gumalaw ako ng konti para kumuha ng tuig ng humigpit ang yakap niya.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now