"Claire, kamusta ang company mo? Tama ba na isa sa mga artista mo ang hinalikan ni Jesh?" natatawang tanong ni Mi Grazi.
"Uh, oo. Ewan ko ba dyan kay Jesh kung anong nainom nung gabing yun at nakuhang manghalik." Pang-aasar ni Claire.
"Ikaw diyan, hindi ako inawat!" sisi ko kay Claire, nagtawanan naman sila.
Nakatulog na sila Mi Grazi sa byahe, nakakapagtaka dahil hindi na nagsalita pa si Claire simula ng malaman niyang dadating din si Kuya Reeze. Napansin ko din na sa tuwing magkakatinginan sila ay para silang nag-uusap gamit ang mga mata nila.
Ilang oras lang ay nakarating na kami at ibinaba ang gamit nila Mi Grazi, sa layo ng bahay ni Mi Grazi hindi na ako nagtaka na hapon na kami nakarating. Si Kuya Reeze na ang nagdrive papunta sa bar na pagmamayari ni Mi Grazi, ilang minuto lang ay nakarating na kami. Agad naman kaming pinapasok.
"Alcohol here I come!" sigaw ko at nagpakembot-kembot na nagtungo sa bartender at nanghingi ng inumin. Nakita kong nakatingin lang sila Claire sa akin, tinawag ko sila at naiilang na lumapit lang sila.
Nakakailang bottoms up na din ako pero hindi pa din ako lasing, napanatag ang kaluluwa ko ng makitang nageenjoy si Claire. Lumapit ako sa kanya at sabay kaming nagkekembot sa dance floor, ilang lalake ang lumapit sa amin pero dedma lang kami. May standard kami, although talaga naming mapopogi ang nagpupunta dito still no.
"Kamusta ang Rav Phoenix?" tanong ni Claire, lumapit si Mi Grazi na mukahng makikichismis.
"Okay naman, ginawa akong model ng mokong na yun. Kaya hindi na ako magtaka kung manibago ang mga tao dahil hindi nila kilala ang kasama ni Rav sa magazine." Kwento ko, napatango tango si Claire na kalaunan ay nanlalaking mga mata niya akong tinignan.
"What?! Why would he do that?! That asshole." Halatang galit na sabi ni Claire, wala na siyang magagawa tsaka alam ko namang kaya niyang maglabas ng statement kung sakaling mapansin ng mga tao yun.
"What if mainlove ka sa kanya?" tanong ni Mi Grazi, napanganga ako at sunod-sunod na umiling sa kanya.
"No way hell way! Sa lalakeng yun? Imposible, wala naman akong pake sa kanya ganon din siya." Sagot ko at uminom.
"Talaga ba? Nabalitaan ko galit nag alit yun nung sinalag mo mga fans non nung pababa siya ng van niya." Natatawang sabi ni Mi Grazi, napakunot ang nuo ko.
"Kanino mo naman nasagap yan Mi?" nakataas kilay kong tanong, inginuso niya si Claire na ngayon ay may kasayaw ng lalake. Nagpeace sign pa sa akin si Claire at bumalik sa pagsasayaw.
"Hindi ko naman sinalag, nahigit ako nung mga babae. Grabe ang mga yun, kalalakas at katutulis ng mga kuko. Handang handa silang gawin lahat para sa mokong na yun." Pagpapaliwanag ko, napatango tango si Mi Grazi.
"Good luck, pagpasensyahan mo na ang kapatid ko." Napanganga ako dahil sa narinig, hell...

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"
CHAPTER 6: Sleep
Start from the beginning