“Ang simple noh.”
“Alin?” I asked her.
“Ng mga wishes ko.” She licked on one of the Thumbs Up ice creams she has. I saw it was strawberry. At least, sa kanya na nanggaling.
“Yeah. I thought you would give me hard or even impossible wishes,” I jokingly said to her as I licked on the second to the last chocolate Thumbs Up ice cream.
“Ayaw ko kasing pahirapan ka pa. Simple lang naman din kasi ang gusto ko ngayon.”
“And that is?”
“Makita mo ang normal na buhay ko.”
“This is your life?”
“Oo. Mula sa bahay namin hanggang dito sa kinauupuan natin, iyan na ang depenisyon ng buhay ko.”
So this is how her life revolves. I find it so simple though.
----- O -----
ROSE
Bago ako umuwi, dumaan muna ako ng Quezon City Circle just to unwind. It was already in the afternoon kaya mas kumportable maglakad-lakad sa park.
Habang naglalakad ako, may nakita akong magkasintahan na sumasayaw sa gitna ng park. Wala namang tugtog pero masaya silang sumasayaw. Mukha ngang nagpra-practice sila ng sayaw eh. Bakas sa mukha nila na masaya sila sa ginagawa nila. Napangiti tuloy ako kasi ang sweet nila.
Then, naalala ko yung time na nandito din kami ni Erik. Dito niya ako sinayaw bigla para ituro ang Step Three.
“Come here, Rose,” alok niya sa akin. “I’ll show you Step Three in action.”
“Wow! Baka may mobile bookstore kang inarkila diya para mapakita mo ang Step Three.” Pabiro kong sabi sa kanya.
“No, I’ve got something better,” may confidence niyang sinabi sa akin. “Something no one else ever did to you for sure.”
Huh? Ano kaya ang pinagsasabi nito? Lumalabas na naman ang pagkamayabang niya. Hindi pala! Pagkamahangin. Humahangin yung kayabangan sa boses niya. Pero sige, pagbibigyan ko itong si Erik sa gagawin niya.
Hawak ang aking kamay, naglakad kami papunta sa kotse niya. Nang papalapit na kami sa kotse, bigla siyang huminto. Nagtaka ako kung bakit.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
“Do you know how to dance?” Tanong niya sa akin.
“Hindi,” sabi ko kay Erik habang hawak niya ang kamay ko. “Hindi ako marunong sumayaw. Parehong kaliwa ang mga paa ko.” Nakangiti pa ako kahit na nahihiya akong sabihin na hindi ako marunong sumayaw.
“I’ll teach you,” sabi niya sa akin nang naka-ngiti. “If you can learn how to write, you can learn how to dance for sure.”
Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking kamay at pumunta sa kanyang Honda Civic. May inayos siya bigla sa kotse niya. Suddenly, may nag-play na kanta mula sa speaker ng kotse niya: Kung Akin Ang Mundo ni Erik Santos!

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 43
Magsimula sa umpisa