"You think kapag sinabi ko na manliligaw ko, courting friendship na yun?" F*ck! Napakacorny. Napailing nalang ako ng tumahol si Jesh at sumunod sa akin sa kama.
~KINABUKASAN~
"Hmmm?" mahinang ungot ko ng maramdamang may gumigising sa akin, another freaking work day.
"Rav Phoenix, babangon ka diyan o hindi ka makaka-alis ng bahay mo ng hindi ako kasama?" agad akong tumayo at tinatamad na nagtungo sa cr dahil sa sinabi ng Manager ko.
"Nawalan naman ako ng privacy kung ganon." Nakarinig ako ng tawa bago ako tuluyang makapasok sa cr, napailing na lang ako.
Ilang oras halos ang ginugol ko sa kwarto ko para mag-ayos, ng maka-baba ako ay nakita ko si Jesh. The person not the dog.
"Tapos na ang training days ni Jesh kaya ibingay ko na ang full schedule mo sa hanggang sa magvacation ka, siya na ang mag-aasikaso sayo dahil alam mo namang malapit na akongmagbakasyon kaya si Jesh na ang bahalang bumugbog sayo." Pagbibigay alam ng manager ko, mahina namang natatawa si Jesh habang naghahain.
Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na, ng matapos ay agad din kaming umalis. Nasa unahan ng van ang kotse ni Jesh kaya kita kung gaano siya kabilis magpatakbo, kasama ko din si Jesh ngayon na panay ang kawag ng buntot. Hinayaan ko na lang siya at binasa ang mga posibleng itanong sa akin sa guesting ko sa WARIAN HOUSE na galing kay Jesh.
"How's your relationship status?" wala sa sarili kong basa sa isa sa mga tanong na nandito.
"Alam mo naman ang mga tao, Rav." Biglang sabat ng manager ko, bumuntong-hininga na lang ako.
"Hindi ka ata nagtatanong tungkol sa amin ni Jesh Ate?" takang tanong ko, habang binabasa pa din ang mga tanong.
"Rav, nagwoworkshop ka pa lang para sa pagartista mo nandoon na siya kahit alam niyang umiiwas ka sa kanila. Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin siya ng ibigay mo sa akin ang desisyon mo para sa magiging PA mo dahil alam kong okay lang sayo yun. Hindi na din ako magtataka kung mabalitaan ko na lang bigla na kayo na." sagot ni Ate, napangiti ako dahil kilalang-kilala niya talaga ako. Kami na, hmmm. I like it.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami, madami na ding mga tao ang nasa labas at naghihintay. Bumaba si Jesh dala ang isang tablet at sabay na pumasok kami sa loob, nang tignan ko ang laman nun ay nandoon lahat ng mga dapat at hindi ko dapat kainin, oras ng work out ko at schedule ng mga guesting at interviews ko.
"Nakita mo yan?" may tinuro siya don at napanganga ako sa nakita, malapit na ang pagsali ko sa isang variety show na tungkol sa mga agent stuff. Magpapaka-agent kami.
"God, it's good that I will have my vacation bago ako sumali diyan." Umiiling na bulong ko at nagpatuloy sa dressing room ko. Hindi ko alam pero pinag-suit nila ako, ilang oras ang nakalipas ay naririnig ko ng nagsisimula ang show.

YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"
CHAPTER 9: Wrong
Start from the beginning