抖阴社区

Chapter 12

1.6K 72 3
                                    

Trigger Warning: This chapter contains strong language, including slurs and derogatory terms related to the LGBTQ+ community. Reader discretion is advised.

--


Tainted


"Ano kamusta ang mga kuha mo? Ang gaganda diba?" Tinitingala ko sya, mag kasabay kaming naglalakad sa Sta. Cruz, pabalik sa rest house. Nasa dalampasigan na ulit kami.

"Grabe yung tubig dun ang linaw-linaw! Parang ang sarap maligo!" Tuloy-tuloy lang ang lakad namin.

Dahil hapon na, may mga iilan na din na naliligo sa dagat, karamihan mga bata, nagtatakbuhan sa buhanginan o naglalaro sa tubig.

"Oo nga pala, nagugutom ka na ba?" Hindi pa rin sya sumasagot. Kanina pa ako salita ng salita natutuyuan na ata ako ng laway.

Nasa tapat na kami ng rest house. Hindi ko tuloy alam 'kung sasama ako sa kanya sa loob kasi hindi naman sya sumasagot at hindi naman nya ako niyaya, binuksan na nya yung pinto at pumasok na sa loob. Tumingin ako sa dagat. Iniisip pa din ba nya yung nangyari kanina?

Nanlamig ako.

Hindi kaya narealize na nya kung gaano kahirap 'to at nagdadalawang isip na sya? Hindi ko ata kakayanin kung aaminin nya sa akin yun ngayon. Baka pwedeng after Christmas na lang or next year? Or kahit hindi na nya sabihin mabilis naman akong makaramdam.

"Why are you still there?"

Napalingon ako sa kanya. He was standing in the doorway, a deep furrow in his brow, his jaw clenched, and clearly angry.

"Ah, oo pauwi na 'rin..." Sabi ko na natutuliro, tinalikuran ko na sya at nag lakad na paalis, mabilis ang mga hakbang ko. Sa susunod ko na lang sya siguro kakausapin.

Sabi ko na, kaya ayokong masyadong nag eenjoy, dapat tama lang, dapat hindi masyadong masaya. Medyo maliwanag pa naman may masasakyan pa ako.

"Hey!" 

Bago ko pa sya malingon ay hinablot na nya ko pabalik.

"U-uuwi na ko." hinihigit ko ang kamay ko pero hinila nya ako papasok ng bahay. Binitiwan nya ako ng nasa loob na kami at isinara nya ng mabuti ang pintuan.

"Bakit ka uuwi?" Hinarap nya ako. He stepped forward kaya napaatras naman ako.

"Kasi mag gagabi na, h-hinatid lang kita." Halos mabuhol ang dila ko sa mga sinasabi 'ko. Parang hindi ata magandang ideya na nasa ganitong kaliit na espasyo kaming dalawa.

My heart was pounding. I feel like I'm going to have heart failure any minute now.

"Why are you running away? Saan ka pupunta?"

"H-hindi! Bakit naman ako aalis! S-syempre baka hinahanap na ko nila lola." He smiled without humor.

"Try again. I've gotten lola's approval." Seryoso na ang pagkakasabi nya.

Alam mo yung nasa gitna ka ng panganib at dapat seryoso ka lang pero natatawa ka? Ganun yung nararamdaman ko, hindi ko maseryoso yung itsura nya ngayon. Lumayo ako sa kanya at sinundan nya ako ng tingin. Pumunta ako sa kabilang bahagi ng sala.

"Mag-aalala pa din yun!" Nanigingiti na ako at mas lalo syang sumisimangot.

"Why are you laughing?"

Namimilog ang mga mata ko, umiiling.

"Hindi kaya!" Pero natatawa na ako, hindi ko mapigilan ang malaking ngisi na pumupunit sa labi ko.

Tides That Binds Us (Achilles Heel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon