CHAPTER 63
Operation..
"Oh anu? Ang tagal mo namang mag-ayos!" Sita ko kay Glen habang nakasandal sa bukana ng kwarto niya. Kanina pa kase ako nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang kung ano-anong pinaglalalagay niya sa kanyang muka.
Merong iba't-ibang cream ang nakikita ko sa sa kanyang dresser table. Meron pang iba't-ibang brand ng mga pabango na ako mismo ay hindi ko alam kung ano ang mga pangalan ng mga mamahaling pabango.
"Nagmamadali kaba? Kanina mo pa ako minamadali ah!?" Inis na tanung niya habang nagpapahid ng BB Cream ata iyon, sa kanyang muka. "Wala ka namang inaabangan doon diba? Unless, you want to see your ex again and cry again?"
Napairap ako at tumalikod. Naiinis parin ako sa tuwing naalala ko yung time kung saan nakita ko siyang may kasamang babae, mukang masaya na sila at bagay na bagay sila. Masaya na siguro siya ngayun, hindi niya na ako kailangan. Sabagay, dati na yong babaero, malamang sa style ng isang yun, makakahanap agad iyun.
Napabuntong hininga ako at pabagsak na umupo sa bed side ng kama ko. Dito nalang muna ako sa kwarto ko maghihintay habang hindi pa tapos mag-ayos ang bakla sa kabilang kwarto.
Paulit-ulit kong pilit iwinawaglit sa aking isipan ang nangyari nung nakaraam, ngunit sadyang pilit paring ibinabalik ng aking isipan ang aking nasilayan. Gusto ko muling maging manhid, tulad ng dati na walang paki-alam sa paligid. Walang paki-alam kung may masaktang iba, bukod lang sa mga taong malalapit sa akin at aking pamilya.
Gustong-gusto kong maging manhid! Hindi pa man tuluyang napapatid ang taling nag-uugnay sa amim ay mukang nahanap niya na ang kasiyahan ang babaeng ipinalit niya sa akin. Nung mga oras na nakita ko siya, ang saya-saya ko at gustong-gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin ng napakahigpit. Pero ang sayang nararamdaman ko, ay biglang naging abo dahil sa apoy na namuo sa sistema ko.
Anim na taon ang lumipas, pero siya ang unang pumigtas ng pag-asa ko na pinanghahawakan sa muling pagbabalik ko sa Pilipinas.
Iyak ako ng iyak ng mga nagdaang araw, gusto ko siyang tanungin kung may pag-asa pa ba at kung talagang mahal niya ang babaeng yun, pero.. ayokong maging tanga at pilit gawing kaawa-awa ang aking sarili. Gusto ko man siyang tanungin ngunit pinanghihinaan ako ng loob, baka lalo lang akong masaktan kapag nalaman ko ang sagot sa lahat ng mga katanungan na nabubuo sa isipan ko.
Nagdududa na tuloy ako kung minahal niya ba talaga ako o kung minahal niya nga ba ako? Hindi ko na alam. Punong-puno ng katanungan ang isip ko, alam kong iisa lang ang makakasagot ng lahat ng mga katanungan ko, pero hindi ko alam kung anong magiging tungo niya sa akin matapos ang pag-iwan ko sa kanya.
Nangangati tuloy ang paa ko na puntahan sila Rose para tanungin kung may balita paba ang mga babaeng iyon kay Tyler. Sa tuwing naalala ko kung paano siya pumorma at kung ano-ano ang napakalaking pagbabago sa kanya ay hindi ko maiwasang humanga.
Napakalaki ng pinagbago ng lalaking mahal ko. Ang dating badboy look ay lalong nadagdagan pero naging matured ang itsura niya at parang laging seryoso sa buhay. Hindi namamansin ang mukang istrikto, siguradong manlalambot ang aking tuhod kapag nagtama ang aming mga mata. Nakaka-intimidate ang presensya niya lalo na at napakalalim niya kung tumingin. Parang hinahalukay ang kung ano mang sikretong pilit tinatago ng isang tao.
*TOKTOK!TOKTOK!*
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
"Hoy! Lumabas kana diyan at maka—"
Bigla kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, at gulat akong mapaatras nung muntik ng masubsob si Glen sa ginawa ko.
'Tss! Ano bang ginagawa ng isang to!'
{-_-}
"Aish! Ano ba naman yan Stacey! Bakit ba bigla-bigla kang nagbubukas ng pinto mo." Tumayo siya ng maayos at inis na binalingan ako. "Pasalamat ka at hindi ako nasubsob, kung hindi naku! Masasabunutan talaga kita kapag nagalusan tong mukang to!" Turo niya sa muka niya.
Inirapan ko siya at namewang. "Eh bakit ba kase nakasandal ka sa pintuan ko, hindi kaba makapaghintay at kailangan pa talagang sumandal ha!?"
"Oo! Malay ko bang baka kung ano na ang ginawa mo sa sarili mo diyan sa loob. Baka sa sobrang pagkalungkot mo ay mag-suicide ka diyan!"
{O__O}
"At sinu namang tanga ang mag-iisip ng ganyan!? Hindu porque't nasaktan ako ay sasayangin ko na ang buhay ko! Hindi ako gago para gawin yun sa sarili ko!" Sigaw ko sa kanya.
Nasaktan lang ako, pero hindi pa tumitigil ang mundo ko ng dahil sa kanya. Oo mahal ko si Tyler, pero ni minsan hindi ko naisip na bawiin ang buhay ko sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Bilib din ako sa imagination ng isang to e. Parang si Tyler lang dati.. pero mukang ibang-iba na siya ngayun. At nawala na ang lalaking minahal ko noon.
"Nakuha mo na ba lahat? Ano pa bang kulang?" Tanong sa akin nu Glen matapos namin makuha lahat ng school supplies na maari naming magamit sa darating na pasukan.
Tinignan ko ang basket ko at inisa-isa kung may kulang pa ba. Nung makita kong kumpleto na ay umiling ako sa kanya.
"Ikaw?" Tanong ko sa kanya. "May kulang paba?"
Umiling siya. "Wala na."
"Oh!?" Ibinigay ko sa kanya ang basket kung saan nakalagay ang mga pinamili ko. Bukod kase kami. "Ikaw na ang pumila at magbayad. Babayaran nalang kita mamaya."
Nakangiwi itong nakatingin sa akin habang nagsasalita ako. "Hoy! Anong babayaran ang sinasabi mo? Hindi! Ikaw ang pumila o kaya naman tayong dalawa nalang ang pumila at magsarili ng bayad! Ano ka? Sinuswerte? Hindi mo ako utusan nuh!?" Nagmamaganda na naman ang isang to, samantalang hindi naman bagay dahil lalaki ang pananamit at malaki ang kanyang katawan.
{-_-}
"Ah!" Tumango ako. "Oh sige.. ako magbabayad at pipila, tapos paguwi naten.. mag-impake ka ng gamit mo at bumili ka ng sarili mong unit ha? Wag kang makikitira sa uni—"
"Akin na nga!" Sigaw niya sabay hablot sa basket ko. "Ang dami mo pang satsat. Oo na ako na! Tss! Ang tamad-tamad mo!" Dagdag niya pa.
Nakita ko sa peripheral vision ko na napapatingin na sa amin ang ibang costumer na namimili din ng mga gamit sa natinal bookstore. Ang iba naman ay kay Glen lang nakatingin habang pinagbubulungan pa. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin at nginitian na lang si Glen na nakabusangot habang hawak-hawak ang dalawang basket.
Padabog siyang naglakad papunta sa counter para pumila. Inilibot ko nalang muna ang tingin ko sa paligid kung ano ang pwedeng pagkaabalahan habang hinihintay ko pang matapos sa pagbayad si Glen sa mga pinamili.
*BLAAGG!*
{O__O}
Tinulungan kong makatayo yung babaeng nakabangga ko, nalaglag pa ang mga gamit na nasa basket.
"Sorry Miss. Hindi ko sinasadya." Paumanhin ko. Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong makita ang kanyang muka. Dagdagan pa ng pagtakip ng buhok sa muka niya.
"Tsk! Kung bakit ba naman kase hindi ka tumitingin sa dinadaana—Oww!"
{O__O}
Napaatras ako nung bigla akong duruin nito sa muka, muntik pang masundot yung mata ko.
"Oh my god!" Sigaw niya, at pinaypayan ang sarili habang hindi mapakali.
'Tss! Sino ba itong babaeng to! Bakit parang kilala ako? Tss!'
{-_-}
"Miss.. Do I know you?" Tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya sabay takip ng dalawang kamay sa bibig.
{-_-}
'King ina! Ano bang problema ng isang to? Ang O.A. naman nito. Sarap pektusan e.'
"Stacey! Stacey Mansford right?" Nanlalaki parin ang matang tanong niya sa akin. Napaatras ako dahil inilapit niya sa akin ang kanyang muka at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"What—Do you know me?!" Ipinilig ko ang ulo ko pakanan. Pamilyar sa akin ang babaeng nasa harapan ko, napakapamilyar. Hindi ko matanda—
"OF COURSE! WHAT DO YOU THINK OF ME? TSK! I'M ROSE!" Sigaw niya.
{O__O}
'Wait—what? Rose? As in ROSE MARIE DIAZ?'
Napataas ang kilay ko habang tinitignan at pinagaaralan ang muka niya.
"Ikaw ba yan?" Nakakainsultong tanong ko.
"Aarraayy!" Napahawak ako sa batok ko. Binatukan niya ako e.
"Psh! Malamang." Tinanggal niya ang suot na salamin sa mata. "Hindi porque nakasalamin ako at naka-suot ng three peice suit ay hindi mo na agad ako nakilala?" Mabilis na tanong niya.
{-_-}
'Hindi parin nagbabago ang isang to! Ang ingay parin ng bunganga kahit nasa public place kami.'
Napangiwi ako habang nakatingin sa kanya habang dadak ng dadak. Iba na nga ang tingin sa amin ng mga customer na namimili malapit sa kinatatayuan namin. Parang gusto kaming pagsabihan pero pinipigilan lang nila.
"Nasan kaba galing? Pagkatapos mong ma-aksidente at dinalaw ka namin sa ospital. Isang araw ang nakalipas, nabalitaan ko na umalis na pala kayo papuntang States. Hindi ka manlang nagsabi na aalis ka pala. Alalang-alala kami nila Bria atsaka ni Cathy. Miss na miss ka na namin, ngayun kalang nakauwi. Hindi ka manlang nagmessage sa facebook o kaya naman tumawag lang para sabihin kung okey kalang ba o kung may masakit ba sayo! Nakakainis ka!" Hinampas niya ako sa braso. "Umiyak kaya ako nun! Nakakainis ka talaga! Ang sarap mong sabunutang bruha ka! Hindi ka talaga nagpaalam eno—"
"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo! Tss! Paano ako magpapaalam kung maski ako ay hindi alam na aalis pala kami. At paano ako magpapaalam kung wala naman akong malay nung umasli ako!?" Inis na singhal ko sa kanya.
{-_-}
Hindi siya nakasagot nakangusong nakatingin lang sa akim habang nakataas ang isang kilay. Kahit kailan talaga, napakadaldal na nga.. hindi pa iniisip ang mga salitang lumalabas sa bunganga niya.
"Oh anu?" Hamon ko sa kanya. "Sige nga? Paano ako makakapag-paalam kung wala naman akong malay nung umalis ako!?"
Napanguso siya. "Kahit na! Bakit? Sa buong anim na taon bang lumipas ay nakaratay at wala kang malay? Tsk! Nung gumaling kana at bumalik ka sa dating lakas mo! Hindi mo man lang ba naisip na maraming naghihintay sa pagbabalik mo. Maski ang mga kapatid mo ay wala. Kung may alam man sila, hindi naman sinasabi." Sigaw niya.
{O__O}
"Tinatawagan mo ba sila Naster o kaya si Ate?" Tanong ko.
Napaisip siya. "Oo kaya! Pero ang tanging sinasabi lang naman nila ay ayos kana. Paulit-ulit na ganun ang sinasabi. Psh! Kesyo hintayin kana lang daw namin na bumalik."
At hindi man lang tinangkang sabihin sa akin ng mga kapatid ko na nangangamusta pala ang mga kaibigan ko. Tss!
"B-bakit? Hindi ba nila sinabi sayo?" Gulat na tanont niya. Umiling ako.
"Tsk! Sabi na e. Parang may ayaw silang ipalam o kung ano man. Anyway. Siguro naman hindi kana aalis ulit?" Pagbabago niya ng usapan.
"Hindi na. Dito na ako maninirahan atsaka mag-aaral." Sagot ko.
"Oh?" Gulat siyang napatakip sa bibig.
{-_-}
"Akala ko ay tapos ka ng mag-aral. Sa tinagal-tagal mo sa ibang bansa, hindi kapa pala nakakatapos mag-aral? Anyare?"
"Tinulungan ko si Papa sa pagpapatakbo ng negosyo. Actually parang wala naman akong naitulong. Parang gusto niya lang ako turuan kung paano magpatakbo at humawak ng negosyo." Seryosong saad ko.
Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang nasa isipan ng babae na to habang naktunganga sa akin. Gusto ko siyang batukan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Natutuwa ako at nakita kong muli ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan na naiwan ko dito sa Pilipinas. Kamusta naman kaya ang iba? Ni hindi ko manlang naalala na magdala ng pasalubong para sa kanila.
"Oh my god! OMG!" Biglang singhal niya.
"Woi! Bakit?" Inis na tanong ko sa kanya. "Tss! Wag ka ngang sumigaw dito. Kung ano man ang nasa isipan mo, mamaya mo nayan sabihin. Punta nalang tayo sa restaurant ang doon magkwentuhan."
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at iniwan na siya. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. Natanaw ko na kase si Glen na kakatapos lang magbayad sa counter at ngayun ay naghihintay sa akin sa entrance habang nakatingin sa babaeng nasa likod ko.
"Sino yang kasama mo?" Bulong sa akin ni Glen nung makalapit na ako. Kinuha ko sa kanya ang isang paper bag.
"Bestfriend ko yan. Yan yung mga kaibigan na naiwan ko dito sa Pilipinas."
Napangiwi siya at naunang maglakad. Hinintay ko nalang muna si Rose na makalapit na sa akin.
"Sino yun?" Nguso niya nung makalapit sa akin. Naglakad na kami at sinusundan si Glen na papunta ngayun sa isang restaurant.
"Kaib—"
"Boyfriend mo?" Putol niya.
{O__O}
'What the?'
"Pano mo nasabi?" Inis na tanong ko sa kanya at binalingan siya.
Nagkibit balikat siya. "Ang gwapo ah! Alangan naman na kaibigan mo lang ang ganyang kakisig na lalaki." Nginuso niya ang mga babaeng napapatingin kay Glen. Laglag ang panga habang sinusundan siya ng tingin.
"Oh anong meron?" Seryosong tanong ko.
"Psh! Kahit kailangan talaga eno? Malamang oh! Pinagtitinginan ng mga babae oh! Kung ako siguro ang girlfriend niyan, malamang sinabunutan ko na yang mga malalanding babaeng yan!" Mabilis na banat niya.
{-_-}
"Kaso, hindi ako.. ikaw." Natawa ako. "At kailan ko sinabi na may boyfriend ko ang isang yan? Kaibigan ko lang yan."
"Weh? Parang hindi naman."
Napabuntong tumigil ako sa paglalakad. Napatigil din siya at takang tinignan ako. Pinakita ko sa kanya ang hawak-hawak kong paper bag.
"Oh? Anong gagawin ko diyan?" Mataray na tanong niya.
"Sa tingin mo ba ay hahayaan niya akong hawakan ang paper bag na ito kung boyfriend ko siya?" Sarkastikong tanong ko.
Napahawak siya sa kanyang baba at napaisip.
"Malay mo, hindi lang talaga siya ganun ka gentle man, tulad ng iba." Simpleng sagot niya. Napangiwi ako at muling naglakad.
"Sigurado ka? Hindi mo talaga yan boyfriend? Eh ano yung nabalitaan namin na may boyfriend kana daw?" Tanong niya pa.
Pumasok kami isang Korean Restaurant at naupo sa table. Nasa gilid ko si Glen habang nasa harapan namin si Rose na ngayun ay pinag-aaralan kaming dalawa.
{-_-}
"Hoy!" Tawag niya kay Glen.
Sinamaan muna ako ng tingin ni Glen bago sinagot si Rose.
"Boyfriend mo ba ang kaibigan ko?" Direstsahang tanong niya. Bumalik na naman ang pagiging mataray niya.
Napataas ang kilay ni Glen, saglit na sinulyapan ako at ibinalik rin ang tingin kay Rose na masama ang tingin sa kanya.
"Why do you need to know?" Baritonong tanung nito.
Napataas ang sulok ng labi ni Rose.
{-_-}
'Tss! Bahala kayo diyan!'
"Eh ano bang pakialam mo! Eh kaibigan ko yang katabi mo e! Masama bang manigurado?" Sigaw niya. Nanlaki ang mata ni Glen at napapahiyang napatingin sa mga taong nakuha ni Rose ang mga atensyon nito.
'Tss! Kahit kailan talaga!'
"Will you please lower your voice!" Pakiusap ni Glen.
"Bakit naman kita susundin!?" Sigaw na naman ni Rose.
"Sir, Ma'am. Is there something wrong?" Tanong sa amin nung waiter.
Nagpekeng ubo si Rose at binalingan ang waiter.
"Menu?" Tanong ni Rose. Ibinigay naman agad nung waiter ang menu.
"Isang Galbi, Bulgogi, Samgyeopsal, and Sannakji." Order niya atsaka ibinigay sa akin ang menu.
"Ang dami mo namang in-order." Saad ko.
"Aba! Dapat lang! Ang tagal nateng hindi nagkita, kaya dapat matagal din dapat tayong mag-uusap, at sa pag-uusap, kakailanganin naten ng maraming pagkain para hindi tayo magutom. Atsaka kasama mo yung.." binitin niya ang sinabi at sinulyapan si Glen. "Boyfriend mo na dapat hindi."
{>__<}
"Ano!?" Inis na tanong ko sa kanya.
Pinandilatan niya ako ng mata. "Eh sino ba naman kase yan?" Inis na tanong niya.
"Tss! Mamaya na. O-order muna kami." Sabi ko.
"Psh! Dalian mo. Dahil kating-kati na akong malaman kung anong nangyare sa inyo ni Tsonggo mo, bago ka umalis."
Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang uungkatin niya ang bagay na iyon. Hindi na pala ako mahihirapan na magtanung sa kanya tungkol kay Tyler. Laking pasasalamat ko at siya na mismo ang nag-ungkat.
"Oh? Napatigil ka? Wag mong sabihin na kahit may boyfriend kana ay hindi mo parin nakakalimutan si Tyler. Tsk! Kung bakit mo ba naman kase iniwan yung tao." Naiiling na saad niya.
"Tss!" Hindi ko na siya sinagot at namili nalang ng o-orderin.
"Isang Jeonbokjjim and Gyeran jjim. And Imsamju wine." Sabi ko at abot kay Glen. Nagsimula na siyang sabihin ang order niya sa waiter bago ito umalis.
"Ano ba talaga ang relationship niyo?" Atat na entrada ni Rose pagkaalis nung waiter.
"Why are you so talkative?" Inis na tanong ni Glen sa kanya.
"Ako?" Sarkastikong turo sa sarili ni Rose habang nakatingin kay Glen. "Why are you speaking an english language? Where here in Philippines." Maarteng sagot ni Rose.
Inirapan nalang muna ni Rose si Glen bago ako binalingan.
"So, tell me. Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa tao at hinayaan mo siyang maging ganun?" Tanong niya, seryoso.
{-_-}
"Sino?" Tanong ko.
"Psh! Nasan ba ang utak mo? Malamang si Tyler Fuentabilla. Na iniwan mo ng napakatagal." Sigaw niya.
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ipaliwanag sa kanya. Gustong-gusto kong tawagan si Tyler, pero kapag nalaman ng magulang ko, malamang ay magagalit sila sa akin. Ni ayaw nga agad nila ako pauwiin sa Pilipinas. Mabuti nalang at naniwala sila na may relasyon kami ni Glen, kaya pinayagan nila akong umuwi at dito mamalagi.
"Hi—"
{-_-}
'King ina!'
"T-teka! Baka naman relasyon kayo nitong kasama mo? Mahirap na baka ako pa ang dahilan kung bakit kayo mag-away mamaya." Putol niya sa akin.
"Excuse me Miss. May pangalan ako. I'm Glen." Pormal na pakilala ni Glen.
Tinaasan siya ng kilay ni Rose. "I don't care, who you are! Hindi ko naman tinatanung ang pangalan mo kaya wag kang umentra! Si Stacey ang tinatanung ko, kaya wag kang sumali.. Bakla!" Sigaw ni Rose.
{O__O}
'HolyShit!'
"ANO!?" Sigaw ni Glen. Nanlilisik ang kanyang mata habang nakatingin kay Rose. Si Rose naman. Namutla, hindi niya ata inaasahan na masisigawan siya ni Glen.
"Sinong bakla!?" Sigaw ulit ni Glen, pero hindi na masyadong malakas.
Kumibot-kibot ang labi ni Rose, tila may gustong sabihin pero may kung anong pumipigil sa kanya.
"A-ako! Tsk! Malamang ikaw?"
"Anong ako? Gusto mong halikan kita!?" Hamon ni Glen.
{O__O}
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Glen. Ni minsan hindi ko pa siya nakitang ganto kagalit. Halos labas na lahat ng ugat sa leeg niya at pulang-pula narin ang muka niya pababa sa leeg at tenga.
"W-What?—No! Psh! Fine! Your not a gay okey! And I'm taken." Maarteng sabi ni Rose.
{O__O}
'Tsk..tsk..tsk.. nahuhuli na talaga ako sa balita.'
"By whom?" Singit ko.
Nanlaki ang mata niya at biglang namula. Napalingon siya sa paligid at parang hindi mapakali. Ganun ba kahirap sabihin kung sino ang boyfriend niya? Tss! Kahit kailan talaga e. Pati pagsasabi ng pangalan ay nahihirapan pa. Sino ba yang kurimaw na yan at parang kilig na kilig ang babae to—
"Si Marky." Bulong niya.
{O__O}
"Di nga? Baka naman pangarap mo na naman yan. Alam mo, dati pa lang ay assuming kana talaga."
"Hindi noh! Totoo, promise."
Sa tinagal-tagal ng panahon, sila rin pala ang magkaka-ibigan. So may tendency palang magkita pa kami ni Tyler, through our friends.
"So spill it." Pangungulit ni Rose.
*SIGH!*
"Ayaw ng magulang ko na may communication ako sa mga tao sa Pilipinas. At, galit sila sa mga Fuentabilla." Seryosong saad ko.
"Hala! Paano yan? Edi hindi na pala kayo pwede ni Ty?"
Sa tingin mo ba pwede na, kung may girlfriend na siya? Tss!
"Hindi na. Atsaka may girlfriend na ata yun e." Napabuntong hininga ako.
"Ano—"
"Here's your order Ma'am, Sir." Sabi nung waiter sabay lapag ng mga inorder namin. Pagkatapos nitong ilapag ay umalis narin agad ito.
"Anong pinagsasasabi mo? Saan mo naman nakuha yang balitang yan?" Pahisteryang tanung ni Rose.
{-_-}
"We saw him." Singit ni Glen. "With a girl. They kissed, when we saw them, outside the restaurant."
Nanlaki ang mata ni Rose. Mukang hindi niya alam na may girlfriend na si Tyler.
"P-pero.. pero wala siyang pinakilala sa barkada na kung sino mang babae. Atsaka hindi na tulad ng dati si Ty.. he's damn a cold heartless guy when the time that you left him." Nag-aalalang paliwanag ni Rose.
"Mahal mo pa ba?"
"Ano ba namang klaseng tanong yan Rose. Syempre, kahit anim na taon na ang lumipas. Siya parin ang mamahalin ko. Hindi madaling magmahal ng iba, lalo na at minahal ko ng tapat si Tyler. Na kahit na nasa malayong lugar ako, hindi ako nagmahal ng iba." Napalunok ako. Pinilit kong labanan ang nagbabadya kong luha. Ayaw kong makita nila akong lumuluha na naman.
"Sorry. Hindi ko alam. Sino ba kaseng babaeng yun? Masasabunutan ko talaga ang isang yun sa oras na malaman ko kung sino yun!" Inis na saad niya at uminom ng tubig.
"Okey lang. Hindi ko naman inaasahan na may babalikan pa ako kapag umuwi ako sa Pilipinas." Nabasag ang boses ko.
Kinuha ko agad ang basong nasa lamesa ang uminom ng tubig. Sobrang nasasaktan na ako ngayun palang, paano pa kaya kapag nakita ko na siya harap-harapan na may kasamang babae. Durog na durog na siguro ang puso ko nun.
Gusto kong puntahan o kausapin man lang si Tyler about us, pero.. hindi ko ata kakayanin pakinggan ang mga lalabas sa bibig niya na lalo lang ikasasakit at ikakaluha ko.
"Napakaganda mo na Stacey.. Hindi nga kita agad nakilala kanina e. Para ka ng model. Marami pa namang lalaki diyan. Baka hindi lang talaga kayo ni Ty, ang para sa isa't-isa." Pagpapalubag loob ni Rose.
"Hindi madali." Hindi ko na napigilan at tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi ko ata kayang makita siyang may kasamang ibang babae at nagaakapan. Para akong sinasakal nun at nahihirapang huminga."
"Tutulungan ka namin nila Bria at Cathy. Malamang matutuwa yun kapag nakita ka nila. Miss na miss ka na ng mga bruhang yun e! Umiyak pa nga kaming tatlo e... Pero tutulungan ka talaga naming makalimot. Pupunta tayo sa bar kung gusto mo."
{-_-}
"Wag mong ayain ang kaibigan ko sa ganyang lugar." Pigil sa kanya ni Glen.
"Paki-alam mo ba? Kung ayaw mo edi sumama ka at bantayan mo siya. Psh! Basta pupunta kami kapag gusto niya."
Suminghot nalang ako at pinagmasdan nalang ang paligid. Napatingin ako sa entrance ng Korean Restaurant nung may makita akong pumasok. Namataan ko ang isang magandang babaeng pamilyar sa akin. Binati siya ng isa sa mga waitress at sumunod sa kanya ang isang lalaki. Naka-three piece suit ito at kung hindi ako nagkakamali ay Gucci ang tatak ng suot nitong three piece suit.
{O__O}
'Bakit kailangan sa lahat ng lugar ay dito ko pa siya kailangan makita, kasama ang babae niya.'
"Suportahan mo nalang kaya ang kaibigan ko, para naman maka-move on na ang isang to."
"Tuturuan mo lang siya ng mga kabalastugan e."
Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa dalawang taong nagbibigay ng sakit sa dibdib ko.
Hindi ko talaga kayang makita si Tyler na may kasamang iba, lalo na at talaga namang may binatbat ang babaeng ipinalit niya sa akin.
Huminga ako ng malalim para mapigilan ang tangkang pag-agos na naman ng aking luha. Ayaw kong malaman ni Rose na nandito si Tyler, dahil malamang, lalapitan niya ang dalawa at kung ano-ano ang sasabihin.
Yumuko ako upang maitago ko ang muka ko, kung baka sakaling mapadpad sa direksyon namin ang mata ni Tyler. Hindi malabong mapatingin siya sa pwesto namin, dahil nakakakuha ng atensyon ang ingay ng dalawang kasama ko.
"Gusto mo bang pumunta mamaya sa bar?"
Sumubo nalang ako at pilit winawaglit sa isipan ang aking nakita. Masakit sa mata na makita ang lalaking mahal na mahal ko.
"Huyy! Bakit ka biglang tumahimik Stacey!?" Medyo malakas na sigaw ni Rose.
'Fuck shiit!!'
Nagtangis ang pangang nag-angat ako ng tingin kay Rose.
"Kumakain ako. Anong inaasahan mong gawin ko, magsalita habang kumakain. Kabastusan!"
"Woooww! Parang napakagalang at karespe-respeto ang ginagawa mo dati ah! Eh sinasagot-sagot mo nga lang si Panot e."
"Sinong panot?" Si Glen.
"Bakit ka ba sali ng sali sa usapan namin? Nakakairita ka ah!"
"Eh kung hindi ka sana sumama papunta sa restuarant edi hindi ka sana naiirita ngayun sa presensya ko!"
"Pwede ba!! Tumahimik naman kayo! Nasa Restaurant tayo at hindi lang kayong dalawa ang kumakain at naguusap." Sita ko sa kanila.
"Tsk!"
"Psh!"
"Excuse me."
*TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!TUGDUG!*
"Oh? Ikaw pala Tyler." Ramdam kong nasa akin ang paningin ni Rose ng banggitin niya ang pangalan ni Tyler.
Bakit kailangan mo pang lumapit sa table namin? Hindi kaba nakakaramdam na torture na ang ginagawa mo sa akin ngayun? Harap-harapan mong pinapakita na ayos kana at parang hindi man lang ininda ang pag-alis ko? Gago ka talaga eno?
"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" Nakayuko lang ako at pinapakinggan ang paguusap nila ni Rose.
"Ah! Kakain sana kami dito."
"Kami? Ibig sabihin may kasama ka?"
"Oo. Si Janine." Baritonong boses na saad ni Tyler. Ramdam kong nasa akin ang mata ni Tyler, pero hindi ko siya kayang tignan. Nakaka-intimidate ang presensya niya at masyadong seryoso at nawala ang pagka-isip batang katauhan ng Tyler na minahal ko.
"Nasan? Girlfriend mo?" Diretsahang tanong ni Rose. Nagpakawala ako ng buntong hininga at nag-angat ng tingin sa lalaking matagal ko nang gustong mahagkan.
Nadatnan ko siyang nakatitig sa akin ngunit walang ekspresyon ang mababakas sa kanyang muka. Hindi ako pamilyar sa emosyong ipinapakita niya. Malamig at napaka-seryoso. Parang hindi na siya nagulat na makita niya ako ngayun. Parang wala siyang paki-alam kung naka-uwi na ako sa Pilipinas. Ibang-iba na ang Tyler na nakilala ko noon.
Hindi parin maiaalis ang pagiging head turner nito ngunit, nawala ang emosyong dating nakikita ko sa kanyang mga mata kaya lalo ako nalunod sa pagnamahal sa kanya. Wala na ang pag-iingat at pagmamahal na makikita sa kanyang mata. Parang isang natural na bagay o nilalang nalang ako para sa kanya at parang pinapatay ako habang nakatingin sa kanya.
"Naka-uwi kana pala." Paunang bati niya. Hindi man lang kariringgan ng pagiging interes ang kanyang boses.
Nasasaktan ako Tyler. Hindi ko kinakaya ang mga pagiging pormal mo at parang balewala nalang sayo yung nakaraan naten. Gusto kong umiyak sa harapan niya para naman malaman niya kung gaano na ako nasasaktan sa inaasta ng sa gayun bumalik sa dati ang pakikitungo niya sa akin. Pero nakapa-imposible ng mangyari ang bagay na iyon. Lalo na at kasama niya ang kasalukuyang mahal niya ngayun.
Nakaraan niya nalang ako ngayun, at hindi na muling magiging kasalukuyan at gusto ko nalang lumubog sa lupa.
"Oo. Sa anim na taon, ngayun lang ulit nakauwi e." Pilit kong pinatatag ang boses ko.
Bahagya itong ngumiti sa akin. "Good for you. Are you stay here, for good?" Pormal na tanung niya.
Napalunok ako. "Yes."
"I see. So by the way. Dun muna ako sa table namin ah." Paalam niya pero hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Pilit na ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang tumango.
Sinulyapan niya lang saglit ang mga kasama ko sa table bago kami talikuran at pumunta sa hindi nalalayong table nila mula sa amin.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Abo't-abot ang kabang nararamdaman ko. Aakalain mong kagagaling ko lang sa isang gyera at ganun na lamang ang pagod.
"Yun bang babaeng kasama niya ang nakita mo?" Tanong agad sa akin ni Rose.
Nakayukong tumango ako.
"Hindi ko pa siya nakikita. Sa tingin ko ay wala rin kaalam-alam ang mga kaibigan namin na may girlfriend siya."
"Hindi niya naman sinagot ang tanong mo kanina diba? HIndi niya naman nilinaw na girlfriend niya talaga ang babaeng yun e. Kaya wag kang mag-alala." Singit naman ni Glen.
"Ah basta! Tyler is still a jerk! You have to move on, Stacey."
"Sana nga, ganun lang kadali yang pag-momove on."
"Naku! Malalampasan mo rin yan!"
"Paano ako magmo-move on kung ang atensyon ko ay sa kanya parin nakatuon? Paano ako magmomove on kung patuloy parin akong nabubuhay sa aking ilusyon? Paano ako mag-momove on kung siya parin ang isinisigaw ng puso't emosyon? At paano ako mag-momove on kung siya parin ang aking inaambisyon? Ha? Paano ako mag-momove on kung ang nararamdaman ko para sa kanya ay wala namang solusyon?" Napahikbi ako. Pero sapat lang para sila ang makarinig.
Bakas sa kanilang mata ang awa para sa dinadanas ko. Hindi sila nakasagot. Mabilis kong pinunasan ang luha ko, baka mapalingon pa dito si Tyler.
"Alam kong hindi madali ang mag-move on. Pero gagawin namin ang lahat para ang maibsan ang sakit na sinasapit mo ngayun. Para ano pa at nagkaroon ka ng mga kaibigan?" Si Glen. Napangiti ako sa sinabi niya.
Siguro, kakayanin ko ito. Masasanay rin ako na lagi ko siyang makikitang may kasamang iba.
"Then operation! Move on!" Mahinang bulong ni Rose.