Boyfriend
Hindi talaga sya nagsasalita o nag open man lang camera nya. Ang tigas naman pala nito pag nagtatampo. Pero natutuwa din ako kasi hindi nya din binababa ang tawag, alam ko din na nasa kabilang linya pa sya kasi maya-maya ko naririnig na gumagalaw sya at bumubuntong-hininga.
Mas lumalalim na ang gabi at mas nalalasing na ang mga pinsan ko, Pasado alas onse na, kahit na may tulog naman ako nagsisimula nang malaglag ang mata ko sa antok at medyo tinamaan na din ako sa iniinom ko.
Mapungay na akong nakayuko sa phone ko, naka on pa din ang camera, mayamaya din ang tawanan namin sa lamesa, nagsisimula na kasing malasing si Juno at nagkukwento na nang nangyari sa bilyaran.
"Duwag yun si Oliver! Matapang lang kasi may kasama, 'nung aambahan ko na, nagtago bigla sa likod ng kasama nya!"
"Tangina natawa nga ako! Imbes na mag init ako lalo sa galit, nanlambot lang ako sa kanya!"
"Bading talaga yun si Oliver! Hindi na lang nya aminin!"
"Puro kayo yabang!"
Nakatingin lang ako sa kanila habang nagpapalitan sila ng sagot. Pulang-pula na si Juno at medyo hindi na steady ang tingin. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at sa phone ko na nasa kandungan ko.
Hindi din talaga ako pwede mag lasing, uuwi pa ako bukas.
"Matulog ka na..." Mahinang sabi ko para sa kanya. "Matutulog na rin ako mayamaya..."
Hindi pa din sya nagsasalita, ang sakit na ng batok ko kakayuko sa phone ko kaya tumingala muna ako at nag stretch, napapapikit pa ako. Para akong magkaka stiff neck.
Bumalik ang tingin ko ng bumuntong-hininga na naman sya. Pero this time, parang nasa tapat na mismo ng mic yung bibig nya. Gusto 'kong mangiti pero pinipigilan ko.
"Cha..." tawag ko sa katabi 'kong ginagawa'nang coke yung Alfonso, nilingon nya ako, lasing na, "Una na ko sa taas, maaga pa ako bukas."
Tumango lang sya sa akin at iwinasiwas ang kamay, pinapalayas na ako. Hindi na 'rin ako napansin ng iba kaya hindi na ako nagpaalam, nananatiling naka bukas ang phone ko at nakatapat sa mukha ko. Thirty percent na lang din ang battery life ko.
"Akyat na akong room..." Pumasok akong guesto room, kinuha ko ang toiletries ko atsaka ako pumuntang banyo.
Ipinatong ko lang yung phone kung saan nakikita nya ako.
"Hindi ka pa din mag oopen cam?" Nilingon ko sya, pero ang tindi, hindi pa din nagsasalita, pero maya-maya naman ang background noise nya. "Antok ka na ba?"
Saglit akong nag toothbrush at naghilamos.
Mapungay na talaga ang mga mata ko. Walang salitang hinubad ko ang tshirt ko dahil amoy alak na ako.
"Damn!"
Nagulat ako ng magsalita sya sa kabilang linya. Mas lumapit ako sa camera, kita ang dibdib ko pababa sa puson.
"Hala, anong nangyari sayo?" medyo nag alala ako baka kasi kung anong nangyari. Hinintay ko pa na magsalita sya pero wala talaga.
Mabilis akong nagpalit ng sando bago lumabas ng banyo. Sumalampak ako sa kama, naka taas ang kamay ko habang nakatapat sa akin yung camera.
"Hindi mo talaga ako kakausapin?" medyo nagtatampo na ang boses ko, hindi ata ako sanay na ganito sya katahimik sa akin. "Paano yan? Uuwi na ako bukas ng Cavite tapos galit ka pa sa akin..."
Tumagilid na ako ng kama 'nang mangalay. Ang lapit na ng mukha ko sa camera kaya kitang-kita ko na ang pamumula ng mga labi at pinsgi ko. Medyo tumatabon pa sa mata ko ang bangs ko.
