抖阴社区

CHAPTER 20: Back to Work

Start from the beginning
                                    


"Kukuha lang ako ng tubig." Pagpapaalam ko, naramdaman ko namang agad na niluwagan ni Rav ang pagkakayakap. "Hey, bangon na. Aakyat na tayo they're here." Gising ko kay Rav, nasa stand-by area kasi kami.


"5 minutes."


"Rav." Tawag ko muli agad naman siyang umupo.


"Up, I'm up. Come on." Napailing na lang ako at agad na sumunod sa kanya nang makarating kami ay nandoon na silang lahat pati na rin si Claire. Lumapit ako kay Claire para yakapin siya, napansin ko ang pasa sa bandang likod niya hindi masyadong kita ng iba dahil natatakpan ito ng buhok niya.


Umupo na ako sa tabi ni Rav, hindi nakawala sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Era. Well, sandamak-mak na rumors ang kumalat at idagdag pa ang last pic na magkasama kami paalis ni Rav non. Nagsimula na silang mag palitan ng mga kontrata at pirma, kasama na din si Claire. Panay ang tingin ng mga nasa kampo ni Era sa palasingsingan ni Rav dahil sa singsing na suot niya, napansin ni Claire yun pero nginisian niya lang ako. Akmang tatanggalin ko ang singsing na suot ko ng hawakan ni Rav ang kamay ko, napatingin naman ang lahat sa amin dahil nasa table lang naman ang kamay ko.


"Don't." tumango na lang ako at pinabalik na siya sa pagpirma, nagpabalik balik ang tingin nila Era sa palasingsinagn naming ni Rav. Napakagat labi na lang ako.


"Congratulations to the both of you. You can proceed on the studio, we're just gonna have some meeting." Sambit ni Claire pagkatapos ng pirmahan at magkamayan. Nagpaalam na kami kay Claire at lumabas, nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ni Rav ang kamay ko papunta sa studio.


"Tungkol saan ang kanta? What's the title?" tanong ni Era at umupo sa harap ni Rav umupo lang ako sa pangisahang upuan at hinayaan sila, may trabaho pa ako.


"Tungkol sa mga taong dumating sa buhay natin para mahalin at pasayahin tayo pero kahit anong gawin natin hindi sila magiging atin. You have to put a strong emotion when you're singing this. Paglisan, that's the title." Pumasok na sila sa recording room at doon kinuha ni Rav ang gitara para iparinig kay Era ang kanta, itinigil ko ang ginagawa ko at pinanood lang sila. Inayos ko ang dapat ayusin para marinig ko sila, tinuruan ako ni Rav kung ano ang dapat gawin at pindutin sa studio nung nagawa siya sa ng kanta.


"Pinagdasal ka sa panginoon na dumating sa buhay ko

Binago ang malungkot kong buhay

Handang gawin ang lahat mabigyan lang ng liwanag ang mundo ko

Subalit lahat ng iyon ay pansamantala"


Tumingin sa akin si Rav at bahagyang ngumiti, sa isang relasyon handa ang bawat isa na pasayahin ang isa't isa pero walang kasiguraduhang kung hanggang saan ang itatagal nito. Bumalik ang tingin ni Rav sa gitara at patuloy na kumanta.


"Maaari bang manatili? Maaari bang huwag nang lumisan?

Hindi ko yata kakayaning mawala ka

Dito ka lang sa aking tabi at huwag mo akong iwanan"


"Ako ay tuluyan mo nang nilisan

Liwanag sa aking mundo ay unti-unting kinakain na ng dilim

Ngiti mong siyang aking pinanghawakan ay nawala

Hindi na ba kayang ipaglaban?

Hindi pa yata handa ang puso ko sa biglaang paglisan mo"


Nang tignan ko si Era ay kita sa mga mata niya ang pag-intindi na ang bawat kataga na binabanggit ni Rav ay siyang galing sa mismong nararamdaman nito. Hindi ganon kadali ang pinagdaanan ni Rav at Era sa pagkaka-alam ko, aminin man ni Rav o hindi alam namin ni Claire na napamahal sa isa't isa ang dalawa at hindi lamang basta ito arrange. Katulad ng iba ng magsimula si Rav sa mundo ng pag-arte ay nagkaroon siya ngkatambal at si Era iyon, napansin nila na magandang simula para sa dalawa kung tototohanin nila ang pagtatambal nila. Nangyari ito pero sa hindi inaasahan na pangyayari nagkaroon ng third party. Hindi kayang ibulgar ni Rav si Era sa publiko dahil kahit papaano ay minahal niya na ito ng lubusan, walang alam ng lahat ang tungkol sa paghihiwalay nila pero di kalaunan ay nalaman din lahat.


Tungkol sa mga taong dumating sa buhay natin para mahalin at pasayahin tayo pero kahit anong gawin natin hindi sila magiging atin.


"Kakaiba ang nararamdaman kapag ikaw ay katabi

Hindi mawaring kasiyahan ang nadarama

Nais kong maintindihan mo ang aking awitin para sayo

Dahil hiling kong hindi ka na lumisan pa

At iwan ako"


"Maaari bang manatili? Maaari bang huwag nang lumisan?

Hindi ko yata kakayaning mawala ka

Dito ka lang sa aking tabi at huwag mo akong iwanan"

"Ako ay tuluyan mo nang nilisan

Liwanag sa aking mundo ay unti-unting kinakain na ng dilim

Ngiti mong siyang aking pinanghawakan ay nawala

Hindi na ba kayang ipaglaban?

Hindi pa yata handa ang puso ko sa biglaang paglisan mo"


"Maaari bang manatili nalang? Huwag nang lumisan pa

Maaari ba?"


Bumagal ang tugtog ni Rav at ang pagkanta niya, sa bawat kataga ay ramdam ko ang sakit. Sakit ng taong minsang naging parte ng buhay mo at minsang nagpasaya sayo ay siyang lumisan at tuluyan nang umalis.


"Ako ay tuluyan mo nang nilisan

Liwanag sa aking mundo ay unti-unting kinakain na ng dilim

Ngiti mong siyang aking pinanghawakan ay nawala

Hindi na ba kayang ipaglaban?

Hindi pa yata handa ang puso ko sa biglaang paglisan mo


"Pero kung diyan ka sasaya, ika'y aking

Pakakawalan na"


That's what he does when I chose Jian and when Era let him. He begged and silently wished for me to choose him. Understand his feelings for me, he waits until Era chose to fight and fix her mistakes. But, none of that happens. None. 

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now