Floater
Dahil sa pagpipilit sa sarili na maging busy-busyhan ay talagang natuluyan na. Halos ako na ata ang gumawa ng foods kahit pa sinabi 'kong hindi ako magpapa alila sa kanila.
Para lang maiwasan yung kanina 'pa na sunod ng sunod sa akin.
Hindi nagtagal ay nawala na rin si Solomon sa paligid ko. Napansin na rin siguro nyang sya ang dahilan kaya ilang beses ng sumala ang barbeque stick sa karne at ang daliri ko ang napupuruhan.
"Ako na dito..." Sabay agaw ni Juno sa pamaypay na hawak ko para sa barbeque.
Wala na syang suot na pang itaas kaya kitang-kita na ang katawan nyang kumikinang sa araw, naka board shorts na lang, naka shades at may yosi sa bibig. Ang tangkad din nitong si Juno kaya napapatingala ako.
May half batch pang natitira para i-grill pero marami na kaming nagawa at naluto ng girls.
"Kumain ka na, Mik. Anong oras na..." Paalala nya pa kaya tumango ako at iniwan na sya.
Nilapitan din sya ni Kian para tumulong sa mga natitira pa na isasalang.
Mataas na nga ang araw at medyo may init na sa balat. Hinila ako ni Charlie paupo sa lamesa ng makita akong papalapit sa kanila.
Mga naka two piece na sila pero mga naka maong shorts pa naman at ang iba ay may shawl pa naman sa bewang.
"Kain muna tayo guys bago maligo." Anunsyo nila Juno pero tumanggi ang girls kailangan daw fit sila sa picture.
Pero sila Clereid at Samson nandun na sa dalampasigan. Kita ko na dala na nila yung mga surfing boards. Hindi din naman kalayuan ang dagat sa rest house.
"Hoy, selfie muna tayo bago lumusong!"
"Shit, nakita nyo yung sunblock ko?"
"Guys, please don't forget the sunscreen!"
Nagkakagulo na sila sa lamesa, samahan pa ng makabasag tengang patugtog nila sa stereo hindi ko alam paano pa kami nagkaka intindihan.
Naglagay na din ako ng sunblock at sunscreen.
"Maliligo ka na ba, Pol?" Si Almira sa tabi ko while applying sunscreen on her face.
Nakataas ang buhok nya sa magulong paraan na bagay sa kanya.
"Hm, not yet baka mamaya pa..." Kumuha ako ng finger food sa lamesa ng matapos mag apply ng kung ano-ano.
Busog pa talaga ako pero gusto ko lang tikman, mas gusto ko din mag kape muna pero wala ata kaming nabili kahit yung instant coffee sana.
"Alright, picturan mo muna kami, please?" Nilingon nya ko at lumabi sya.
Natawa ako at tumango.
Pasimple 'kong nilibot ang mata ko pero hindi ko sya makita, wala din sya sa dalampasigan.
Umuwi na?
"Here." Galing sa likod ko ay may lumitaw na braso na naglapag ng umuusok na kape sa harapan ko.
Mabilis akong napatingala.
Nakayuko sya sa akin. Nanunukat ang tingin. Sa pwesto namin na 'to hindi maiwasan na umuwang ang labi ko.
Mabilis nyang binawi ang braso at naramdaman 'kong ipinatong nya ang magka bilang kamay sa sandalan ng upuan ko.
"Wow may pa kape!" Tukso nila Jodi.
"Hoy, Miks, tinimplahan ka na oh, bigyan mo ng kiss yan." Tangina talaga 'tong si Charlie.
Bahagyang namula si Solomon pero hindi umalis sa pagkakatayo sa likuran ko.
