抖阴社区

Chapter 9

328 4 2
                                    

ROSE

Maaga akong ginising ng tawag mula sa car service center. Puwede ko na raw kunin ang kotse namin. Sa wakas! Hindi na ako magpapakahirap mag-commute. Kaya mabilis akong nagbihis para makaalis.

Pagdating ko sa car service center, dumiretso ako sa reception area para hanapin ang service advisor kong si Sir Jonathan. Tinuro naman sa akin ng receptionist si Sir Jonathan na may kausap na lalaking naka-business casual attire: Naka-coat, maong pants and leather shoes ang suot.

"Sir Jonathan!" Tawag ko sa kanya sabay kaway. Nakita niya ako at nagpaalam saglit sa kausap niya.

"Hi, Ms. Mendoza. Ayos na ang auto mo. Good as new na ulit." Nakangiti siya sa akin. Parang mas tuwang-tuwa pa kaysa sa akin.

"Salamat, sir. Pwede ko na bang makuha?"

"Ah... Eh.... Hindi pa pwede, miss. Pasensya na."

Nagtaka ako. "Bakit hindi?"

"Pakitanong na lang po sa kanya, ma'am," sabi sa akin ni Jonathan sabay turo sa lalaking kausap niya kanina. "Siya po ang may ayaw ipalabas ang kotse mo."

Sumimangot ako bago ko pinuntahan ang lalaking iyon. Aba! Anong dahilan niya para hindi ma-release ang kotse ko? Hoy! Bayad na bayad na ang kotse ko. Plus, bayad na rin ang services niyan.

"Excuse me! Bakit hindi pwedeng ilabas ang kotse ko? "

Lumingon ang lalaking naka-business casual attire. Inalis niya ang suot niyang shades at ngumiti sa akin.

"It's because you won't need your car for the time being," sinagot sa akin ni Mr. Erik Dela Rosa. Magkahalong gulat, inis at tuwa ang naramdaman ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Erik.

"Pina-hold po muna niya ang release ng car mo until tomorrow." Singit ni Sir Jonathan.

"Hold?" Tanong ko. "Pumayag kayong i-hold niya? Bakit?"

"Because we're going on a date," sagot ni Erik saka niya nilabas ang isang nakakakilig na ngiti.

DATE? OMG! Hindi ko alam ang magiging reaction ko dahil naghahalo na silang lahat sa isip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at medyo uminit ang pakiramdam ng pisngi ko. Ano kaya ang pumasok sa isip niya at nagyaya siyang makipag-date sa akin?

"So, let's go?" Tanong sa akin ni Erik nang nakangiti.

"Ah... Eh..."

"'Yes' or 'no' only, Rose. There's no such thing as 'ah' and 'eh'."

Ano ba ang isasagot ko? Magpapakipot ba ako?

Huwag na! Let's get it on na!

"Let's!" Hinila ko ang kamay niya at nagsimulang lumakad papalabas ng car service center.

"Enjoy po kayo, ma'am, sir!" Sigaw sa amin ni Jonathan. Narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Kinilig pa yata silang lahat.

Tumungo kami ni Erik sa kanyang Honda Civic. Nakuha na din pala niya ang kanyang kotse. Pagkasakay naming dalawa, binuksan niya ang makina nito. Tumingin lang ako sa kanya nang nakangiti. Tumingin din siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Ano ito? Kiss kaagad ang bungad? Napapikit ako.

Narinig ko ang isang click. Binuksan ko ang aking mga mata at nakitang kinabit lang pala niya ang seatbelt ko.

"Seatbelt for safety," sabi ni Erik sa akin sabay ngiti.

"Thanks," sagot ko sa kanya. "Saan tayo magde-date?"

"You'll soon find out," sagot niya sa akin. "Just trust me."

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon