ROSE
Napagdesisyunan kong puntahan si Erik ngayong araw. Limang araw na walang komunikasyon? May ibig sabihin na ito. Kailangan ko na siyang puntahan dahil na rin sa napag-usapan namin ni Rachel na dapat malinaw na malinaw sa aming dalawa ang deal. Mabilis akong naligo at nag-almusal bago ako umalis ng aming bahay. Sumakay ako ng taxi papunta sa condo unit nina Erik. Hindi pa masyadong trapik kahit na malapit na magtanghali.
Nang makarating ako sa labas condominium nina Erik, diretso lang akong tumungo sa elevator at pinindot ang Level 45. Chorus ng "If You Asked Me To" ni Celine Dion ang tumutugtog sa elevator.
Pagkarating ko sa 45th Floor, napansin kong nakabukas ang pinto ng condo unit ni Erik. Kinabahan ako bigla. Baka may di-kilalang tao ang pumasok sa condo unit niya. Anong gagawin ko kapag naroon pa ang trespasser? Paano kung magnanakaw? Mas malala kung serial killer! Ano ba itong naiisip ko? Ang morbid!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tumambad sa sahig ang isang white t-shirt, isang grey na polo at isang pantalon sa pasilyo patungo sa kusina. Pagkarating ko ng kusina, nakita ko ang isang pares ng Fred Perry shoes sa loob ng lababo at nababasa ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig mula sa gripo. Sinara ko muna iyon.
Tumungo ako sa living room at nagulat ako sa aking nakita. Basag ang LED TV at nakataob ang lazyboy chair. Mas lalo akong kinabahan kaya kumuha na ako ng kutsilyo mula sa kusina.
Hawak ang kutsilyo, pumunta ako sa kuwarto ni Erik. Sinandal ko muna ang aking likod sa pinto ng kuwarto ni Erik. Huminga ako ng malalim saka ko mabilis tinulak ang pinto gamit ang likod ko.
"ERIK!" Sigaw ko. Laking gulat ko nang makita na nakadapa si Erik sa tabi ng kanyang kama. HUBO'T HUBAD! Binaba ko muna sa isang tabi ang hawak kong kutsilyo. Hinila ko ang kumot mula sa kama niya at tinakpan ang puwet niyang nakatambad sa aking harapan. Mahirap na! Baka mag-react ang kanyang pagkalalaki sa likuran nito.
In-obserbahan kong maigi si Erik. Wala namang bakas ng galos o sugat katawan niya. Biglang nag-burp si Erik. Doon ko naamoy ang magkakahalong alak mula sa kanyang hinihinga. Hay. Nagpakalasing si Erik panigurado. Hinawakan ko ang kanyang ulo para makita kung may sugat doon. Grabe! Ang init ni Erik!
"Erik! Nilalagnat ka." Sambit ko sa kanya. Tumayo ako at inisip ang gagawin. Habang nag-iisip, gumalaw si Erik at nagsalita.
"Rose, please get out."
Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan ang ulo niya.
"May lagnat ka tapos papalabasin mo ako?"
"Do you want to see my manhood when I put myself to bed?" Tanong niya sa akin. Na-gets ko kaagad ang sinabi niya.
"Ah... Sige," sagot ko sa kanya. "Ilipat mo na ang sarili mo sa kama. Maghahanda lang ako ng bimpo at mainit na tubig dahil nilalagnat ka."
"How do you know? Are you a doctor?"
"Hindi ko kailangan maging doctor para malaman kung nilalagnat ka o hindi."
Pinilit ni Erik bumangon. Tinulungan ko siya na makabangon sa sahig. Sinara ko na lamang ang aking mga mata hanggang sa makaupo siya sa sahig. Tinakpan niya ng kumot ang pagitan ng kanyang legs.
"I can do this, Rose," sabi sa akin ni Erik. "You might see it."
"Okay," sagot ko bago ako lumabas ng kanyang kuwarto. Mas concerned pa siya na makita ko ang pagkalalaki niya kaysa sa sakit niya.
Pumunta ako sa kusina. Isa-isa kong binuksan ang mga cabinet. May nakita akong Lucky Me Beef. Kumaha ako ng dalawang piraso. Sunod, nakita ko ang takure. Kinuha ko iyon, nilagyan ng tubig at ipinatong ito sa kalan para magpakulo. May nakita akong cooking bowl. Kinuha ko iyon at hinanda para paglagyan ng mainit na noodles ni Erik. Pumunta ako sa banyo at kumuha ako ng isang maliit na timba para paglagyan ng mainit na tubig. Kumuha ako sa aking bag ng isang pirasong Biogesic pampababa ng lagnat niya.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...