抖阴社区

Chapter 25

1.5K 76 24
                                    

Missed

Dumiretso kami sa Condo nya na medyo may kalayuan sa school. Parang wala ako sa sariling sumama sa kanya paakyat ng unit nya. Hawak nya ang kamay ko simula ng makababa kami ng sasakyan.

Nasa mahabang couch na nya ako nakaupo, inilibot ko ang mga mata ko sa loob, malaki ang condo ni Jamie pero mas malaki at malawak ang unit ni Solomon, kitang-kita mula dito sa kinauupuan ko ang nagtataasang skyscraper sa labas. Alam 'kong hindi basta-basta ang condo nya. 

Hinihintay ko syang lumabas, nasa loob sya ng kwarto nya at sinabihan akong saglit lang daw sya pero halos kinse minutos na syang nasa loob.

Tumayo na ako at nag desisyon na sundan sya, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. 

Itinulak ko ang pinto ng kwarto nya at dahan-dahan na naglakad papasok.

"Sol?" Mahinang tawag ko, ang lawak ng kwarto nya at ang laki ng balcony sa kanang bahagi, kulay puti ang room at navy blue ang kulay ng kama nya. 

Wala sya sa kama, kaya nilingon ko na ang tingin 'kong banyo. Naririnig 'ko dun ang mahinang kaluskos kaya humakbang na ako papunta. 

I heard a sigh escape him, followed by a hiss.

Itinulak ko ang pinto, nagtama pa ang mata namin sa salamin. Nasa lababo sya at kasalukuyang hinuhugasan ang pumutok nyang labi, mabilis akong pumasok sa loob.

"Bakit hindi mo 'ko tinawag?" Marahan 'kong tanong sa kanya. 

Sinundan ako ng mga mata nya hanggang sa makarating ako sa tabi nya. Hindi sya nagsasalita. Nasa gilid na ng lababo ang mga kamay nya at mariin na nakahawak sa edge, kitang-kita ko ang paggalawan ng muscles sa braso at balikat nya, medyo nakayuko sya kaya tumutulo ang tubig sa buhok nya na nakatabon sa noo nya.

Wala na syang suot na t-shirt at naka boxer na lang kaya kitang-kita ko ang katawan nyang akala mo nililok, magulo ang buhok at mabagsik pa din ang mga mata. 

"Ako na..." Kinuha ko sa kanya and medicine kit at hinanap ko ang betadine at bulak, medyo hindi rumerehistro sa akin ang mga nangyayari, parang may pakpak ang mga paa ko habang nakatayo katabi sya, hindi nya ako nililingon, sa salamin nya lang ako pinapanuod. 

Tiningala ko sya at itinaas ko ang kamay ko palapit sa mukha nya, medyo nahihirapan ako kasi ang tangkad nya, medyo nakakangalay pero tahimik lang ako. 

Nasa sugat nya ang mga mata ko, it was just a shallow cut, so it didn't require stitches.

Nilagyan ko ng betadine ang bulak at unti-unting ipinapatak sa sugat nya. Hindi pa din sya nagsasalita.

"Sabihin mo 'kung masakit, ha." Halos pigil ko ang hininga ko habang nakatingala sa kanya. 

I inwardly winced as the pain shot through my shoulder kaya ibinaba ko muna ang mga kamay ko kasi nangangawit na pero napasinghap ako ng mabilis nya akong binuhat mula sa bewang at iniupo sa marmol na lababo. 

My heart was pounding so loud. Napahawak pa ako sa mga balikat nya. Iniupo nya ako at agad nyang ipinuwesto ang sarili sa gitna ng mga hita ko.

Halos mapamura ako sa kung paano sya gumalaw, nadadarang ako. 

He positioned his arms on both sides of my thighs, ikinukulong ako, bahagya syang nakayuko sa akin ngayon kaya medyo hindi na ako nangangalay na tingalain sya. 

"Go on..." malamig na pagkakasabi nya. 

Sinalubong ko ang mga mata nya kahit napapaso ako. Nasa mga labi ko ang mga mata nya at mukha syang nalalasing na naman.

"What could I possibly do to make you stay with me and stop running away? Hmm..." 

Mas inilapit nya sa akin ang mukha nya kaya napaatras ako.

Tides That Binds Us (Achilles Heel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon