Watch
Napako na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanlalaki ang mga matang nakatingala ako sa kanya.
"Hindi mo 'ko ginising kanina..." Magkasalubong ang mga kilay pero may pinipigilang ngisi sa labi habang maangas na ginigitgit nya ako papasok ng unit.
"Sol... wait, si ano kasi-" Hinawakan ko na sya sa magkabilang braso, pinapatigil. Naaamoy ko pa ang shower gel and aftershave nya dahil sobrang lapit namin.
Hindi ako halos makapag salita, he grabbed my waist at hinahapit palapit sa kanya.
"Sol... wait-"
"Dapat ginising-"
"Mikee, sino yan-"
Sabay-sabay na pagsasalita namin, I felt his arms stiffen around me.
Hindi ako lumingon tanging na kay Solomon lang ang mga mata ko. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ang pagkukuwaring inis nya kanina ay napalitan na ng totoong galit. The muscles under my palms clenched and twitched. I could clearly see his jaw clench and his expression darken.
Naalala ko ang kawawang salamin nya sa banyo dahil lang sa selos nya!
"Solomon-"
"Bakit nandito sya, Pol?"
Nagsabay na naman na sabi namin ni Bryce, naramdaman ko ang pagbaling ng katawan ni Solomon kay Bryce at humakbang sya palapit, agad ko syang pinigilan sa bewang.
"S-solomon!" Para akong pumipigil ng bus.
"Ikaw, bakit ka nandito?" Mabagsik na sabi nya. He held my arm and tried to pull it away from being wrapped around him, but I wouldn't let him.
"May kinuha-"
"Alam ni Pol na pupunta ako dito," Tinignan ko si Bryce at gustong sawayin pero nilingon ako ni Solomon, naka kunot ang noo. "Ikaw bakit ka nandito?" tanong na naman 'nung isa may pang iinis sa tono, kaya ang sarap kutusan.
"Why the fuck do you care?" Matigas at malutong na ang salita nya, may bahid na ng rahas. He stepped again at hindi ko na sya mapigilan pero nananatili pa din ako na nakayakap sa kanya.
"Sol!" Saway ko sa kanya. "May kinuha lang syang gamit!"
Ang lakas nya, parang kaya nya akong ibalibag paalis sa pagkakayakap sa kanya kung gugustuhin nya.
"You have no business being here, Suarez..." hindi ko makita si Bryce pero seryoso na ang boses nya. "After what happened at the cafe, you're tainting Mikee's image."
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya! Nanigas din si Solomon mula sa pagkakayakap ko. Mukhang tinablan ng sinabi ni Bryce.
Kumalas ako kay Solomon at pumuwesto sa harap nya, nakasandal sa kanya, pumipigil.
"Bryce, umuwi ka na, nakuha mo na ang mga gamit mo diba?" Grabeng pagpipigil ang ginawa ko, huwag lang syang sigawan sa inis ko.
"Pol-"
"Mag-uusap kami, let's just talk some other time."
Nagdadalawang isip syang tumango sa akin. He sighed, halos ihatid ko sya sa pintuan pero naramdaman ko ang hawak ni Solomon sa bewang ko, pinipigilan ako. Nakapagitan pa din sa kanila, pinulot nya ang mga gamit nya at walang lingon-lingon na lumabas ng unit.
"What the fuck is he doing here?" Malamig ang boses nya sa likuran ko. Nilingon ko sya.
"Sinabi ko na, may kinuha lang syang mga natirang gamit."
