Nag handa siyang ipaglaban sa lahat ng bagay, at hindi niya rin hahayaang maangkin ni Chris ang mga anak niya, dahil ano man ang mangyari ay kaniya itong ipaglalaban; patayan man o batas. Hindi na siya ang Violet na tinatapak-tapakan lamang noon at minamaliit, isa na siya ngayong malakas na babae na kahit sino ay hindi makakatapak.
Isang katok ang nagpagising sa kaniya sa katotohanan.
"Ma'am, labas na po kayo, baka mahuli kayo sa party." tawag sa kaniya ni Nanay Tes. "Nandoon na po si Yusuke sa baba, hinihintay ka na." dagdag pa nito.
"Sige! Pababa na po, nay!" Suot niya ngayon ang napakagandang gold gown na may slit sa bandang harap ng kaniyang hita. Pakiramdam niya ay umapaw lalo ang kaniyang kagandahan ngayon. Hindi sa pagmamayabang pero alam niyang napakaganda niya at sexy. Natawa na lang siya sa kaniyang naiisip.
Habang bumababa siya sa staircase nila ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na isipin na para siyang prinsesa na may naghihintay na prinsipe sa baba para alalayan siya. She dreamed this kind of scene noon, pero ngayon ay heto na, ito na 'yung pinangarap niya. "Thank you, Lord." Iyon na lang ang kaniyang nasabi dahil sa labis na saya na nararamdaman niya ngayon. Nakita niya ang kaniyang prinsipe sa baba na nakatalikod sa kaniya. Nakasuot ito ng pulang americana.
"Love!" pang-aagaw-pansin niya rito. Parang slow motion ang pagharap nito sa kaniya. Iba talaga ang nagagawa ng tunay na pag-ibig, parang teenager lang.
Humarap sa kaniya si Yusuke nang may ngiti sa labi, napakatamis na ngiti. "Wow! What a beautiful goddess." puri nito sa kaniya.
"And what a handsome prince in front of me." sagot naman niya dito, at hindi niya mapigilang kiligin sa lalaking ito. Pakiramdam niya ay maiihi siya sa kaniyang panty o malalaglagan siya ng panty dahil sa kagwapuhan na taglay ng kaniyang nobyo.
Inalayan siya ni Yusuke ng isang kamay habang pababa siya ng hagdan, at pagkababa nito ay hinalikan siya nito sa kaniyang noo.
"Ang ganda-ganda mo, Violet, napakaganda. Hindi talaga ako nagsisising niligawan at pinili kita dahil napakasaya ko ngayon."
Hindi niya alam ang kaniyang isasagot dahil talagang napa- flatter siya sa sinabi nito.
"Thank you too for accepting me, for who I am and what I am." sagot niya. "Tama na nga 'yan! Maiiyak na ako, Love, sayang make up!" biro niya at napatawa na lang silang dalawa. "Anong oras na, Love, baka mahuli pa tayo sa bussiness party na 'yun."
"Hayaan mo. Gusto ko nga na mahuli tayo para grand entrance tayo sa party" sagot nito sa kaniya. "Para naman mainggit sila sa akin na may dyosa akong girlfriend at makikita nila kung gaano ka kumikislap habang bumababa ka mamaya sa staircase." Iba talaga mag-isip ang nobyo niya minsan. "Because you know, love? You are worth to wait." dagdag pa nito habang nakatingin sa mga mata niya.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...