ROSE
5:30 AM. Unang Lunes ko na walang trabaho after three years. Hindi ako obligadong gumising sana ng maaga dahil wala naman na akong trabaho. Pero may nagsabi sa akin ng gumising ako ng maaga para magkita kaming dalawa ng maaga. Sino pa ba ang tinutukoy ko kung 'di si Erik?
Kahapon, tumawag sa akin si Erik habang nagsisimba kami ng mga kapatid ko at tita namin.
Nagho-homily si Fr. Parish Priest nang biglang tumunog ang cellphone ko. Patay-mali siya ako noong una pero tumingin na sa akin ang mga kapatid ko pati si Tita Gina. Sinesenyasan akong sagutin na ang tawag dahil nakaka-distract na sa misa. Tumitingin na rin si Fr. Parish Priest sa lugar namin kasi nakaupo kami malapit sa harapan. Tumayo ako at lumabas ng simbahan para sagutin ang tawag.
"What's taking you so long to answer your phone?" Ang ganda naman ng bungad sa akin ng lalaking ito. Di ba pwedeng 'hello' muna?
"Tanga!" Sagot ko sa kanya ng pabulong. "Nasa simbahan kami ngayon. Bakit ka tumatawag? Nami-miss mo na ba ako? Huwag kang mag-alala kasi—"
"I don't miss you," pinutol niya ang pagsasalita ko. "Stop assuming things. I just want to tell you that we should start early tomorrow if you want to write your romantic love story. Be here in my condo at exactly 7 AM. Alright?"
"Grabe naman ang aga!"
"Basta. Be here at 7 AM. And don't eat breakfast."
"Over ka! Bakit hindi ako kakain ng almusal? Papagisingin mo ako ng maaga tapos di mo pa ako papakainin? Ano ito? Involuntary servitude?"
"Stop asking questions. Just make sure you follow what I said, okay?"
"Okay. Pero—"
May sasabihin pa sana ako pero naputol na ang linya. Bastos na lalaki! Nakakainis! Magkakasala talaga ako sa ginagawa niya!
Iyan ang kuwento kaya maaga akong nagising ngayon. Kinuha ko ang aking tuwalya at dumiretso sa banyo para maligo. Ang lamig ng tubig kaya inabot ako ng mahigit isang oras sa banyo. Nagbihis ako nang mabilis at dali-daling pinatuyo ang buhok ko. Mag-6:35 AM nang bumaba ako mula sa aking kuwarto. Nakita ko si Tita Gina na hinahanda pa lang ang almusal naming magkakapatid.
"O, ang aga mo yata? Saan ang punta mo?" Tanong sa akin ni Tita Gina.
"May importante lang akong pupuntahan, Tita," sagot ko sa kanya sabay papak ng isang pirasong hotdog.
"Hindi ka ba mag-aalmusal?"
"Hindi na po. Male-late na ako sa lakad ko."
"Sige. Nga pala, nabayaran ko na ang kuryente . Iwanan mo na lang ang baon ngayon ng mga kapatid mo."
Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng pera para sa baon ng mga kapatid ko. Binigay ko ang mga ito kay Tita Gina.
"Umuwi ka kaagad ha. Huwag kang magpagabi." Paalala sa akin ni Tita Gina.
"Yes, Tita. Alis na po ako." At lumabas na ako ng bahay.
Wala pa rin ang kotse namin dahil nasa car service center pa. After two weeks ko pa daw makukuha dahil ang lalim daw ng dent at gasgas kaya kailangan pagtuunan ng pansin. Di daw kakayanin ng masilya lang. Kaya tiis ako sa napaka-gandang transport system ng Metro Manila.
Mabuti na lamang at nakasakay agad ako ng taxi. Dali-dali kong sinabi ang pangalan ng condo nina Erik at humarurot din ang taxi driver sa pag-drive. Mukhang may hinahabol si Manong Driver. Well, hinahabol ko rin naman ang 7 AM call time ni Erik.
6:55 AM. Nakarating ako sa labas ng condo nina Erik. Nagbigay ako ng eksaktong bayad kay Manong Driver dahil wala namang heavy traffic.
Pumasok ako sa reception area. Nakatayo ang receptionist na mukhang inaantok na.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...