"Buti alam mo, by the way, bukas na ang guesting mo sa Morning Vibes. I will send the email ng mga maaaring itanong nila sayo and don't forget na kakanta ka doon." Paalala ko.
"Okay." Tanging sagot niya at bumaba na, hindi naming inaasahan na maraming mga tao ang naghihintay sa kanya kung saan nakalugar ang shooting.
"Pasok!" sigaw ko kay Rav at agad naman siyang pumasok muli sa van.
Hindi ko inaasahan na mahihila ako ng mga babae sa labas, nahila nila ang sleeves ng damit ko dahilan para mapalabas ako. I have no choice to close the door kahit naririnig kong isinisigaw ni Rav ang pangalan ko.
"Stop!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas dahilan para mapa-atras silang lahat.
Napansin ko ang gulat at pagkairita sa kanila ngunit hindi ko iyon napansin, pinasadahan ko sila ng tingin bago magsalita.
"Give Rav a space para makadaan, hindi niyo naman siguro gustong masaktan yung tao diba? Hindi niyo din gustong masugatan si Rav dahil sa mga nagtatalasang kuko niyo at hindi niyo din gugustuhing mabingi ang pinakamamahal niyo dahil sa mga boses niyong pinagsama-sama na talo pa sirena ng bumbero." Sambit ko, nagkatinginan sila at sabay-sabay na tumango.
Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi ng sugat ko dahil sa paghila sa sleeves ko kanina.
"Good, now make way please. Kung ayaw niyong sapilitan ko kayong paalisin dito." Sambit ko at sabay sabay silang umatras at binigyan ng daana ng pinto ng van. Sakto naming dumating na ang mga guard.
Akmang bubuksan ko na nag pinto ng van ng buksan na iyon ni Rav na may madilim na mukha, tinignan niya ang damit ko bago hinubad ang suot na hoodie at isinuot sa akin, hinila niya ako patungo sa tent niya.
"Why did you do that?" madilim pa rin ang mukhang tanong niya.
"Hindi ko naman talaga gaga-"
"Kahit na! That's not your job! Hindi mo dapat ginawa yun, Jesh Emerald!" putol niya sa akin, halata ang galit sa boses niya. Ako naman ay napangiwi ng banggitin niya ang buong pangalan ko.
Lumapit siya sa akin at pinahubad ang hoodie, agad ko naming ginawa iyon at hinayaan siya na linisin ang sugat ko. Napapaigik ako sa tuwing mararamdaman ang hapdi dulot ng alcohol.
"Aray! Magdahan-dahan ka naman, parang binubuhos mo lahat ng inis mo eh." Reklamo ko.
"Ikaw ang unang PA ko na sinasalag ang sarili sa mga fans." Walang emosyon niyang sabi.
"Hindi ko talaga sinalag sarili ko don! Hindi ko naman talaga gagawin yun, ang kaso nahila ako ng mga babaeng gusto atang ibigay ang buo nilang pagkato makasama ka lang." sarkastiko kong sabi.
"Tss" angil niya.
"Bakit hindi totoo? Sa pagkakaalam ko ang dami mo ng list ng mga babae na naGET AND LEFT mo, usong magbago Rav." Sambit ko, nabalot ng takot ang katawang lupa ko ng tignan niya ako ng mataman.
"Gusto mong mapabilang?" nang-aakit niyang tanong, ako ay napaatras.
"Gago."
Patuloy lang ang atras ko sa bawa hakbang niya palapit sa akin, nasakto naming wala na akong aatrasan kaya nagawa niyang ikulong ako sa mga braso niya.
"B-bitaw." Nauutal kong sabi.
Feet!
Jesh, matigas ka diba? Tigasan mo pa!
Mataman niya akong tinignan at unti-unting inilapit ang mukha sa akin, ilang metro nalang ang layo ng mga labi namin ng itulak ko siya at sampalin.
Nakangisi ngunit madilim niya akong tinignan. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at lumapit sa tenga ko.
"Wrong Move, Jesh." Bulong niya at tinalikuran ako.
Hell...

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"
CHAPTER 4: Wrong Move
Start from the beginning