抖阴社区

Chapter 5

2.2K 86 26
                                    

Selfie


Magkatabi kaming nakasakay sa pinakalikod ng lantsa dahil puno sa bandang harapan. Hindi pa umaalis dahil nag pupuno pa ng pasahero.

Nasa may bintana ako nakaupo. 

"Banana cue, palit na kamo, palit na kamo mga gwapo!"

"Itlog nilaga, palit na kamo, naa'y pugo pod!"

"Shades ser? Palit na kamo, naa pod koy screen protector!"

Kanya-kanya sila ng pagbebenta sa loob ng lantsa hindi ako makapaniwala na may shades pa at screen protector! Ang galing!

"You want something?" tanong nya nilingon ko sya na tulad ko ay nanunuod sa mga nagbebenta.

Mukhang nag eenjoy naman sya, tinitignan ko kung naiinis na naman sa ingay pero hindi naman.

"Wala naman, busog pa ako. Ikaw?" 

Umiling lang din sya, naka dantay lang mga braso nya sa sandalan ng upuan ko, tamad na tamad ang itsura nya at ayan na naman yung manspreading nya. 

"Oo nga pala, direstso ka na ba sa nirent 'mong place pagbaba natin mamaya?" 

Tamad syang bumaling sa akin, medyo naiinis pa ko dahil naka shades sya kaya hindi ko makita kung saan sya nakatingin.

"How about you, where are you going? Is someone picking you up?" 

Tumango ako at napanguso sya tila nag iisip.

"Susunduin ako ni Lola, may nirent na syang bao-bao pwedeng ihatid ka namin sa Santa Cruz." nagsalubong ang kilay nya pero hindi ko makita ang mata nya.

"Is it fine with your grandma? I don't want to cause any trouble."

Tumirik ang mata ko.

Knowing Lola, she loves meeting new people. May pumailanlang tunog sa speaker, prayer pala yun dahil paalis na kami.

Tinatangay ng malakas na hangin ang buhok ko. Grabe napaka ganda dito sa Surigao, akala ko hindi na ulit ako makakabalik dito.

Madaming Isla kaming nadaanan, napaka linaw ng tubig ang ganda ng mga rock formations.

Medyo natatakot pa ako dahil malapit ako sa bintana, may harang naman kaya hindi ako basta-basta mahuhulog pwera na lang kung itulak ako ng katabi ko. 

Naniningkit ako sa init na tumatama sa mukha ko, pasalamat talaga at nag sunscreen ako. 

I extended my right arm outside, feeling the swift winds that I couldn't even grasp.

The waves, though not towering, were steady in their strength, relentlessly slapping against the boat as it cut through the ocean, as if the sea itself resented the intrusion of a stranger, unwilling to welcome it into its domain.

I closed my eyes, feeling the warmth, the scent of the saltwater, and the freshness of the air.

I had forgotten the sensation from the last time I was here, but now I am carving it into my memory and soul, so that whenever I see the ocean again, this will be the first scene I remember.

Napadilat ako ng maramdamang may pumatong sa ulo ko. Cap yun na color navy, nilingon ko si Solomon.

He is also facing the window at dahil natatamaan na sya ng araw, kahit naka shades ay nakikita ko na ang mga matang nyang nakatingin... sa akin.

Mataman nya akong pinapanuod at bahagyang umawang ang labi nya. 

"Thank you," I said, a happy smile gracing my lips. I felt light and completely at ease. Hindi sya nagsalita at nanatiling nasa akin ang mga mata. 

Tides That Binds Us (Achilles Heel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon