抖阴社区

CHAPTER 12: Ready

Start from the beginning
                                    


It's been a week nung marinig ko ang sinabi ng host pero hindi pa din ako mapanatag, isang linggo ding ang daming ginawa ni Rav. Taping, shooting, interview at kung ano-ano pa, halos hindi kami magkanda ugaga dahil sa isang araw ay dalawa o tatlo ang trabaho ni Rav. Sa loob din ng isang linggo ay panay ang sabi ni Rav ng mga sweet words at panay din ang mga galawang lalake ng unggoy na yun, katulad ngayon na nasa likuran niya lang ako pero panay ang text sa akin.


Namja Agi: Agi sonyeo, wanna eat?


Agi Sonyeo: Tuktukan kita diyan, tigil tigilan mo ako Rav.


Namja Agi: Hey, nagtatanong lang ako! Napaka sama mo sa namja agi mo :'-(


Agi Sonyeo: Arte mo, tapusin mo yang shoot mo baka sakaling pumayag ako.


Narinig kong tumunog ang phone ko pero hindi ko pinansin yun dahil may natanggap akong email at kailangan ko iyong sagutin. Nasa kalagitnaan ako ng pagpipipindot sa tablet ko ng may tumabi sa akin at akbayan ako. Hindi ko ito nilingon at pilit na inalis ang pagkaka-akbay niya.


"Cancel that, ayokong magtrabaho the day before our vacation. Ang dami ko nang inattendan na interviews para sa buwang ito, tanggap ka kasi ng tanggap." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at hinarap siya.


"Aba't ako pa sinisi mo! Eh ikaw ang nagsabi na tanggapin ang mga yun." Dipensa ko sa sarili ko at tumayo na dahil nakuha na pala ang mga gamit at handing umuwi. Naramdaman kong nakasunod lang sa akin si Rav, napahinto ako ng maalala si Claire.


"Nagpunta ka sa company nung isang araw hindi ba?" tanong ko kay Rav, tumango siya at nagtatakanag tinignan ako.


"May napansin ka bang kakaiba? Sa katawan niya? Pananamit o kahit na sa pakikipag-usap niya?" sunod sunod kong tanong, nakangangang nakatingin lang sa akin si Rav.


"How the hell did you do that?" mahina niyang sabi ng makabawi sa pagkagulat, pinaikot ko ang mata.


"Just answer it." Sambit ko.


"Well napansin kong naka blazer at pants si Claire na hindi naman niya talaga tipo. There are times na wala siya sa sarili at nakatulala lang. Why?" sagot niya, nagpatuloy ako sa paglalakad pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kotse ay may pumigil na sa braso ko. "What is it?" seryosong tanong ni Rav, napabuntong hininga ako bago nagsalita.


"May nakita akong pasa sa braso niya 2 days ago bago ka pumunta sa company ni Claire, a-akala ko wala lang p-pero napansin ko din na pati sa hita niya ay may pasa siya. May sugat din ang pisngi niya, may.. may h-hindi sinasabi si.. si Claire, Rav. Paano kung.. p-paano kung may nangyayari na sa kanya ng hindi ko alam? God.." nahinto ako dahil bigla nalang akong hinila ni Rav at niyakap na naman.


"Don't ask Claire about this, wala kang kokomprontahin. Wait Claire na magsalita sayo." Rinig kong sabi niya, kumalas ako sa pagkakayakap niya at tumango na lamang. Kumalas ako dahil una nasa public kami, baka may sumulpot na camera at maging issue pa iyon at pangalawa ngayon ko lang narealize ang nangyari nung nagbake ako sa bahay ni Rav.

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now