Itinapon niya ang bote ng naubos niyang alak. Simula nang mawala ang kaniyang anak at si Violet, palagi na lang siyang nagkukulong sa kwarto at uminom ng alak. Hindi na rin siya makausap nang matino ng kaniyang mga magulang at kaibigan, lagi na lamang siyang nakatulala at nagwawala.
Hindi niya alam kung bakit nga ba naging ganito ang buhay niya. Dahil siguro puro pananakit at kasamaan ang naging buhay niya noon. Napapaisip na lang siya kung ito na ba ang kabayaran sa kaniya. Pero iniisip niya rin, bakit hindi na lang siya? Bakit ang anak niya pa at ang ina ng iba niya pang mga anak ang naging kabayaran sa lahat?
"Miss na kita, Anak," sambit niya sa hangin. "Miss na miss ka na ni Daddy, Anak."
"Kamusta ka na, Anak?"
Sumigaw siya nang napalakas. Binato niya ulit ang isang bote ng alak. Paulit-ulit niya ring sinasaktan ang kaniyang sarili, ngunit may biglang umawat sa kaniya. Nakita niya ang isang kamay at tinitigan niya ito.
Nawala ang lahat ng sakit pansamantala nang makita niyang umiiyak ang kaniyang pinakamamahal na ina at ama, ang mga magulang niya ay umiiyak sa harapan niya.
Sa tanang buhay niya ay hindi niya pa nakitang umiyak ang mga magulang niya. Dahil siguro hindi naman sila ganoon ka-close dahil laging busy ang mga ito sa family business nila. Nakita niya rin ang mga kapatid niya na nasa likod ng kaniyang magulang, umiiyak din sa kaniya. Nakita niyang lumapit sa kaniya ang anak ng kaniyang ate na si Isabella, parang nakita niya si Nate dito.
"Tito, stop na po cry?" sambit nito sa kaniya. Mas napaluha siya dahil niyakap siya nito nang napakahigpit.
"Nate!"
"Tito, si Isabella po ito, hindi po si Kuya Nate," sambit ng bata.
Tama nga ito, hindi ito ang anak niya. Wala ang anak niya, at hindi niya alam kung kailan ito babalik sa kaniya.
"Chris, magpahinga ka na. Please, wag puro ganito, Anak, hindi ito makakatulong sa sitwasyon natin ngayon." sambit ng mommy niya.
"Tama, Anak, makinig ka sa mommy mo." sabi rin ng daddy niya.
"Bakit ba ang dali lang sa inyong sabihin iyan? Palibhasa, hindi kasi kayo ang nasa sitwasyon ko! Kaya madali lang sa inyo sabihin na—" Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya dahil may tumamang kamao sa kaniyang mukha.
"We are just concern about you!" sambit ng kaniyang kuya. "Hindi mo ba nakikita, lahat kami dito damay! Kasi pamilya tayo rito." dagdag pa nito.
"Hindi ko ramdam na pamilya tayo rito, dahil simula pa lang nang bata ako, wala akong naramdaman na pamilya!" sigaw niya sa kaniyang kuya.
Binugbog siya ng kaniyang kuya, at sa huling suntok na ginawa ng kuya niya ay nakita niyang umiiyak sa lungkot ang mommy niya habang pilit na inaawat ang kuya niya.
"Sino ba ang may gawa nito, hindi ba't ikaw? Ikaw ang puno't dulo nito, kaya ikaw dapat ang maghanap ng solusyon! Wag mong isisi sa mga tao ang mga ginawa mo!"
Sang-ayon siya rito. Kung hindi naman niya sinaktan at pinagmalupitan si Violet, sana ay masaya at may pamilya siyang maitatawag, kung saan ay minamahal at inaalagaan niya si Violet. Hindi sana naging karma ang lahat sa kaniya. Hindi sana humantong sa ganito ang sitwasyon.
Nakita niya ang luha ng kaniyang mommy at unti-unti nitong sinasaksak ang kaniyang puso. Tumingin sa mommy niya na may lungkot sa mga mata.
"Mom," sambit niya rito.
Agad siyang dinaluhan ng kaniyang ina. Pagkalapit ng kaniyang ina ay niyakap niya ito at humingi siya ng tawad sa nasabi niya, pati na rin sa kaniyang kuya. Alam niyang tama ito, siya naman talaga ang may gawa nito. Kaya dapat ay hindi siya ang unang manghina sa mga bagay na ginawa niya, kundi gawan niya ng solusyon.
Agad na tumayo ng higaan si Yusuke upang agad itong makapaghanda. Pagkatapos niyang gawin lahat ng mga gagawin niya ay umalis na siya ng kanilang bahay. Wala ngayon ang mga anak niya, maaga itong kinuha ng nanay ni Violet, gusto nitong ito munang ang mag-alaga sa mga bata upang kahit paano ay mawala ang pagka-miss ng mga bata kay Violet.
Habang nagda-drive si Yusuke ay biglang nag-text ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang kaibigan at isa sa mga kasama nila sa sitwasyon na ganito.
"We have good news." text nito sa kaniya.
Binilisan niya ang takbo ng sasakyan at wala pang 30 minutes ay nakarating na sila sa lugar kung saan naroon lahat ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao at kasama sa misyon na ito.
"Yu!" tawag ni Baron sa kaniya. "Nag-text si Yedda sa number na ito."
"Ano ang sabi?" tanong niya rito.
"Pumunta raw tayo sa lugar na it—" Hindi nito natuloy ang sasabihin nito dahil biglang bumukas ang pintuan at nakita si Chris.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Yusuke.
"I received a text from Yedda!" sambit nito sa kaniya.
"We, too." sagot niya rito.
"Lahat kayo, maghanda! Mamayang gabi ay kikilos na tayo!" utos ni Yusuke sa lahat ng nasa kwarto.
"Sasama ako," sabi ni Chris kay Yusuke.
"Do what you want," sagot naman niya rito.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...