抖阴社区

Chapter 19

1.7K 66 23
                                    

Ex


Nakatulala na naman ako sa kisame habang iniisip ko yung usapan naman ni Solomon kanina sa 7/11. Tahimik lang kaming kumain 'nun nang matapos ay umuwi na 'rin kami tapos hinatid nya pa ako sa dorm.

Ayoko nga sana pero since friends na daw kami, okay lang daw yun. Hindi pa nga ako pumapayag sa friends-friends na yan, ang daming palusot!

Parang mali pa ata yung naging dating ng usapan namin.

At ngayon yung aking 'new found friend' ay nag tetext na naman asking if nakauwi ako ng maayos.

I mean, ginagawa naman talaga ng friend yun, diba? Dapat ba 'kong maglagay ng malisya? I think he really wants to end the silent war between us.

If he wants friendship, I can offer that. But anything more than that is off the table. Hindi ba nya nakita kung paano kami pagtinginan sa campus? Kapag kasama ko sya, feeling ko pinagtatawanan kami. Everyone on campus knows I'm into guys, pero sya? I don't think so. Solomon is just so straight as fuck.

And seeing him with me ay eskandalo para sakanila.

Lalo pa't marami akong naririnig na marami syang naging ex girlfriends... kaya palaisipan sa akin kung bakit sya biglang nagka gusto sa akin. 

I'm not sure if it's love. Maybe it's just curiosity? Wondering what it's like with another guy? Perhaps he wants to explore that side of himself.

Masisiraan na ata ako ng bait, kakaisip. 

Nasa school ground ako, hinihintay ko si Andrei dumating dahil ngayon kami mamimili ng art materials, si Tala hindi daw makakasabay dahil may work pa sya, kaya kami na lang.

Ang kaso mukhang iindyanin din ako. Alas dos na, wala pa at kanina ko pa tinatawagan! Kailangan ko ng makabili ng material. Ako na lang siguro kahit mag cab na lang ako pauwi kasi medyo marami akong bibilhin.

Tumayo na ako at lumabas. Wala kaming class today kayo ngayon talaga ang perfect time na makapamili ako. Tinatamad na 'rin akong ayain sila Charlie dahil malamang mag aayos pa yun at wala akong balak mag hintay sa kanya.

Lumabas ako ng campus, magji-jeep na lang ako papunta sa pinaka malapit na mall. Bahala na si Andrei, basta ako tutuloy ako ngayon, sumunod na lang sya. Tumayo ako sa pavement at nag abang ng jeep na dadaan. 

Napalingon ako ng may bumusina sa may malayong kanan ko, mabagal na pumarada ang itim na SUV sa harap medyo kinabahan pa ako, naka tinted kaya hindi ko nakita kung sino ang nasa loob pero mabilis na bumaba ang salamin ng passenger seat at ang nakangiting mukha ni Solomon ang bumungad sa akin dinudungaw ako.

"Mikee? Where are you going?" Mukhang gulat din sya na makita ako dito.

Medyo hindi pa ako agad makasagot kasi nagulat ako na nasa harap ko sya ngayon kaya nautal pa ako.

"U-uh, pupunta... akong mall ngayon." Nag iwas ako ng tingin sa kanya at luminga-linga kung may jeep na parating kaso wala pa. 

"That's perfect, I'm going to the mall too, hop in." Naka dungaw pa din sya sa akin, hawak na ang pinto ng passenger seat at bahagya na nyang binuksan. 

"Uh, hindi na-" Tanggi ko pero nakita ko na nakataas ang isang kilay nya sa akin.

We're friends na nga pala.

Gusto 'kong tanggihan ang kaso wala 'pang jeep na dumadaan at anong oras 'rin, tutal papunta na rin naman sya kaya makikisabay na din ako.

Umayos na sya sa pagkaka upo ng abutin ko ang handle ng sasakyan nya at tuluyan nang pumasok. Agad na tumaas ang window sa side ko kaya nakulob ako sa napaka pamilyar na amoy ng pabango nya. 

Tides That Binds Us (Achilles Heel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon