Pagkatapos mapuno ang bag ng dugo ni Chris ay mabilis itong isinalin kay Seraphina. Mabilis itong tinanggap ng katawan ni Seraphina kaya naman naging mabuti na rin ang kalagayan nito makaraan ang ilang oras. Ngayon ay nakikita niya nang gumagalaw ang kamay nito. Tiningnan niya ito nang mabuti, at ilang sandali lang ay dumilat na rin ito at biglang umiyak nang malakas."Mommy!!" sigaw nito.
Agad niya itong nilapitan upang hindi na ito umiyak dahil baka mabinat ito.
"Hush, Baby, hush." Hinahawak niya ang likod nito upang pagaanin ang pakiramdam nito, at ilang sandali pa ay tumigil din ito. Binuhat niya ito at inilagay ang ulo nito sa kaniyang balikat.
Sa isang banda naman ay nandito ay nakatingin si Violet sa ginagawa ni Chris. Pagkatapos nilang pag-usapan ang kagustuhan nitong bumalik siya rito at iwan si Yusuke ay hindi niya na ito pinansin dahil wala rin namang patutunguhan ang pinag-uusapan nila.
"Mommy, dede." sabi sa kaniya ng anak.
Wala pa si Nanay Tes kaya wala pa silang gamit dito sa hospital. Ang pwede niya lang gawin ngayon ay ang magpa-breastfeed dito.
"Mommy, dede po. Gutom na ako." sabi sa kaniya ni Seraphina.
"Nak, wala pa si Nanay Tes." sagot niya. Biglang hinawakan ni Seraphina ang kaniyang dibdib at pilit inaaalis ang kaniyang damit. Nagta-tantrums na naman ito.
"Wait lang, Anak, stop muna." sabi niya. Wala na rin naman siyang magagawa kundi padedehin ang anak niya. Wala rin siyang ibang choice dahil nakakahiya naman kung palalabasin niya si Chris.
Umupo siya sa higaan ng kaniyang anak at ipinuwesto ang kaniyang sarili sa komportableng lugar. Inalis niya muna nang dahan-dahan ang kaniyang coat saka niya itinaas ang inner niya, at ang huli ay ibinababa niya ang kaniyang bra. Inilapit niya ang bibig ni Seraphina sa kaniyang dibdib upang makasipsip ito ng gatas. Nahihiya siya pero wala naman siyang maisip na ibang choice. Ayaw na rin niyang mag-inarte dahil nagugutom na ang anak niya. Tiningnan niya si Chris na halatang nagtataka sa ginawa niya na parang hindi nagpapa-breastfeed ang asawa nito.
Hinehele-hele niya ang kaniyang anak upang bumalik ito sa pagkakatulog nang biglang magsalita si Chris na nasa gilid niya.
"Hindi ko alam, pinapa-breastfeed mo pa pala ang anak natin." sabi nito sa kaniya.
"Really, anak natin?" sabi niya sa kaniyang isip. "Mas healthy sa bata ang gatas ko, at hindi ko naman laging ginagagawa ito, paminsan-minsan lang kapag mas gusto nila ng gatas ko."
Tumango ito at nagsalita. "Nakakalaki pala ng dibdib ang pagkakaroon ng anak."
"Sinasabi ba nito na maliit ang dibdib ko dati?" Inirapan na lamang niya ito.
Maya-maya ay biglang silang napatingin sa pintuan ng kwarto dahil may pumasok, iyon ay sina Nanay Tes at ang mga bata.
"Mommy!!" sigaw sa kaniya ng tatlo niya pang anak sabay takbo papalapit sa kaniya.
"Mommy, kumusta na po si Princess?" tanong sa kaniya ni Noah.
"Mommy, natakot kami kanina po, kasi bigla na lang dumugo yung nose ni Princess, tapos po bigla siyang nag-sleep." sabi naman ni Calix. Alam niyang nag-aalala ang mga ito sa prinsesa nila. Halata sa bawat salitang binibigkas ng mga ito ang pag-aalala at lungkot.
"Mommy, bumalik ba ang sakit ni Princess?" pang-aagaw-pansin sa kaniya ni Sebastian.
Isang tango na lamang ang kaniyang ibinigay rito at saka niya niyakap ang mga anak niya. Hindi niya alam kung bakit sa kanila pa ibinigay ang pagsubok na ito. Hinihiling niya na, sana, siya na lamang ang nagkasakit at hindi ang anak niya.
"Woah!" sigaw ni Calix kaya lahat ng sila ay napatingin dito. "Ikaw 'yung mamang tumulong sa amin, 'di ba?" manghang tanong ng kaniyang anak sabay turo kay Chris. Magaling talaga ang mga anak niya sa mga ganitong bagay, hindi nakakalimot kaagad.
"Hindi ba, Kuya Bas?" tanong nito sa mga kapatid nito upang makasiguro na si Chris nga ang tumulong sa kanila.
"Wow! Oo nga, 'no?" sigaw naman ni Noah at saka ito tumingin kay Calix. "Hala, Mommy, ba't nandito siya?" tanong nito sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...