ROSE
Dalawang araw kaming nagplano ni Erik kasama sina Raymond, Johnny at Gary para sa isang pagbabalikan scene nina RX at Irene. Isinama ko na rin sina Lenny at Rachel nang kinailangan namin ng dagdag na tulong to make the scene work. Syempre, iba pa rin kapag may point-of-view ng babae sa plano para malaman kung magugustuhan ni Irene ang plano namin sa kanila ni RX. Nagkakilanlan na ang lahat at mas naging rumble sa kasiyahan ang lahat. Lumabas kahit ang pinaka-corny at pinaka-kuwelang mga idea.
Nandito na kami ngayon sa Starbucks Metrowalk para sa Oplan Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig. Nakalubog na ang araw pero panay pa rin ang iyak sa amin ni Irene. Sino ba naman kasing hindi masasaktan na malaman (at makita through pictures) ang pakikipaghalikan ni RX sa isang hindi kilalang babae? Masakit iyon. Pero dahil gusto nga namin silang magkabalikan ni RX, ipinaliwanag naming na hindi iyon sinasadya ni RX. Mahal na mahal siya no RX at nasaktan din siya nang makipaghiwalay si Irene.
Habang busy sa pagpapaliwanag si Doktora Rachel (ang matanda dapat ang magpaliwanag para maintindihan nang nakabababata), tumingin sa akin si Erik. Binigyan niya ako ng senyas. Ito na ang senyales na ready na ang lahat para sa pagbabalikan scene.
"Uhm. Guys," panimulang salita ko nang putulin ko si Rachel. "I think there's no other way to end this talk but through a drink and a song."
"Anong ibig mong sabihin, Rose?" Tanong ni Irene sa akin.
"Tara!" Pagsingit ni Lenny. "Let's have videoke! Game?"
"Ay! Game ako diyan!" Segunda ni Rachel.
"And Erik?" Tanong ko kay Erik on cue.
"Yeah, sing that pain out," Erik responded nang nakangiti.
Tumayo na kami at dumiretso sa La Musika Bar. Hindi alam ni Irene na isa iyon sa mga bar ni Gary at wala na kaming balak ipaalam sa kanya dahil kasama iyon sa plano. Pagpasok namin, nakapatay lahat ang ilaw maliban sa ilaw na nagbibigay-liwanag sa isang table na may sampung upuan.
"Bakit ang dilim?" Tanong ni Irene. "Ang weird naman. Hindi pa sila bukas."
"Huwag ka nang magtaka," sabi ni Lenny. "Nakakaaksaya ng brain cells 'yan. Halina, upo ka dito." Sinamahan ni Lenny at Rachel si Irene sa upuan na mismong nasa gitna.
"Now what?" Nagtatakang tanong pa rin ni Irene.
"Guys?" Cue ito ni Erik.
Lumiwanag ang stage. As planned, nag-form ng isang banda sina Raymond, Johnny at Gary. Hawak ni Raymond ang isang electric guitar, habang si Gary naman ang in-charge sa keyboard. Si Johnnny naman ang drummer boy tonight. Lumapit si Raymond sa microphone.
"Irene, this is for you. We hope you'll like it."
Narinig kong bumulong si Irene kay Lenny. "Anong kalokohan ito?" Bakas sa mukha niya ang isang ngiting parang nahihiya rin. After all, kilala naman niya sina Raymond, Johnny at Gary.
Nagsimulang tumugtog ang banda-kuno to the tune of Maroon 5's Won't Go Home Without You. Napansin na marahil ni Irene na may lalaking kumakanta pero wala sa stage dahil hinahanap na niya kina Raymong, Johnny at Gary ang kumakanta. Pagdating sa chorus, lumabas ang lalaking kumakanta na may hawak pang bocquet ng red roses. Si RX. Naging mga cheerleaders sina Rachel at Lenny na sumasabay pa sa pagkanta. Clap dito, clap doon. Si Erik naman, nilagay ang kaliwang kamay niya sa likod ko. Sumanda ako sa braso niya habang pinapanood ang mag-unfold ang mga nangyayari. Tumingin ako kay Irene. Nakatingin lang siya kay RX at pinipigilan ang sariling umiyak at ngumiti.
Pagkatapos ng kanta, nagsalita si RX. "Mine ko, I know it's enough to simply say 'sorry'. Words can deceive you. That is why I sang our song, so that you may know it's true. I am sorry, Mine Ko. I cannot promise not to hurt you again, but I surely promise you that I won't hurt you intentionally. You are irreplaceable, Mine Ko. Please forgive me."

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...