Trigger Warning: This chapter contains strong language, including slurs and derogatory terms related to the LGBTQ+ community. Reader discretion is advised.
--
Eyes
There's probably nothing more enjoyable than a vacation in the province. Delicious food, clean, fresh air, lush surroundings, the sea, and then being able to wake up late because there's no school tomorrow.
Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto, halos isang oras na ata akong tulala.
Naiisip ko kasi yung mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Parang ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko.
'Totoo pala yung Whirlwind Romance 'no?
Wait, matatawag na ba na romance yun? Wala naman kaming napag uusapan. We act as if it's natural for the both of us. I'm not in a rush either. Tsaka medyo naduduwag na akong magtanong...
Pinaglalaruan ng kanang hintuturo ko ang lower lip ko habang nag iisip.
'Nung bata ako kapag nakakaranas ako ng masyadong kasiyahan, alam ko na ang susunod 'nun, iiyak ako. Para syang natural na nangyayari. Kung minsan hindi ko agad napapansin na sobrang saya ko na pala, makikita ko na lang ang sarili 'kong umiiyak na.
Isa din ata 'to sa talent ko. Magaling akong mag overthink.
"Mikee, nak..." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas yun. Sumilip si Lola, nakangisi.
"La..." Antok-antok pa akong ngumiti sa kanya. Pupungas-pungas akong umupo na sa kama.
Hinahangin pa ng electric fan yung buhok ko tumutusok sa mata ko. Tumayo ako at dumiretso sa salamin, humihikab. I grabbed one of my hair ties at basta na lang itinali sa bangs ko.
"Almusal na Mikee, labas ka na dyan..." Humihikab akong tumango kay lola at umunat.
Wearing only my boxers and a white sando, I roamed around the house and went straight to the kitchen to open the refrigerator.
Kumuha ako ng mogu-mogu na agad 'kong binuksan at ininum.
Si Lola busy na mag handa ng pagkain.
Nang halos makalahati 'ko, bumalik ako sa sala, may cable sila Lola pero walang Netflix, iba kasi ang gamit nila dito.
Kinuha ko ang remote, itinapat sa TV at binuksan. Napapatulala pa ako saglit.
Anong channel ba yung Sponge Bob-
"Mon, upo ka na dito sabay na kayo ni Mikee..." Narinig 'kong sabi ni Lola mula sa kusina. Sinong kausap nya? Napalingon ako sa lalaking prenteng nakaupo sa dulong sofa ng sala, halos mapatalon ako ng makitang si Solomon 'yun!
"Anak ng pucha-" halos ihagis ko sa kanya yung remote.
Natawa sya sa reaksyon ko at alam 'kong nangangamatis na ako sa pula! Nakakahiya!
"Goodmorning, Mikee..." He smiled teasingly, his eyes roaming my appearance, but I immediately turned my back on him.
Papasok na sana ako ng kwarto ng mapaisip ako, anong gagawin ko sa kwarto? Magpapalit? Bakit magpapalit? Maayos naman ang suot ko? Atsaka wala akong muta chineck ko kanina sa salamin bago lumabas.
I faked a cough at lumingon sa kanya at ang kumag ang sarap ng ngisi.
"Kain na daw." Tawag ko at imbes na sa kwarto, sa kusina na ako dumiretso.
Naramdaman ko na nasa likod ko na sya. Hinila nya ang isang dining chair bago ko pa magawa at pinapaupo ako kaya hindi na ako nag inarte.
Pumunta si Solomon kay Lola at sya ang kumuha ng isang bandehadong kanin. Akala mo isang pulutong ng construction worker ang kakain.
"Oh, heto nagluto ako ng kalderetang manok at may lechong kawali din." Inilapag ni Lola yung mga ulam sa lamesa. Mukhang nakapag pakatay na nga si lolo.
Tatayo sana ako para tumulong pero pinigilan na nya ako. Naglapag pa si lola ng sliced apples sa harap ko.
"Umupo ka na dyan, Mikee, ako na." Sabi ni lola at sya na talaga ang nag asikaso kaya hindi na ko nag pumilit.
Solomon opened the refrigerator at kumuha ng isang pitsel na tubig, mga baso at kutsara tapos ay bumalik sa tabi ko.
"Kain na kayo dyan, pupuntahan ko sila Lolo nyo kila Andeng, maraming lulutuin 'don ngayon."
"Kumain ka na po, la?" tanong ko kahit alam ko naman.
"Sus! Kanina pa, ala singko pa lang gising na kami. Ayan si Mon ang gutom na, kanina pa yang alas otso dito. Ayaw naman kumain at hihintayin ka daw." Agad na napalingon ako kay Solomon namimilog ang mata ko pero busy sya magsandok at maglagay ng kanin sa plato ko.
"Hala! Bakit hindi nyo po ako ginising, la?"
"Ang sarap ng tulog mo kaya! Sumama sya kila Andeng at sya ang pinahuli ko ng mga manok na iihawin mamaya." Masayang sabi ni lola.
Mas nanlaki ang mga mata ko!
Nanghuli ng ano?!
"Huy!" Tinapik ko ang balikat nya pero natawa sya.
"Let's eat first, it's already eleven," naiiling na sabi nya pero nakangisi.
"Tagal nya ngang nakahuli, akala ko tutulungan pa ni lolo mo." tawang-tawa si lola, parang hihikain na sya.
Natawa na din tuloy ako. Ang sabi alas diyes sya pupunta pero napaka aga naman ng lalaking 'to mangapit-bahay!
Nagpaalam na si Lola na lalabas kaya kaming dalawa na lang ang naiwan sa bahay. Tinignan ko sya, natatawa.
Hindi ko maimagine na nanghuli sya ng manok kanina!
"Kumain ka na." Masungit na sabi nya kaya lalo akong natawa.
"Sana nandun ako na videohan sana kita!" Ako naman ang halos hikain.
Napapangiti na sya sa tawa ko, naiiling.
"You look cute with that hair tie thou," Napahinto ako sa pagtawa. Sya naman ang nakatingin sa akin, alam nya talaga paano ako patahimikin eh no.
Agad akong napaayos ng upo, nag init ang mukha ko. Tatanggalin ko na sana yung tali ko pero hinawakan nya ang kamay ko, pinipigilan ako.
"No, it looks cute on you..."
"Nang-aasar ka eh-" Natawa sya.
"Kakain pa tayo, sasayad sa mata mo." Hindi nya pa din binibitiwan ang kamay ko.
"Oo na!" binawi ko ang kamay ko. Buti na lang cute ka.
Nang matapos kumain, mabilis akong naligo at nag ayos, may lakad nga pala kami at tanghali na.
Nakasakay na kami sa bao-bao.
He's wearing black khaki shorts, a loose white long-sleeved button-down shirt with the chest buttons open, shades, and his gold necklace is visible. He has on black hiking sandals and a black leather crossbody bag for his camera.
He looks hot.
Turistang-turista ang dating. Burgis. Parang hindi pa ako makapaniwala na ako ang kasama nya.
Mukha kasi ata akong pulubi sa tabi nya.
I'm wearing an oversized pastel pink t-shirt, khaki shorts, sunglasses, and a white bucket hat. I'm also wearing sneakers.
May mga destinations na sya na need puntahan pero dahil sa limited lang ang time namin doon lang kami sa malalapit.
Isa lang ang napatunayan ko, he takes his job seriously. May dala din syang Drone kaya tuwang-tuwa ako. May kasama kaming dalawang tour guide. We rented a small motorboat to travel to the specific island. Na aminado akong ngayon ko lang nakita!
Ang ganda parang paraiso. Pati ako napapakuha ng mga picture and videos ng views. Pasalubong ko kay mama!
Busying busy ako sa pagvivdeo ng mahagip ng camera ko si Solomon, nakatayo sya sa malayo, he is bowing down on his camera, salubong ang kilay at inaaninag yung mga shots nya.
He looks so serious and intimidating. Ang tindig nya sa malayo ay sobang tikas. His presence commanded respect, excluding the need for imposed authority. I secretly took a video of him. This is just for my eyes.
Kinunan ko din sya ng mga solo shots nya, walang tapon. Akala mo-pag aari nya yung kinatatayuan nya. Napapangiti ako habang isa-isang tinitignan ang kuha ko sa kanya. Ang gwapo. Pwede ko kaya ibenta 'to?
"Are you bored?" Nakatayo na pala sya sa harapan ko hindi ko napansin, nakaupo ako sa shawl na sinapin ko sa buhanginan, nakasilong sa mga punong niyog habang naghihintay sa kanya.
"Sir, palihog lang ko og ingon kung muuli na ta, didto ra mi sa lancha." sabi ni kuyang tourisst guide. Solomon looked at me, halatang walang naiintinidhan.
Ngumiti ako kay manong.
"Sige po." Tumango sya at iniwan na kami.
"What did he say?" Umupo sya sa bandang likuran ko. Pinagitnaan nya ako ng mga hita nya.
Hindi ako makapag salita dahil hinihintay ko ang mga kilos nya. Naramdaman ko ang hininga nya sa batok ko. He feels so close. Halos manghina ako ng maramdaman ko ang kamay nya na lumusot sa tagiliran ko, holding my waist, pulling me against him.
Hinding-hindi ata ako masasanay sa kanya, kusang bumaba ang braso ko at pumatong sa braso nyang nakayakap sa akin. Then he placed his face on my left shoulder.
"Translate what he said for me, please? I didn't get any of that, hm?"
"A-ah, hihintayin daw nila tayo sa lancha after mo dito."
He hummed in understanding.
"Saw you taking pictures earlier, patingin?"
Humigpit ang hawak ko sa phone pero napag pasyahan na ipakita ko na lang sa kanya yung mga pictures lang.
"You took great pictures," he praised pero umikot lang ang mga mata ko. I'm getting comfortable sa pwesto namin.
Walang masyaong tao at nasa dulo kami naka pwesto.
"Syempre, sasabihin mo yan ikaw yan eh."
He chuckled, then pressed a kiss to my shoulder. I bit my lip instinctively.
"No! You're really good at this. We'd make great partners, what do you think?" Inilipat-lipat pa nya ang mga pictures na kuha ko kanina hanggang sa napunta yun sa mga selfie ko kanina lang dito sa lancha at dito sa ilalim ng puno, nagtagal ang mga tingin nya doon.
"Please send this to me," he said after a short pause.
"Yung mga pictures mo?"
"Nah, I see myself all the time. I meant your pictures."
Nakakahiya!
"Ayoko nga!" Aagawin ko na sana ang cellphone ko pero hindi nya binibigay.
"Airdrop it to me now, please."
Gusto ko pang mag reklamo pero mas pinili 'kong sundin sya. Picture lang naman yun, Mikee! Tahimik lang sya sa likod ko habang ginagawa ko yung pagsesend.
"Done."
"Take a picture of us, on my phone this time." I just nodded and did it.
I extended my arms, he pulls me again palapit hanggang sa nakasandal na ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi ko pero hindi dahil sa init.
He looked like a predator behind me, clawing at his prey.
He had a sharp nose, and subtle stubble. His brown eyes were especially vibrant, and when he smiled, his dimples appeared, accentuating his long canine teeth. Like the gentle curve against the defined edge, our differences blend into something perfect. And, of course, I'm claiming that perfection as ours.
Yung mga boboses may pila doon sa likod.
Tinignan nya rin yun isa-isa nang makuntento I asked if tapos na sya. He nodded. Tumayo na ako ang kaso na out balance pa ako dahil tumagilid ang tayo ko sa buhangin.
Napatili ako.
"Fuck!" ang bilis nyang nakahawak sa bewang ko. Natawa ako napakapit sa balikat nya, pakalampa talaga!
"Tara na alas kwatro na hindi tayo pwedeng gabihin sa laot." Tinalikuran ko sya sa kahihiyan pero he reached for my hand this time, pinagbuhol nya ang mga daliri namin.
"Let's go." At nauna na syang maglakad.
He didn't let go of my hand kaya hindi rin ako bumitaw hanggang makalapit kami sa lancha na nirentahan nya.
Habang papalapit kitang-kita ko ang palitan ng tingin ng dalawang guide, they're locals here at may mga edad na.
Nagtawanan sila, napapailing.
Napalunok ako.
I attempted to withdraw my hand, but his grip remained firm.
He assisted me in climbing up again.
Sumala pa ang paa ko kaya he just hold my waist at iniangat ako. Namumula ako, nakatingin pa yung dalawang matanda sa akin.
"Mga bayot man diay ni sila." (Mga bakla pala sila.) At nagtawanan sila. Nanigas ako sa pagkakatayo.
Pumasok na din si Solomon.
"Makalagot, mura'g wala na gyu'y tinuod nga mga lalaki karon sa kalibutan." (Nakakainis, parang wala na talagang tunay na mga lalaki ngayon sa mundo.) Nagtawanan na naman sila, napapailing pa.
Disgust was written on their face.
Solomon looked at me concerned kasi natigilan ako.
"Kung ang akong anak kay laki-laki, lunuron na lang nako para mawala na, o basin pa'g motinar pa." (Kung ang anak ko ay maging parang babae (o bakla), lulunurin ko na lang siya para mawala na, o baka sakaling maging tuwid pa.)
Siguro akala nila hindi ko naiintindihan.
"What happened, are you alright?" Lumapit sya sa akin, he tried to reach for my elbow, but I avoided him.
I felt cold all over.
Hindi 'rin siguro nya narinig ang mga sinasabi nila at hindi 'rin naman nya maiintindihan. Mas mabuti na iyon, ayokong maintindihan nya ang mga 'to.
Umiling ako at umupo na. Saglit syang natigilan. Tiningala ko sya, his eyes are critical.
He clenched his jaw, lumipad ang mata nya sa dalawang guide na nagtatawanan.
"Wala ko kahibalo nga naa diay bayot nga paryente si Romy. Kana tingali to ang taga Manila." (Hindi ko alam na may baklang kamag-anak pala si Romy. Iyon siguro yung taga-Maynila.) Halos hindi ko na masundan ang sinasabi nila pero alam 'kong nabanggit nila si Lolo dahil kilala sya dito sa Isla.
"Mga bayot man diay ni sila." (Mga bakla pala yan sila.)
"Is that how you treat the tourist here, insulting them?" his voice thundered hindi na nakapag pigil.
Natahimik ang dalawang guide pero pupusta akong hindi nila masyadong naintindihan dahil nagtinginan lang sila, napapailing and then they started the boat.
Mabilis 'kong inabot ang braso nya.
"Sol, let's just go home, please."
Niyuko nya ako. He looked hurt and mad. He pursed his lips then nodded. He reached for my hands, holds it tightly at umupo sa harapan ko as if shielding me.
"Don't listen to them, Mikee. Don't let their words affect you." Hindi ko alam na nanginginig na pala ako.
I nodded. Then, he bowed his head and kissed my knuckles na ikinailing ng dalawang matanda.
"Eyes on me, baby. Just me..." he whispered, his warm brown eyes searching mine. I nodded, smiling softly.