抖阴社区

CHAPTER 4: Wrong Move

Start from the beginning
                                    

Mapapatay kitang lalake ka!


Feet this!


"Bakit gusto mong idagdag yun?" tanong ni Claire.


"Simple. I want to spend time with her." Sagot ni Rav na ikinanganga ko.


What the heck?!


"Are you on drugs?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Phoenix.


"Of course not woman, alam kong Malala akong lalake pero never akong pumasok sa ma ganang bagay." Tanggi niya.


"Naninigurado lang." nakangiwi kong sabi, siya naman ay napailing.


"Papayag ka ba sa ganoong kasunduan?" tanong ni Claire sa akin, akmang sasagot ako ng bumukas ang pinto ng meeting room at iniluwal ang ina ko.


Anong ginagawa ni Mommy dito?


"Papayag siya, kailangan niyang pumayag sa ganyan. Right, Jesh?" baling sa akin ni Mommy.


"Tita, good morning." Bati ni Claire at tumayo para yumakap.


"What are you doing here, Mommy?" tanong ko at lumapit para yakapin siya.


"Para icheck ka." Sagot ni Mommy at umupo tsaka binasa ang contract na nakalapag.


"And paano mo nalaman na nandito ako?" puno pa ring koryusidad na tanong ko.


"I have my ways, Jesh. By the way, she will agree on that." Akmang mag sasalita ako ng putulin ako ni Mommy. "Don't talk."


"O..kay, Rav meet Jesh's mom." Pakilala ni Claire.


"Nice to meet you po, Ms." Bati ni Rav.


"Nice to meet you too, balita ko ikaw ang guy na hinalikan ni Jesh sa bar." Tugon ni Mommy.


What the hell?!


Tinignan ko si Claire at mukha naming naintindihan niya ako at umiling siya bilang sagot.


"Yes, Ms." Sagot naman ni Rav, siniko ko siya at hindi makapaniwalang tinignan.


Tanging ngisi lang ang ibinigay niya, humantong na ang bagong kontrata ay ako at si Mommy ang pumirma. Umalis din agad si Mommy dahil may kailangan bad aw siyang kitain, ako naman ay bumalik sa pagiging PA ng paang unggoy na ito.


"Base sa pagtingin mo sa akin, gusto mo na akong sakalin at sipain." Rinig kong sambit ni Rav habang patuloy na nakikinig sa music at nagbabasa ng script.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now