Sana bukas o sa susunod na araw, mahalin mo na rin ako."Hindi naman sa nagmamadali, ayaw niya lang mahuli ang lahat na kung kailan pagod at sumusuko na siya ay saka lamang siya mamahalin ng lalaking minamahal niya.
Natawa siya sa naiisip niya. Pagod? Suko? Malabo yatang mangyari 'yon sa kaniya dahil sobrang mahal niya ang lalaking ito.
Dinampian niya ng isa pang halik ang lalaki, halik na may kasamang pagmamahal at pag-aalaga, pagkatapos ay dumiretso na siya sa guest room at nag-shower kahit na napakasakit pa rin ng pagkababae niya. Habang tumutulo ang tubig sa kaniyang mukha ay napaiisip siya kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Basta ang alam niya lang; kapag mahal mo ang tao, ipaglalaban mo. Siya lang ang may gusto ng kasal, at hindi niya maiwasang malungkot dahil dito.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...