抖阴社区

                                    

"You can't-"


"I know, I know. Ngayon lang yan, don't worry too much. Mag-alala ka sa puso mo, baka mahulog sa akin yan." Pang-aasar ko sa kanya, hinampas niya ako at humiwalay dahil narinig na namin ang timer. Kinuha ko ang oven mitts at ako na ang kumuha, iilapag ko iyon at hinintay naming lumamig. Nilagyan na ng icing ni Jesh at sabay na naming tinikman yun.


-Meanwhile-


Naka-uwi na si Jesh, itinabi ko ang mga natirang cupcake. Dadalhin ko na lang bukas sa interview ko sa Morning Vibes na namove dahil hindi agad natanggap ng Morning Vibes ang email na sinned sa kanila ni Jesh, pa-akyat na ako ng maalala ang nangyari kanina sa kusina. That kiss. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at inalala ang mga nagyari kanina, sunod-sunod na napailing ako.


"Corny, Rav. Napaka." Sabi ko sa sarili at umakyat na, matutulog na sana ako ng makatanggap ng tawag kay Ate.


["Hello, Ate?"]


["Rav, hindi niya na naman itinuloy. Kakatawag lang ng attorney niya, god."]


["Saan ko siya makikita?"]


["I don't know, umalis na lang daw siya bigla at nagpaalam na may pupuntahan pa. Mahihirapan lang siya lalo, Rav. Hindi ko na kayang makita siyang ganon."]


["Ate Graz, calm down."]


["How can I calm down, Rav?! Inurong niya ang kaso at ngayon hindi na naman siya mahanap ni Reeze."]


["Okay okay, you have to calm down first. Susubukan kong tawagan siya, call me if you have any news Ate."]


["Okay okay."]


Ibinaba ko na iyon at tinawagan si Claire pero walang nasagot, nakailang tawag na ako pero wala pa din. Napagdesisyonan ko ng matulog dahil maaga pa ako bukas.


Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag-alog ng kama ko, iminulat ko ang mata at nakitang nagtatatalon si Jesh. Hinila ko ang paa niya dahilan para mapahiga siya, niyakap ko siya at hindi pinakawalan.


"Gising ka na pala, tumayo ka diyan. Nasa baba si Claire, may kasalanan ka ata." Sambit niya pero hindi ko lang siya pinansin.


"Hello people? Mamaya na yang lambingan niyo at bumangon na kayo diyan." Rinig kong sabi ni Claire, napangisi ako ng mawala sa mga braso ko si Jesh. "Aba't! Hoy Rav Phoenix, tigil-tigilan mo ang best friend ko dahil kung hindi puputulan kita! Dinikitan mo pa ng dumi ang best friend kong unggoy." Natawa ako dahil hinampas siya ni Jesh.


"Gago ka, anong unggoy ka diyan? Ayaw ko nga sa saging eh!" pagmamaktol ni Jesh, naglalambing na yumakap si Claire kay Jesh.


"Charing charing lang yun, ikaw naman." Malambing na sabi ni Claire bago ako tinapunan ng masamang tingin. "Bangon na, 15 minutes lang ang ibibigay ko." Masama ang tingin niyang sabi at sabay na lumabas sila ni Jesh. Claire looks fine, kaya tinext ko iyon agad kay Ate.


Mabilis na kumilos ako at nag-ayos bago bumaba, nang makababa ay naabutan ko si Jesh na mukhang sinesermonan ni Claire. Napapailing na pumunta ako sa dinning at kumain, medyo malapit sila kaya ang iba sa usapan nila ay naririnig ko.


"Paano kung matalo at mahulog ka ha? Jesh alam mong delikado ang unggoy na yun eh." Napakunot ang nuo ko dahil sanarinig, para kasing pamilyar ang pinaguusapan nila.


"I know what to do when that happens, sinabi ko namana na sayo diba kung bakit pumayag?" rinig kong sagot ni Jesh, are they talking to our deal?


"Okay okay, siguraduhin mo lang Jesh. Ayoko ng makita kang ganon ulit lalo na at magulo ang buhay niya, may mga bagay na h-hindi ka p-pa a-alam. Sa kasunduang yan ikaw ang talo, wag mong ikaila na wala siyang epekto sayo Jesh. Heaven knows na meron." Sagot naman ni Claire, sunod nun ay wala na akong narinig dahil papasok na pala sila. Sinamaan ako ng tingin ni Claire at umupo katabi ni Jesh.


"Ikaw! Wag mo ngang basta basta hinihila si Jesh sa mga photoshoot mo, ang daming article na nalabas!" saway niya sa akin, tumango tango naman ako. Ilang minuto pa akong sinermonan ni Claire bago kami umalis papapuntang studio ng Morning Vibes, ng makarating ay agad akong inayusan at naghanda. Hindi ko na binasa ang mga posibleng tanong dahil tinatamad ako, ilang oras lang ay nagsimula na nag show.


"Let's all welcome, the most handsome and talented artist in the industry. Rav Phoenix!" pumasok na ako at nakangiting bumati sa lahat, umupo na kami at nagsimulang magkamustahan.


"Kamusta ka naman, Rav?" tanong ng isang host, ngumiti ako bago sumagot.


"Okay lang naman, finishing my works before my vacation." Simpleng sagot ko.


"Speaking of vacation, ikaw ba ay mag-isa lang na magbabakasyon?" napuno ng tili ang studio. Tss...


"No, may kasama ako. Nakakalungkot ang mag-isa." Awtomatikong liningon ko si Jesh na nanonood lang sa amin, inambahan niya ako ng suntok. Lihim na natawa ako.


"That's true, balita ko may bagong kanta kang ilalabas? Kamusta naman ang preparation mo?" tanong nito muli.


"Uhh yes meron, it went well and thankful naman ako na maganda ang kinalabasan." Sagot ko, getting bored. Kaya ayaw kong umaattend sa mga interviews.


"Now, let's talk about your love life. May dinedate na ba ang isang Rav Phoenix?" ramdam ko ang pang-aasar sa boses nito.


"*laugh* meron. Actually, I'm making her fell in love." Matapat kong sagot, halata namang kinilig ang mga host. Tinignan ko si Jesh na napasapo sa nuo. Nagtuloy-tuloy ang mga tanungan at mga laro na talaga namang nakakapag-paamin.


"Okay last question bago tapusin ang umagang ito. If you succeed in making her fell in love, handa ka bang ipakilala sa buong industriya?" tanong ng host, nakangiting deretso kong tinignan si Jesh na katabi ng manager ko at abala sa tablet niya.


"Handa ako, hindi ko siya balak itago sa industriya dahil she's a precious. I'm proud of her and cut with if I succeed because I know.." nagtama ang tingin naming dalawa.


"I will succeed."


_____

Author's NOTE

Halooo! Ayan na po ang interview sa Morning Vibes, sorry sa naghintay. Love you all! Enjoy reading! Hmm, ano kaya nabasa niyo? Stay Safe


Kyiesss

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now