抖阴社区

CHAPTER 30

3K 58 16
                                        

"Hey, mister! Dalhin mo na kami doon sa mga nawawalang tao dito sa Mall." sabi Calix sa kaniya. Napapangiti siya dahil parang matanda ito kung magsalita, at isa pa, ganitong-ganito rin siya noong bata pa siya.

"Oo, dadalhin ko rin kayo doon, pero hayaan mo muna akong bilhan ng laruan ang kapatid mo. Tingnan mo, oh, umiiyak siya." Naaawa kasi siya sa katabi niyang bata na umiiyak, na ang alam niya ay Noah ang pangalan.

Bibilhan na sana niya ito nang may biglang tumawag sa mga ito na isang batang babaeng kamukha rin nila. Napakaganda ng batang babae, parang isang manika. Napapaisip lang siya dahil may kamukha ang batang ito, pero hindi niya maalala kung sino, malakas lang ang kutob niya na  nakita niya na ang kamukha nito.

"Ilan ba talaga ang mga ito?"

"Kuya, bakit ba kasi kayo umaalis? Kanina pa namin kayo hinahanap ni daddy, buti na lang, alam namin kung saan kayo pupuntahan! Next time kasi, makinig kayo kay Kuya Sebastian!" Natatawa siya sa batang babaeng nagsabi nito, parang matanda rin kung magsalita.

Pagkatapos mag-usap ng tatlong bata ay may lumapit na isang pang batang kamukha rin ng mga ito, kasama ang isang lalaki na sa tingin niya ay tatay ng apat. Pormal ang hitsura ng lalaki, at base sa instinct niya ay businessman din ito dahil alam niya kung paano manamit ang isang businessman.

"Daddy!!" sabay na sigaw ng dalawang batang tinulungan niya. Bigla siyang nainis at nasaktan dahil doon. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang siya ang tawaging 'daddy' ng mga mga ito.



Sumulpot na lang agad si Yusuke sa harapan ng isang lalaki na kasama ng mga anak niya. Hindi niya alam, pero ayaw niya ang awra ng lalaking iyon, parang may kutob siya na masama dito.

"Daddy!!" sigaw ng dalawa at saka lumapit sa kaniya. Umiyak na lang ang mga ito sa kaniya at humingi ng tawad.

"Daddy, sorry po." sabi ni Noah at Calix sa kaniya. "Sorry din, kuya," dagdag pa ng mga ito.

"It's okay, guys. Next time, wag na lang ulit gagawin iyon, kasi hindi natin alam kung next time, hindi na mabuting tao ang makakita sa inyo. Okay?" sabay halik niya sa dalawa.

"Hey, bro," pang-aagaw-pansin niya sa lalaking nakakita sa anak niya. "Thank you sa pagtulong sa mga anak ko," sabi niya. Hindi niya nga gusto ang awra nito, pero magiging bastos naman siya kung hindi siya magpapasalamat dito.

"Your welcome, bro. Next time, alagaan mo nang maayos 'yung mga anak mo, para hindi na maulit ang mga bagay na ganito."

"Sinasabi ba nito sa 'kin na pabaya akong magulang kaya nawala ang mga anak ko? Oo, kasalanan ko, pero hindi naman ako pabaya, at wala namang may gusto ng nangyari."

"Sige, bro, pasensya na ulit. Next time, doble-ingat na 'ko sa mga anak ko, para hindi na sila mawala pa." mariing sagot niya.

"I'm Chris." sabay abot ng kamay nito sa kaniya. Ayaw niyang maging bastos kaya tinanggap niya ito. "Be professional all the time."

"I'm Yusuke." sabi niya. "See you when I see you." 

Umalis na siya kasama ang mga anak niya. Hindi niya alam, pero may iba sa awra ng lalaki na ayaw niya at naiinis siya. Ngayon lang sila nagkita, pero parang ayaw na nito agad sa kaniya. Siguro ay instincts lang iyon, pero hindi niya pwedeng baliwalain, dahil minsan ay totoo ang nararamdaman niya.



Mabilis na dumaan ang mga araw. Parang kahapon lang ay pinag-uusapan pa nila kung ano ang magaganap sa business party, pero ngayon ay pupunta na sila. Ngayon lang siya haharap at magpapakilala sa camera at sa mga taong dadalo, dahil hindi naman talaga siya kilala ng iba. Hindi naman siya laging nakikipag-meet sa iba, ang pinagkakatiwalaang sekretarya niya lang ang nakikipag-meet sa mga ito. Hindi naman dahil sa takot siya o ano, gusto niya lang na maging pasabog ang kaniyang pagpapakilala sa lahat bilang  C.E.O. ng isa sa mga pinakamalaki at mayamang kompanya ngayon. Gusto niyang mangyari iyon hindi para maging sikat o ano pa man, gusto niya lamang isampal sa lalaking nanakit sa kaniya noon kung ano na ang narating niya at kayang gawin ngayon. Marami siyang pinagdaan sa loob ng limang taong, at kung babalikan pa niya iyon ay parang isang panaginip iyon na gusto niyang hindi na lang matulog para hindi niya na iyon makita. For her, being in Chris' arms is being in hell, or worst, at ayaw na niya ulit bumalik doon.

"Sa kaniya ko ngayon ipapalasap kung gaano kahirap mamuhay sa impyerno, at dodoblehin ko pa ang ipapadanas ko sa kaniya."

Alam niyang isa sa mga dadalo ang dati niyang asawa, at sa tingin niya ay magsisisi ito na iniwan siya nito. Pero alam niyang wala nang silbi kung magsisisi man ito, dahil hindi naman na niya ito babalikan. Meron na siyang isang Yusuke

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon