Sleep
Halos umabot ng ilang oras ang pag-uusap sa pagitan nila lolo at ng dalawang tourist guide sa labas. Nandito pa din sila sa garahe, may mga barangay tanod at andito na din ang kapitan.
Rinig na rinig ko pa din ang mataas na boses ni lolo sa labas. Hindi ko na naiintindihan ang mga pinag uusapan nila at ayaw ko ng intindihin pa.
Naka tukod ang mga siko ko sa magkabilang tuhod, nakayuko. Ang hapdi ng mga mata ko at wala na ata akong tubig sa katawan dahil sa sobrang pag iyak ko kanina.
Naramdaman ko ang kamay ni lola nang haplusin nya ang likod ko ng makabalik sya galing kusina, naglapag sya ng baso ng tubig sa harapan ko. Tinignan ko lang yun at hindi ako nagtataas ng tingin sa kanya, nahihiya sa mga nangyayari. Kami lang dalawa ni Lola sa sala. Pinapasok na nya ako ng mag datingan ang mga tanod at hinayaan na namin sila doon sa labas na mag usap.
Nasa labas din si Solomon. Kasama ni lolo at hindi ko lang alam kung may naiintidihan ba sya sa usapan.
"Mikee." Nilingon ko si Lola. Namumugto ang mga mata nya.
"Alas onse na, la..." Paalala ko kasi alas siete pa lang tulog na sila dito.
Napangiti sya. "Minsan lang naman ako mag puyat." Hinawakan nya ako sa braso. Nanatili akong nakatingin sa kanya. She's tapping my arm akala mo pinapatulog nya ako.
"Mabait na bata si, Solomon, Mikee..." mahinang sabi nya. Tumango ako bilang pag sang ayon.
"Opo, la... mabait sya, ipanag tanggol nya ko kanina 'don sa dalawa."
Bumalatay ng sakit sa mata nya para sa akin. Ikinuwento ko ang nangyari kanina doon sa Lantsa, yung lungkot nya napalitan na ng galit. Nakapag timpi naman sya at hindi na sumugod sa labas.
"Masaya akong nandito ka at ng pinayagan ka ng mama't papa mo na dito sa amin mag pasko."
"Mas natutuwa yun sila, la. Kasi makakapag date sila." Pagbibiro ko pa sa kanya.
Napangiti sya ng bahagya.
"Ang kaso ganito ang nangyari tapos mag papasko na... Pasensya ka na, apo." Yumuko si Lola mukhang naiiyak na naman.
Umiling ako. Hindi naman nila kasalanan Tuluyan ko syang inakbayan at pinatahan.
"Wala kayong kasalanan, la..." Sabi ko sa kanya pero umiling sya.
"Nung nakaraang uwi mo rin dito umiiyak ka, tapos ngayon ganun ulit, parang tuwing uwi mo dito, malungkot ka na lang lagi, nak..."
"Iba naman 'yun, la..." Nedyo kumirot ang bahagi ng puso ko ng maalala ang rason kung bakit ako umuwi dito noon.
"Ganun pa din yun, ang gusto ko naman sana ay masaya ka lagi lalo na pag uuwi ka na sa inyo... gusto ko masaya ka at nakapag bakasyon ng maayos, Mikee..."
Ngumiti na ako sa kanya.
"Masaya ako, la. Yung mga panget sa labas, hindi. Hindi ata nila tanggap na mas maganda pa ko sa mha misis nila."
Tuluyan na syang natawa, napalo pa ko sa braso.
"Nabuksan mo na po yung maleta na dala ko?" Hanggang ngayon kasi nandun pa sa kwarto. Puro parcel kasi ang laman 'nun na pinag oorder ko pa sa online shop, mahal kasi ang shipping fee dito.
"Bukas titignan ko samahan mo ako." Tumango ako. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nya. Narinig ko na nagpapa alam na ang mga tao sa labas. Nanatiling naka upo si Lola sa tabi ko.
"Ayan tapos na sila, matulog ka na kaya, la." Umiling lang sya nag aabang ng pagpasok nila Lolo sa bahay.
Unang pumasok si Lolo sa loob, tumatawa na.
