抖阴社区

Chapter 27

275 1 0
                                    

ROSE

6:00 AM. Maaga akong gumising dahil ngayon ang alis ni Erik papuntang New York. Mamayang 11:00 AM ang flight niya. Pinapapunta ako ni Erik sa condo unit niya para matulungan daw siyang mag-impake. Girlfriend duties ba tawag dito? Nagpaalam muna ako kay Daddy at Mommy na pumayag naman kaagad. Mabilis akong naligo at naghanda. Nag-kiss muna ako kay Daddy at Mommy bago ako umalis.

Pagkarating ko ng condominium ni Erik, tumungo kaagad ako ng elevator. Nilista ko sa aking isip ang mga dapat dalhin ni Erik. Hindi man ako nakabiyahe by air pero alam ko naman kung ano ang mga dapat dalhin sa mga two-week travels. Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko napansin na nakarating na ako sa floor ng condo unit ni Erik. Pagkalabas ko, may nahuli kaagad na isang kakaibang bagay ang aking mga mata: isang post-it note ang nakadikit sa pader ng mismong harapan ng elevator door. Nilapitan ko iyon at binasa ang nakasulat:

I wish I could tell you...

Anong ibig sabihin niyon? Sino kaya ang nagsulat at nag-iwan niyon sa pader? May isang arrow sa ilalaim ng mga salita na nakaturo sa isa pang post-it note. Nilapitan ko iyon at binasa ang nakasulat doon.

...how this particular girl changed my life...

Particular girl? Uhm. Ako ba ang tinutukog ng post-it note na iyon? Ayaw kong mag-assume kasi. May isang arrow ulit na nakaturo sa direksyon ng sa isa pang post-it note. Mga isang pulgada ang layo niyon mula sa pintuan ng unit ni Erik.

...and taught me to live and love again...

May arrow ulit na nakaturo na sa direksyon ng pintuan ng condo unit ni Erik na may isa pa ring post-it note na nakadikit doon. Tinungo ko iyon at binasa iyon.

...that is why instead of telling you in words...

May arrow na nakaturo sa baba. Tumingin ako roon at nakita ang isang post-it note sa sahig. Binaba ko ang aking sarili para kuhanin iyon.

...I'll introduce her to you.

P.S.: Open the door.

Medyo nagtaka na ako. Pinihit ko ang doorknob upang buksan ang pinto ng unit ni Erik. Pagkabukas ko ng pinto, napansin ko na nakapatay lahat ang ilaw ng condo unit ni Erik. Ngunit, may dalawang hilera ng mga kandila na gumawa ng isang daan papasok ng kanayng condo unit. Ipinagtaka ko pa na may mga rose petals na nakakalat sa floor. Dahan-dahan akong naglakad sa daang binuo ng mga kandila.

"Erik?" Walang sumagot. Tahimik lamang ang buong condo unit niya. Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may makita akong isang hilera ng post-it notes. Isa-isa ko itong pinulot at binasa ang mga iyon.

She's smart (Note #1)

She's feisty (Note #2)

She's lovely (Note #3)

She's hard-headed (Note #4)

She's irritating (Note #5)

She's straight-forward girl (Note #6)

She's truthful (Note #7)

And finally, which I am so sure... (Note #8)

Iyon ang huling post-it note na napulot ko. Hindi ko napansi na nakarating ako sa living room ng condo unit ni Erik. Doon din ang natapos ang hilera ng kandila dahil isang grupo na mga kandila na naka-hugis puso ang tumambad sa akin. Bubuksan ko na sana ang blinds para lumiwanag sa condo unit ni Erik nang biglang marinig ko ang boses ni Erik na aking ikinagula.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon