抖阴社区

Chapter 11

1.7K 81 16
                                    

Trigger Warning: This chapter contains strong language, including slurs and derogatory terms related to the LGBTQ+ community. Reader discretion is advised.

--

Eyes


There's probably nothing more enjoyable than a vacation in the province. Delicious food, clean, fresh air, lush surroundings, the sea, and then being able to wake up late because there's no school tomorrow.

Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto, halos isang oras na ata akong tulala.

Naiisip ko kasi yung mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Parang ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko.

'Totoo pala yung Whirlwind Romance 'no?

Wait, matatawag na ba na romance yun? Wala naman kaming napag uusapan. We act as if it's natural for the both of us. I'm not in a rush either. Tsaka medyo naduduwag na akong magtanong...

Pinaglalaruan ng kanang hintuturo ko ang lower lip ko habang nag iisip.

'Nung bata ako kapag nakakaranas ako ng masyadong kasiyahan, alam ko na ang susunod 'nun, iiyak ako. Para syang natural na nangyayari. Kung minsan hindi ko agad napapansin na sobrang saya ko na pala, makikita ko na lang ang sarili 'kong umiiyak na.

Isa din ata 'to sa talent ko. Magaling akong mag overthink.

"Mikee, nak..." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas yun. Sumilip si Lola, nakangisi.

"La..." Antok-antok pa akong ngumiti sa kanya. Pupungas-pungas akong umupo na sa kama.

Hinahangin pa ng electric fan yung buhok ko tumutusok sa mata ko. Tumayo ako at dumiretso sa salamin, humihikab. I grabbed one of my hair ties at basta na lang itinali sa bangs ko.

"Almusal na Mikee, labas ka na dyan..." Humihikab akong tumango kay lola at umunat.

Wearing only my boxers and a white sando, I roamed around the house and went straight to the kitchen to open the refrigerator.

Kumuha ako ng mogu-mogu na agad 'kong binuksan at ininum.

Si Lola busy na mag handa ng pagkain.

Nang halos makalahati 'ko, bumalik ako sa sala, may cable sila Lola pero walang Netflix, iba kasi ang gamit nila dito.

Kinuha ko ang remote, itinapat sa TV at binuksan. Napapatulala pa ako saglit.

Anong channel ba yung Sponge Bob-

"Mon, upo ka na dito sabay na kayo ni Mikee..." Narinig 'kong sabi ni Lola mula sa kusina. Sinong kausap nya? Napalingon ako sa lalaking prenteng nakaupo sa dulong sofa ng sala, halos mapatalon ako ng makitang si Solomon 'yun!

"Anak ng pucha-" halos ihagis ko sa kanya yung remote.

Natawa sya sa reaksyon ko at alam 'kong nangangamatis na ako sa pula! Nakakahiya!

"Goodmorning, Mikee..." He smiled teasingly, his eyes roaming my appearance, but I immediately turned my back on him.

Papasok na sana ako ng kwarto ng mapaisip ako, anong gagawin ko sa kwarto? Magpapalit? Bakit magpapalit? Maayos naman ang suot ko? Atsaka wala akong muta chineck ko kanina sa salamin bago lumabas.

I faked a cough at lumingon sa kanya at ang kumag ang sarap ng ngisi.

"Kain na daw." Tawag ko at imbes na sa kwarto, sa kusina na ako dumiretso.

Naramdaman ko na nasa likod ko na sya. Hinila nya ang isang dining chair bago ko pa magawa at pinapaupo ako kaya hindi na ako nag inarte.

Pumunta si Solomon kay Lola at sya ang kumuha ng isang bandehadong kanin. Akala mo isang pulutong ng construction worker ang kakain.

Tides That Binds Us (Achilles Heel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon