Getting To Know You More
Pilit kong pinipigilan ang tumawa ng may makita ako na ang lobo na nakatali sa strap ng backpack ni Gio, nakacross arm ito at masamang nakatingin sa taong nagtatali ng lobo sa bag niya.
Para siyang bata na nagtatantrums.
"I just tied a balloon on the strap of your bag because you always disappear by my side!" Gio close his eyes tightly, pero bakas sa mukha nito na nagpipigil ng galit.
"Ano ba talaga ang problema mo sa akin?" Halata sa boses ni Gio na nagpipigil to sumigaw dahil sa inis na kanyang nararamdaman.
"Yung bata kasi binalik yang lobo, the kid say 'thank you' to you. You don't want to take it so I just tied it to your bag. So that when you get lost I can find you!" Naiiritang sagot ni Oliver.
Napasigh ito at bumewang, "Maliit ka kasi tapos madaming tao sa field kaya tinalian kita para naman may palatandaan ako sayo," Nangaasar itong ngumiti.
Napabungisngis na lang ako, hindi ko ineexpect na magiging close sila.
Well, hindi pa sila close ngayon. Pero alam ko naman na magiging close itong dalawa.
"Layas," Gio told him with authority.
"Why would I?! I didn't do anything!" Tinulak-tulak ni Gio si Oliver palabas pero syempre matibay itong si Oliver kahit gaano kalakas ang tulak ni Gio sa kanya ay hindi man lang siya naalis sa kinatatayuan niya.
"Stop it! Pumunta ako dito para kay Light, get out, dwarf!" Oliver grabbed Gio's wrist and gently pushed him away.
"Tumigil na nga kayo, para kayo mga bata," Saway ko sa kanila, halos araw-araw sila nagbabayangan kapag nakikita ko silang magkasama sa iisang lugar. Pero wala pa din tatalo kina Swy at Felix kung magaway.
Gio's eyes were cold but deep inside I knew, naiirita ito sa akin dahil hinahayaan ko lang na nandito si Oliver sa loob ng office ni Lucius.
Muli bumalik ang atensyon niya kay Oliver at pilit na tinutulak ito palabas ng office ni Lucius nakapoker face habang pinapanood sila mag-away.
Ano pa ineexpect ko? Masyado tong nonchalant kahit ata magsapakan sina Gio at Oliver papanoorin niya lang. Just like what he did last time sa field.
"Light! Help me, Light!"
Umanagat ng tingin si Lucius ngunit bumalik din ang mata nito sa cellphone niya narinig ko pa na binulong niya, "Bahala ka dyaan."
Nilagay ko ang aking kamay sa aking bulsa at pumunta sa nakatayong Lucius, sinilip ko ang kanyang cellphone ngunit mabilis nito iniwas ang kanyang cellphone sa akin.
"Sino ba yan kasi?" Nacucurious ko na tanong
Hindi ko inaasahan na ilalapag niya ang kanyang cellphone sa aking harapan, kaagad ko itong kinuha para mabasa ang text na nasa screen ng cellphone niya.
'From 0996** (Secretary: Drama Club):
Hi pres need ng kknta pra sa last day ng school fstival kc wla yng voclist ng Hyacinth bnd. Alm nmin na mgaling ka kmanta pwde ba na ikw na lng ang mgsub blang snger?'
Buti na lang naiintindihan ko. Ganto din kaya typings ko.
Tumingin ako sa kanya, "Naiintindihan mo ba?"
As expected, umiling ito, ibig-sabihin hindi niya naintindihan, "I couldn't understand it, kulang-kulang letters," He mumbled.
I can't help but chuckle, he looks cute kapag ganito, parang clueless.
"Tinatanong niya kung pwede ka ba daw mag-substitute na vocalist sa band ng Hyacinth."
Kaagad ako tumingin sa kanya, "Mag-subtitute ka!" Kahit man ipilit ko na huwag pahalata na naeexcite ako ay alam kong hindi ko matago iyon.
Umiling siya, "I don't want to."
Para naman akong nalungkot sa sagot niya, pero aaminin ko man.
Oo na, maganda na ang boses niya. Kaya nga gusto kong marinig ulit.
Tyaka, kapag kumanta siya. Ibabalik ko na yung keychain na nakuha ko sa music room. Kapag hindi siya kumanta ay hindi ko ibabalik iyon sa kanya.
Tama! May naisip na ako!
"Ganito, kapag kumanta ka dyaan at kinanta mo yung favorite song ko...may regalo akong ibibigay sayo."
Tinaasan ako nito ng kilay, "I don't even know your favorite song," Nagpamulsa ito at tumingin sa ibang direksyon nakita ko pa na ngumingisi ito.
Bakit naman siya ngingiti? Ngumingiti siguro to kasi may regalo akong ibibigay sa kanya.
Pero tama nga naman siya, hindi niya nga pala alam ang paborito kong kanta.
"Edi kahit ano na lang! Favorite song mo! Basta kahit ano basta kumanta ka lang!"
Nakita ko ang paglaki ng ngiti nito, parang may iniisip na masama to.
Tumango ito, "I'll think about it."
Napabuntong hininga ako ng naglalakad na ito palabas ng office niya habang ang dalawa ay nagaaway pa din, pero wala sa kanila ang atensyon ko, na kay Lucius.
Pagiisipan pa, kainis.
"Wag mo na pagisipan pa! Sumagot ka na!" Pangungulit ko lang dito pero tinaas lang nito ang kanan niyang kamay, like he was saying bye. At tuluyan ng umalis.
Siraulo.
Minsan na nga lang ako magsuggest sa kanya, kainis naman ito kahit kailan.
Pagkalabas niya ay nagsilabasan na din yung dalawa, syempre nagaaway pa din. Pero hindi na dahil doon sa lobo. Dahil na naman doon sa camera na ayaw ibalik ni Gio kay Oliver.
Napasimangot na lang ako at tumingin sa lamesa niya, napataas ang kilay ko ng makita ang isang pamilyar na bagay sa akin.
Keychain? Kamukha ito ng keychain na nilalaglag ni Lucius.
Kinapa ko ang aking bulsa sa pants ko, pinagdikit ko ang dalawa.
Magkamukhang-magkamukha! Pati ang nakaukit doon ay parehas na parehas din!
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ang daming posibleng sagot sa tanong na nasa aking ulo.
Pero ang tanong, bakit dalawa ang keychain niya na ganito?
Nagpagawa kaya siya dahil nawala niya itong keychain niya na nakuha ko o hindi sa kanya tong keychain na ito.
Kaagad kong inilapag ito ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Kaagad ko itong kinuha at naglakad sa labas ng gymnasium para kausapin si Swy na tumatawag sa akin.
"Hello?" Narinig ko ang mga pagsinghot ni Swy sa kabilang linya.
"V-Vine!" Nailayo ko ang aking tenga sa cellphone ng bigla itong malakas na umiyak.
"Hoy, okay ka lang ba?" Nagaalala kong tanong, napakunot ang noo ko ng marinig ko sa background niya na para bang nasa bar siya.
Kaagad ako nilamon ng pagaalala. Kahit na masama ang ugali nito ay nagaalala pa din naman ako.
"Tanong ka ng tanong kung okay ako! Oo nga eh! Bakit ba laging yan ang tanong niyo kapag may taong nasasaktan?! Oo na lang ng oo kami eh pero ang totoo hindi talaga! Pinipilit ko na nga lang maging okay tatanungin mo pa kung okay ako! Eh hindi nga eh! Hindi ako okay!" Lalo kong inilayo sa aking tenga ang cellphone ko dahil sa bigla niyang sigaw.
Kahit ako ay nagulat sa bigla niyang mga sinabi, ngayon ko lang kasi siya narinig na magsalita ng ganyan. Pero kailangan pa ba ako sigawan? Naririnig ko naman, hindi ako bingi!
"Ano ba kasing nangyari?" Kalmado kong tanong sa kanya, narinig ko ang sunod-sunod na singhap nito at mga sobs niya.
"Vine, s-si Bruce nireject ako! Ang sakit-sakit, Vine!" Muli itong humagulgol.
Napakamot ako sa aking noo.
Ilang beses na siya nirereject ni Bruce, ano naman ang bago?
At tyaka, Ilang beses na namin siya sinabihan na tigilan si Bruce dahil wala itong feelings sa kanya pero hindi niya tinigil tapos ngayon iiyak-iyak siya.
"Nasaan ka ba?" Nagaalala kong tanong muli, kailangan kong puntahan kung nasaan man siya. Mamaya mapahamak pa ito patay ako kay Tita Sachi.
"S-sa Diaro Bar..." Nangingibabaw pa din ang pagiyak niya sa kanyang boses.
"Pupuntahan kita, dyaan ka lang," Huli kong sabi bago ibaba ang tawag. Halos takbuhin ko na ang paglabas ng school para lang puntahan si Swy doon sa bar na paborito niyang puntahan.
Nakita ko si Bruce na nakasandal sa motor niya, tatawagin sana ako nito ng nagmamadali akong pumara ng taxi at sumakay.
Nakita ko sa mata nito na para bang may gustong sabihin ngunit wala akong oras para sa kanya.
Alam kong hindi niya kasalanan na nasaktan ang pinsan ko, alam kong kasalanan din naman ni Swy dahil pinagpipilitan niya ang sarili niya kay Bruce kahit na wala naman talaga itong pake sa kanya, ni-hindi nga siya nito tinitignan sa mata.
Ilang beses ko na din alam na nireject niya si Swy. At iisa lang ang reaksyon ni Swy sa mga rejection nito. Ang ngumiti kay Bruce.
Pero bakit ngayon ibang-iba ang reaksyon ni Swy? May sinabi bang masama si Bruce sa kanya?
🎬🎬🎬🎬🎬
Halos masuka ako sa amoy ng alak dito sa bar, nakakahilo ang ilaw dito dahil pakislap kislap at paiba-iba pa ang kulay, isama mo pa ang amoy ng iba't-ibang klase ng alak at ang mga usok ng sigarilyo.
Baka nga wala pang tatlong oras na pagstastay ko dito sa bar na ito himatayin na ako dahil sa sobrang baho.
Madaming tao din ang nagmamake out sa bawat sulok ng bar, ayaw na lang kumuha ng motel at doon gawin yang bagay na iyan. Kailangan ba talaga magmake out sa crowded na lugar?
Tinuuon ko na lang ang aking atensyon sa paghahanap kay Swy, sobrang daming tao dito sa Diaro dahil ito ang bar ng mga rich kid, pero wala din naman ito pinagkaiba sa ibang bar na hindi pang-rich kid, ang kinaibahan lang naman ata ay mas mahal ang mga alak dito kaysa sa mga iba pang bar na nandyaan sa gilid-gilid.
Ang parehas lang naman ng Diaro sa ibang bar ay parehas ginagawang motel.
Madami lumalapit sa akin na babae para mag-one night stand daw, karamihan ay mga babae na nakasuot ng sobrang ikli at kitang-kita na ang cleaveage. Pero tumatanggi ako, hindi nga ako interesado sa kanila.
Tumataas balahibo ko dito sa loob ng bar na ito.
Halos ikutin ko na ang buong bar dahil kahit hapon pa lang ay sobrang dami ng tao sa Diaro, alas-tres pa lang nga nang hapon pero halos mapuno na ang bar. Ang bukas kasi ng Diaro ay tuwing 1 ng hapon.
Napataas ang aking kilay ng makita ko si Swy na nakasubsob ang mukha sa isang upuan dito. May katabi siyang tatlong lalaki.
Mabilis akong lumakad papunta sa kanila at akmang hahawakan nung lalaki ang balikat ng pinsan ko ng mabilis kong sinalo ang pulsuhan niya.
Winaksi ng lalaki ang kanyang pulso sa aking pagkakahawak, "Boyfriend ka ba niya?" Maanggas na tanong nito. Mukhang adik.
Bakit ba palaging inaakala na boyfriend ako nitong babae na ito?
"Hindi, pero pinsan niya ako. Bakit may problema ka?" Akmang sasagot siya ng inanggat ni Swy ang kanyang ulo.
"Vine, kanina pa kita iniintay..." Kaagad kong tinanggal ang aking jacket at inilagay iyon sa kanyang balikat dahil nakasuot lang ito ng off-shoulder.
Nakita ko na tumingin ito sa mga lalaki na nasa tabi niya, mukhang hindi ito umiyak at lalong hindi naman mukhang lasing.
"Gago, sino kayo? Tarantado tong mga to ah. Balak niyo bang i-harass ako?!" Nagulat ako ng sumigaw nito, parang hindi umiiyak kanina sa cellphone.
"Huh? Anong pinagsasabi mo, Miss? Hindi ka namin type at tyaka ginigising ka lang namin kasi upuan namin to. Wala naman kaming gagawing masama sayo, hindi naman kami ganong tao, Miss. Ang judgemental mo naman."
Tsk...
"Sa mukha ba namin na'to mukha ka ba naming irarape?"
Oo, sa totoo lang.
"E-edi sorry..." Kinamot ni Swy ang kanyang leeg, kaagad siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng bar. Sa lakad niya ay mukhang hindi nga siya naglasing.
Napatingin naman ako sa mga lalaki na masama ang tingin sa siraulo kong pinsan.
"Pasenya na," Paghihingi ko ng pasensya sa mga lalaki.
Kaagad akong sumunod kay Swy.
"Akala ko ba naglalasing ka?" Tanong ko dito, pinantayan ko siya. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mata.
"Akala ko din eh! Kaso ayoko muna kasi walang maguuwi sa akin kapag nalasing ako! Malay ko ba kung hindi mo ako sunduin! Mapahamak pa beauty ko," Bigla itong humagulgol.
Napakamot ako sa aking buhok, "Edi sa booth na lang tayo uminom, may alak naman doon." Pag-aya ko dito.
Bigla itong tumigil sa pagiyak, "Sasamahan mo ako uminom?" Napabugha ako ng hangin.
Hindi ako masyado umiinom ng alak dahil ayoko ng amoy nito, tyaka mahina alcohol tolerance ko.
"Oo na," Kaagad itong ngumiti, ang bilis naman mag-change ng mood nito.
Pero kaagad din tumulo luha niya, "Buwiset, ang sakit-sakit ng puso ko."
At muli siyang humagulgol.
Napabugha na lamang ako ng hangin, pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan dito.
🎬🎬🎬🎬🎬
'Diba? Nakaka-putangina
Tayo'y lumilipad at ako'y iniwan mo
Sa ere,'
Lalong lumakas ang hagulgol ni Swy ng marinig niya ang tugtog galing sa booth namin.
"Patayin niyo nga yan." Narinig kong sabi ni Roxanna sa nagpapatugtog sa booth, kaagad naman pinatay ng nagpapatugtog sa booth namin ang tugtog.
"Bakit ba kasi iyak ng iyak yan?" Tanong ni Roxanna, kabit-balikat lamang ang aking sinagot.
Iyak lang kasi ng iyak itong si Swy, hindi pa siya umiinom niyan.
Pinunasan niya ang kanyang pisngi, "Nasaan na ba yung beer? Kanina ko pa iniintay!" Halos wala na akong maintindihan sa sinabi ni Swy dahil bawat sentence niya ay may kasunod na sinok.
"Manahimik ka nga, may utang ka pa sa booth," Sabi ko sa kanya, tumahimik ito at mayamaya ay umiyak na naman.
'Para bang walang nangyari di mo agad sinabi
Sana'y hindi na lang umibig pa
Wala ding patutunguhan.'
"Kanino bang playlist yan, pang relapse niyo ata yan. Palitan niyo nga, wala pang 10 PM!" Narinig kong sigaw ni Felix sa mga nagpapatugtog.
"Gago, playlist mo to, Felix!"
Napakamot ako sa aking noo ng lalong umiyak na naman si Swy, napataas ang tingin ko ng inilapag ni Felix ang mga alak sa lamesa.
Binuksan niya ang isang bote at inabot kay Swy, "Oh, inumin mo." Kaagad itong kinuha ni Swy at nilagok ito ng hindi man lang dumudura.
Binuksan ni Felix ang isa pang bote at inabot sa akin, wala akong choice kung hindi kunin ito dahil pumayag nga ako na parehas kami magiinom nito ni Swy.
Nagbukas din ng beer si Felix at ininom din ito, napataas ang kilay ko.
Hindi naman siya umiinom ah, bakit umiinom to? Dinadamayan niya din ba si Swy?
Umupo ito sa tabi ni Swy, nagulat ako ng may tumulo na luha sa mata ni Felix.
Seryoso?
"Pre! Ayaw sa akin ng nililigawan ko!" Nagulat ako ng sumigaw ito, kaagad kong nilagyan ng chichirya ang bunganga niya dahil sobrang lakas ng iyak nito na napatingin na sa amin ang mga iba pang costumer sa booth.
Sa dinami-dami ng bagay na pwede niyong pagkasunduan bakit pa sa pagiging broken hearted? Hindi ko na nga mapatahan tong si Swy sasabay pa tong si Felix?!
At tyaka, bakit umiiyak tong si Felix? Hindi ba siya sanay na ireject ng babae na nililigawan niya kahit na babaero siya? Naalog ba utak nito?
Winagay-gay ni Roxanna ang kanyang kamay sa harap nilang dalawa para patigilin sila, "Teka, wait, wait nga," Tinuro nito si Swy, "Ikaw nga muna. Bakit ka ba broken?"
Lumagok muna ng alak si Swy bago sumagot, "Si Bruce kasi nireject ako!"
Dahan-dahan kong ininom ang alak, ayaw pang lunukin ng bibig ko ang beer ng malasahan ito. Ang pait sobra.
"Oh ano namang bago?"
"Kasi...sabi niya may girlfriend na siya!" Puno ng hinanakit na sabi ni Swy.
Muli kong ininom ang alak, napaubo ako, "Sino naman yon?" Tanong ko dito.
"Si-"
"Ako naman ang magkukuwento!" Biglang singit nito ni Felix na lasing na lasing na, sobrang pula ng mukha nito daig pa ang kamatis
Isang bote pa nga lang naiinom nito lasing na kaagad? Ang weak talaga nito pagdating sa inuman.
"Guys, magagalit ba kayo kapag may inamin ako sa inyo?" Sumisinok pa na sabi nito.
"Depende," Halos sabay na sabi namin ni Roxanna.
"Wag na nga, alamin niyo na lang..." Sabi nito at nagulat ako ng biglang sumubsob ang mukha nito sa lamesa.
Narinig ko ang pagtawa ni Swy.
"Lasing na ang gago..." Natatawang sabi ni Swy pero kaagad din itong napatigil at sinubsob ang kanyang mukha sa lamesa.
Tignan mo itong mga to, magyayabangan pa mga bagsak naman.
Tumigin sa akin si Roxanna, "Ano? Ikaw naman ang sunod na babagsak?" Kaagad akong umiling. Hindi pa naman ako nalalasing, pasalamat naman.
"Ako na ang maguuwi kay Swy, ikaw na ang maguwi kay Felix dahil kadorm building mo naman yan." Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya.
Kahit hilo ako ay pinilit ko pa din na tumayo, tumingin ako sa aking relo. Isang oras na pala ang nakalipas, pero saglit lang naman kami nakainom dahil bagsak sila kaagad.
Ang tagal namin nagintay para sa alak tapos wala pang 30 minutes bagsak kaagad sila? Psh ang weweak. Sa bagay, sunod-sunod ang inom nila na akala mo tubig iniinom nila kaya ayan, bagsak kaagad.
Napabungisngis ako, maglalakad sana ako ng makaramdam ako ng hilo. Mabuti na lang ay may humawak sa akin. Tumingin ako dito, si Lucius lang pala.
"Vine."
Binalik ko ang tingin kay Roxanna, ramdam ko pa din ang pagalalay sa akin ni Lucius dahil parang tataob na ako. Hindi ko alam naaapektuhan din pala ako ng alak.
"Yung kaibigan na lang daw ni Felix maguuwi sa kanya, papunta na daw," Hindi ko na malayan na nakayakap sa kanya si Swy, nakita ko naman ang pagkainis nito sa mukha kahit napaka-nonchalant niya.
Pilit niyang tinutulak si Swy pero sinisiksik lang nito ang sarili sa balikat ni Roxanna.
"Okay..." Sabi ko na lang.
Tumingin siya kay Lucius, "Dalhin mo na lang siya sa dorm niya, Cervantes. Imposible naman na hindi mo alam kung saan ang dorm niya," Narinig ko ang paghumm ni Lucius.
"Sa bahay mo na lang ako hatid..." Sabi ko kay Lucius habang nakapikit, nanghihina ang tuhod ko. Gusto ko na lang matulog.
Lumayo ako kay Light dahil kaya ko naman maglakad kahit umiikot ang paningin ko.
"Kaya ko na umuwi..." Sabi ko sa kanya ng hahawakan niya sana ako para alalayan.
Ngunit dahil makulit ang utak niya ay hindi siya nakinig, "Wag makulit, I will take you to your house," Sabi nito pero umiling lang ako na parang bata.
Tinutulak ko ang kamay niya pero lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.
"Bitaw na nga, kaya ko na nga eh..." Pangungulit ko pa pero hindi ito nagpatinag.
"No, ihahatid kita."
Wala akong nagawa ng hatakin na ako nito, nag-bye pa ako kay Roxanna na naiistress na kina Swy at Felix dahil naguumpisa na silang magaway.
Nang makarating kami sa parking lot ay kaagad niyang binuksan ang pintuan ng kotse niya, kaagad naman ako pumasok naramdaman ko ang kamay niya sa aking ulo na para bang prinoprotektahan na mauntog ako.
Kaagad kong sinandal ang aking ulo sa headrest at ipinikit ang aking mata. Inaantok na ako...
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse niy, kahit nakapikit ako ay naramdaman ko ang pagkilos niya sa tabi. Narinig ko ang pagclick kaya minulat ko ang mata ko. Nakita ko an sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa mata niya, ang tingin niya ay nasa seatbelt.
Ah...kinakabitan niya pala ako ng seatbelt.
Kaagad itong lumayo sa akin, nakahinga naman ako ng maluwag. Muli na lang ako pumikit dahil nahihilo talaga ako.
Narinig ko ang pag-ring ng cellphone niya pero hindi ko ito pinansin.
"President Light, 12 daw bukas ang rehearsal ng Hyacinth band."
Dahan-dahan kong idinilat ang isa kong mata, naghummed siya habang ang atensyon niya ay nasa kalsada pa din.
Napansin ko na ang cellphone niya ay nakaloudspeaker kaya naman pala naririnig ko ang usapan nila ni Stella.
"Okay, Tell them I'm going to substitute as vocalist for their band," Kaagad akong umayos ng upo at gumising, ngumiti ako ng malawak.
"Tala-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko habang ang isa niyang kamay ay nagmamaneho.
Pilit kong tinatanggal ang kamay palad niya na tinatakpan ang bibig ko pero ayaw talaga kaya hinayaan ko na lang siya.
Masama ko siyang tinitignan pero ang tingin nito ay nasa kalsada kaya hindi niya makita ang mata ko na umaapoy na sa inis.
Pasalamat siya mabango palad niya kung hindi kinagat ko nato.
"Sino yun, Pres?" Tanong ni Stella sa kabilang linya.
"Mouse," Napakunot ang noo ko at nagtaas ng middle finger kaso hindi niya naman nakita dahil nagdridrive nga siya.
Sa gwapo kong to tatawagin niya lang ako na daga? At tyaka, sinong daga ang magsasalita ha?!
"Huh? Eh narinig kong nagsalita..." Narinig kong bulong ni Stella sa kabilang linya.
"Is that all you're going to say? I'll hang up " Sabi ni Lucius habang nakatakip pa din ang palad niya sa bibig ko. Nagpaalam na si Stella at pinatay ang tawag.
Nang tinanggal ni Light ang kamay niya ay inirapan ko siya, "Kailan pa ako naging daga ha?!" Naiinis kong tanong sa kanya.
Nakita ko lang ang pagngisi niya na nangaasar, kainis! Kung hindi lang siya nagdridrive sinipa ko na ito palabas ng kotse.
Bumida ang katahimikan sa kotse habang ako ay panay buntong hininga, hindi ako namomoblema ah. Patago kong inaamoy yung pabango niya na sobrang bango.
Sobrang manly non, kahit matapang ay hindi siya masakit sa ilong. Sarap singhutin ng pabango niya. Parang nawawala ang kalasingan ko dahil doon sa pabango niya.
Dahan-dahan akong sumandal sa kanya para amuyin yung pabango, akala ko ay hindi niya napansin ang balak ko pero bigla itong nagsalita.
"What are you doing?" Kaagad akong lumayo, tumingin ako sa kanya. At ayon, yung tingin niya nasa harapan pa din, "Ha? Wala ah."
Maaang-maagan ko, tumingin pa ako sa labas ng kotse. Instead of being shy, I laugh, I can't help but smile. Ang lakas makaramdam ni Lucius kahit parang yelo to sa sobrang lamig makipag-usap.
"What are you smiling about?" Kaagad akong napa-peke ng ubo at umayos ng upo, tinanggal ko ang ngiti sa labi ko.
Tumingin ako sa kanya, "Ask what's on your mind, don't look at me as if you want to eat me," Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko dahil sa sinabi niya.
"P-pinagsasabi mo? Wala ah...tumingin lang sayo nag-aassume ka na?" Sabi ko at pinipigilan matawa.
"Just say it," He saidseriously.
I'm just pout, "Anong pabango mo?"
"I don't wear perfume," Tumaas ang kilay ko sa sagot niya.
"Talaga?" Tumango siya.
Seryoso talaga? Ang bango kasi sobra.
Akala ko talaga ay pabango, ano kayang sabon gamit nito. Tsk, nagulat pa ako na hindi perfume yun eh artista nga pala siya.
Normal lang na mabango sila kahit walang pabango na ginagamit. Kapag ba nag-artista din ako ganyan din ako kabango?
Tumahimik na lang muli ako, tumigil ang kotse dahil nagpula ang stoplight. Saktong pagtigil ng kotse ay nakita ko ang noodles restuarant na paborito kong kainan bago umuwi sa bahay.
Bigla naman akong nagcrave dahil ilang buwan na din kaya ako hindi nakakain non dahil busy ako masyado sa school.
Tumingin ako sa katabi ko, "Lucius, pwedeng tumigil muna tayo?" Nilambutan ko pa ang boses ko para maawa siya.
"Why?"
"Gusto kong kumain doon sa noodles house, nagcracrave kasi ako," Tumango lang siya. Inikot niya ang manibela at nagdrive patungo sa parking lot ng restaurant. Ipinark niya ang kotse sa harap ng restaurant.
Napangiti naman ako, akala ko kasi hindi siya papayag. Akalain mo yun? Napapasunod ko na itong nonchalant at cold mysterious na lalaki na'to.
Kaagad kong tinanggal ang seatbelt pero bago bumaba ako ay tumingin ako sa kanya.
"Gusto mong bilhan na lang kita?" Tanong ko sa kanya, naalala ko na bawal siya makita ng ibang tao dahil baka pagkaguluhan siya.
At kapag nakita din kami ng ibang tao na magkasama baka may isipin silang iba.
Tinanggal niya ang kanyang seatbelt, "I'll go with you," Sabi niya habang sinusuot ang isang cap, itinabon niya pa ang kanyang buhok sa mata.
"Hindi ka ba mamumukhaan?" Umiling ito.
Okay, sabi niya.
Kaagad akong lumabas ng kotse at ganon din siya, yumuko siya ng buksan ko ang pinto sa restaurant. Napahinga ako ng maluwag dahil kaunti na lamang ang mga tao dito sa restaurant.
Kaagad kong hinanap ang favorite spot ko, ang upuan sa labas ng restaurant.
Kaagad kaming umupo doon at as usual, may lumapit na waiter kaagad sa amin. Inabot nito ang menu, may mga ramen, pasta, noodles at fried noodles na nakalagay na choices sa menu. Inorder ko ang isang Mazemen ramen at ganon din ang inorder ni Lucius.
Habang naghihintay kami ay umaalingangaw ang katahimikan sa gitna namin na para bang may wall kami sa isa't-isa.
Napatikhim ako bago magsalita, "Bakit parang napapansin ko na parang hindi ka na busy sa photoshoot or sa shooting mo?"
Matagal ko ng gustong itanong sa kanya yun dahil after ng play ay palagi na siyang present sa drama at lagi na siyang pumapasok sa school.
"My schedule is not busy," I humm, I put my cheek in my palm to look at him.
Biglang may dumaan na kotse kaya ang ilaw nito ay bahagyang tumama sa pwesto namin, dahil doon ay nakita ko ang pagkulay light brown ng mata ni Lucius.
Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang kulay ng mata ni Lucius, nagkukulay light brown ito kapag natatapatan ng araw. Kung anong kinaganda ng mata ay yun naman ang kinapangit kung ano ang pinapahiwatig ng mata niya.
Kahit hindi maganda ang umpisa namin...nacucurious ako sa kanya.
Sumilay ang isang ngiti sa aking labi, naalala ko na naman ang sinabi niya na kilalanin ko siya. Parang unti-unting nagiging totoo na iyon.
Mahilig siya kumanta, mahilig siya sa pusa, mahilig siya sa soccer, mahilig siya sa novels, mahilig akong asarin, alam ko yung mga nicknames niya at real name...
Pero hindi ko pa din alam kung ano ang favorite niyang kulay, kung ano pa ang talents niya, kung kailan ang birthday niya.
Kaya gusto ko pa siya kilalanin.
"Why are you looking?" His eyebrows meet again, I flinch. Matagal ko na ba siyang tinitignan? Nakakahiya.
"H-ha? Hindi ikaw tinitignan ko, yung pusa sa likod mo," Sabi ko sabay turo sa pusa na nasa likod, hays, buti na lang may pusa sa likod niya. Ang pusa ay nakahiga sa sahig.
Sorry ming, nagamit pa kita pang-excuse.
Biglang dumating na ang order namin at inilagay sa table. Kaagad naman akong nagpasalamat sa waiter.
Tumingin ako kay Lucius ng binaba nito ng mask niya at nagsimulang kumain.
Kaagad din naman kumain, napansin ko na may gulay sa aking ramen kaya sinet-aside ko ito, yung mga carrots, mushrooms, basta yung mga gulay na ayokong nasa ramen ko.
Hindi kasi ako kumakain ng gulay kapag nasa ramen, mas prefer ko yung mga meats.
Napansin ko ang pagtingin ni Lucius sa aking ramen, "May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"You don't eat vegetables?" I shake my head, "Pili lang na gulay ang kinakain ko."
Depende kasi sa luto ng gulay kung kakainin ko ito, masyado akong picky eater kapag may gulay o gulay ang kakainin ko.
"Huy," Hindi ko mapigilang sabihin sa kanya ng kunin niya gamit ang chopstick ang mga vegetables na nilagay ko sa gilid ng bowl ko.
"I love vegetables," He said. He picked up the meats in his ramen bowl using the chopsticks and put it in my bowl.
"If you don't want to eat vegetables, I'll eat it for you. In exchange, I'll give you the meats in my ramen," He said seriously.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya.
Nagumpisa muli siyang kumain, may kung anong warmth ang puso ko habang pinapanood siya kumain ng ramen.
"Swerte siguro ng magiging girlfriend mo."
I don't know, but suddenly that word came out of my mouth.
Something pierced my heart when I said that, a realization hits me. I gulp before picking up the chopsticks and took the shredded chicken he gave me.
I slowly eating the food, it feels like there's a blockade in my throat preventing me to swallow the food. I took a deep breath.
Tangina, mali tong nararamdaman ko.
I saw he lift his cold gaze to me, "Don't think about it, just eat," Lumamig ang tono ng kanyang boses.
Shine Your Way
luminimini