CHAPTER 56
ROSE
Pagkarating ko sa bahay, humalik muna ako kay Daddy at Mommy bago ako dumiretso sa aking kuwarto. Nilapag ko na lang sa sahig ang gamit ko at tinapon ko ang aking sarili sa kama nang nakadapa. Sinubsub ko ang aking mukha sa unan. Nagsimulang mag-flashback ang mga nangyari mula nang magkita kami muli ni Erik.
Naalala ko yung birthday ni Tita Nang kung saan naglabas ako ng hinanakit sa kanya sa pamamagitan ng pagkanta. I admitted then na talagang na-miss ko siya. Ngunit, may kirot pa rin ang pagkikita namin noon dahil sa hindi ko makalimutan ang sakit na ginawa ni Erik sa akin. Naramdaman kong may lumabas na luha sa aking mata.
Nagbago ang scene sa isip ko at napunta kami sa field trip na kasama namin si Racky. Noong una, hindi ko matanggap ang muli naming pagsasama ni Erik. Ngunit, the moment sa Puno ng Lolo at Lola ni Erik ang nagbigay ng malaking pagbabago sa attitude ko noon kay Erik. Naging masaya ulit ako sa piling niya. Tulong na rin siguro ang napaka-gentle na aura ni Racky.
And then, bumalik ang scene kanina sa Quezon City Circle when we danced again. Inamin ni Erik na ginagawa niya ang lahat para sa aming dalawa. Para magkabalikan kaming dalawa sa isa't isa. He's willing to do everything for me, even taking the difficulties. And he's also willing to wait for me again, just like what he did noong hinintay niyang sagutin ko siya. At this point, hindi ko napigilang tumulo ang isa pang luha.
Hinarap ko ang aking sarili para tumingin sa kisame. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganitong pagkagulo ng isip? Bakit ko iniisip ang mga bagay na ito sa aming dalawa ni Erik? Bakit kahit masakit, kahit nasaktan ako, kahit iniwan ako ni Erik, bumabalik unti-unti ang aking damdamin para sa unang lalaking minahal ko ng sobra? We've been separated for three months. But he made me feel this way again in a matter of days.
Sa gitna ng aking magulong pag-iisip, may kumatok sa aking pintuan.
"Anak, puwede bang pumasok?" Pakiusap sa akin ni Mommy.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na kailangan sumagot dahil papasok naman talaga si Mommy no matter what. As expected, bumukas ang pinto at nagpakita ang concerned na mukha ni Mommy.
"Mommy," tanging sabi ko sa kanyang pagpasok.
"May pagkain sa baba. Hindi ka ba kakain?" Tanong sa akin ni Mommy.
Umiling na lang ako habang nakayuko bilang sagot.
"Tumawag kanina lang sila Rachel at Lenny. Iniwan mo daw sila sa Quezon City Circle."
Hindi ako umimik pagkatapos sabihin iyon ni Mommy. Nakalimutan ko man na kasama ko kanina sina Rachel at Lenny, kinailangan kong umalis na lang dahil napaka-overwhelming na ng emotions ko dahil kay Erik.
"Si Erik ba?"
Tumingala ako para tingnan si Mommy. Nabasa na niya marahil ang nasa isip ko. Tumango na lang ako sa kanya. Ngumiti sa akin saka lumapit sa kama para umupo sa tabi ko. Binangon ko ang aking sarili para makaupo.
"Wala namang mababago kung gugutumin mo ang sarili mo, anak," sabi sa akin ni Mommy.
Sa panahong iyon, sumagi sa aking isipan ang kinuwento sa akin ni Daddy noon tungkol sa kanilang dalawa ni Mommy. Tumingin ako sa kanya.
"Mommy, may tanong ako?"
"Ano iyon, anak?"
Yumuko muna ako sabay fold ng paa ko. Pinalipot ko rito ang aking mga kamay na parang niyayakap ito bago ako tumingin ako sa kanya at nagsalita muli.
"Ano ang pakiramdam noong iniwan ka ni Daddy?"
Napangiti lang sa akin si Mommy. "Sabi ko na nga ba, itatanong mo sa akin iyan."

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...