Cry
May umuusok na isang tasa ng kape, may mahinang tugtog na nagmumula sa cellphone ko at mga art materials na nasa harap ko habang busy akong naghahalo ng mga kulay sa palette.
Nakatapat ako sa napakalaking canvas sa harap ko at nasa may terrace ako banda nakaupo. Ang simo'y ng hangin galing sa labas ay banayad na tumatama sa balat ko.
May idea na ako sa gagawin sa painting ko at mabuting wala na dito ang subject ko kasi hindi ako makakapag umpisa.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagpipinta, iba talaga nagagawa sa akin ng arts, nakakalimutan ko ang oras, paligid at mga isipin.
Napahikab ako at tumama ang mata ko sa digital clock na nasa side table, nanlaki pa ang mata ko ng makitang alas dos na ng madaling araw. Tumayo na ako sa pagkakaupo at napa aray pa kasi ang sakit ng pwet ko, namanhid ata. Itinabi ko na lang mga gamit ko at pumunta ng banyo.
Mabilis lang akong nag toothbrush at naghilamos at para akong star fish sa kama nang humiga ako.
Pero kahit ano atang pikit ko hindi ako nakakatulog. Galit na bumangon ako ng tumihaya sa kama, kung ano-ano nang pwesto ang ginawa ko pero lumilipad na naman ang isip ko.
Tumunog ang cellphone ko dahil sa pumasok na notification, agad ko iyong kinuha.
SMART
Naiinis na binitawan ko ang phone ko at ibinaon ang mukha ko sa unan.
Hindi pa kasi sya nag tetext kung nakauwi na sya o kung anong nangyari sa kanya, kadalasan naman nag aupdate sya...
Eh, bakit gusto 'mong mag update sayo?
I-text ko kaya?
No way! Akala ko ba gusto 'mong lumayo bakit mo itetext?
Bakit masama 'bang mag alala as a... friend?
Para akong nanunuod ng movie na may palitan ng dialogues sa utak ko! Napapagod na ako gusto ko nang matulog. Mabilis pa sa alas kwatro nang kinuha ko ang phone ko ng tumunog ulit yun.
+639687700xxx
I'm in bed now, are you still awake?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang mabilis akong nag type.
Mikee:
bat ngayon ka lang nag txt?
Matangkad talaga si pagsisisi dahil huli na nang maisip ko at tuluyan ng nag send ang text ko. Naihilamos ko ang kamay sa mukha at halos tumigil ang mundo ko nang makita kung anong nasa screen ko.
+639687700xxx is calling...
Ayokong sagutin pero nauna na ang kamay ko at sinagot na ang tawag nya na agad 'kong itinapat na sa tenga ko. Gusto 'kong sumigaw sa kahihiyan!
"Mikee?" Tunog paos ang boses nya at mukhang pagod.
Bakit pagod? Saan pa ba sya dumaan?
Madiin ang pagkaka kagat ko sa aking labi.
"Hmm..." Nakarinig ako ng pag kilos sa kabilang linya, parang mga kumot. "Mikee... are you there?"
Hindi ko alam kung anong meron sa boses nya pero napapapikit ako ng mariin at pigil na pigil ang hininga ko!
