抖阴社区

Chapter 31

1.4K 54 5
                                    

Tired


Sa hinaba-haba ng byahe namin pauwi, hindi ako nakatulog. Hindi na kami dumaan ng rest house at nagtuloy-tuloy na kami ng uwi sa Cavite. Ang van daw nila Caden ang dumaan dun para kunin lahat ng gamit na naiwan sa namin sa rest house.

Nakahiga na ako sa kwarto. Nakatitig sa kawalan habang ang iingay ng mga pinsan ko, nasa loob kami ng kwarto at naglatag na naman sila ng nakaparaming mattress kasi pati ang girls dito na daw matutulog sa kwarto ko!

Lilipat na lang ako mamaya sa baba para dito na sila sa taas mahiga.

Nasa dibdib ko ang cellphone ko, kanina kitang-kita ko ang sunod-sunod na mga tawag at texts messages ni Solomon, it hurts to see his name on my phone, so my cousins quickly blocked his number. Pagkatapos, pati ang laman ng mga social media accounts ko ay nasilip na din namin.

Nabuhay na naman yung issue two years ago pero this time may pangalan na yung taong kasama ko sa video footage, and people are laughing at me for being a fool for the same guy.

Tangina. 

My cousins deactivated all my social media accounts earlier pero nakita ko na ang kaguluhan sa accounts ko, a lot of people are sending me private message, halo-halo pero mas marami ang galit at may mga death threats pa all because... naging boyfriend ko si Solomon. 

Wala silang pakialam kung ako ang dehado, wala silang pakialam kung ako ang niloko at pinag pustahan. To them, it was just a prank, a good bet for a good laugh – entertainment. And I'm the laughing stock for being deceived and believing his intentions were pure and true.

Sino nga 'bang mag seseryoso sa ganitong relasyon, I should have known better. Pero wala eh... mahal ko, 'eh.

Kaya ba ganun na lang nya akong iwasan 'nung January? Kasi nakokonsensya na sya? O baka kasi nagpaplano pa sila?

"This stupid people are not backing down!" Inis na sabi ni Almira, papasok sa kwarto ko, galing syang kusina at naka pajama na. Nakayuko sya sa cellphone nya at galit na nagtatype.

"For real! My phone won't stop ringing!" Initsa ni Charlie ang cellphone nya sa kama ko at pabalayang nahiga. 

Nakabukas ang TV sa kwarto ko, habang nagpa-play ang isang movie, may mga pagkain sa maliit na center table at mga... beer. 

Grabe hindi ko alam kung nagpapaligsahan ba sila kung kaninong atay ang unang susuko. 

Wait, kaya 'bang tanggalin ng alak 'tong nararamdaman ko kahit saglit lang?

"Deactivate your account, guys," si Clereid na prenteng-prenteng nakahiga sa isa sa mga mattress at may subong stick-o sa bibig akala mo yosi.

"Magpagpag ka mamaya ng kama, kapag tayo nilanggam!" Angal ni Kian kasi medyo naglaglagan na ang kinakin nila sa kama.

"Bungal ka ba?" Halos hampasin ni Samson si Reid ng unan sa inis, natatawang tumayo si Reid sa kama at kinuha ang hinubad na tshirt at yun ang pinang pagpag ang kaso nagtalsikan kung saan-saan.

"Tangina! Lalo mo lang kinalat!" Ang lakas ng tawa ni Jamie sa kabilang mattress sa kaguluhan nila kaya naiiling na lang ako.

"Kunin mo yung vacuum!" Tili ni Jodi.

Pinapanuod ko lang sila, nagpapasalamat na hindi nila ako iniwan ngayong gabi. Umuwi na sila Caden, isinabay na din nila sila Tala at Andrei pauwi ng Manila. 

Naramdaman 'kong lumapit sa akin si Charlie, pumuwesto sya sa gilid ko at yumakap sa akin. 

"Pol..." Yun lang sinabi nya pero nag balik sa alalala ko ang nangyari two years ago, ganitong-ganito din kaming lahat nang kumalat sa buong school ang video at ang pagkaisahan ako ng mga tao... sila din ang nasa tabi ko ng mga panahon na iyon. 

Tides That Binds Us (Achilles Heel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon