CHAPTER 49
ROSE
Nakasakay ako sa taxi habang nakatanaw sa labas. One and half weeks before the story conference, inalok ako nina Rachel at Lenny for coffee sa Starbucks Boni High Street. Matagal-tagal din akong hindi nakabalik sa lugar na iyon. The last time ata yung tumakbo kami ni Lenny. Muntik pa akong maaksidente noon dahil sa masaydo akong nagre-reminisce sa mga alaala namin Erik. At pumasok na naman sa isip ko si Erik. Malinaw sa aking memorya ang pag-iwan ko sa kanya kagabi.
“Miss, nandito na po tayo,” sabi ni Manong Taxi Driver sa akin.
Hindi ko napansin na nakarating na pala kami ng Boni High Street. Kinuha ko ang aking pambayad at binigay kay Manong Taxi Driver. Nagpasalamat ako at lumabas ng taxi. Saktong pagbaba ko, nakita ko na kaagad sina Rachel at Lenny na naghihintay sa labas ng Starbucks.
“Besties!” Pasigaw kong tawag sa kanila.
“Rose!” Sigaw din nilang bati sa akin. Sabay silang tumawa at nag-group hug kaming magkakaibigan. Iba talaga kapag mga kaibigan mo ang kinikita mo, nakakagaan ng loob.
Naupo kaming tatlo sa table nilang dalawa.
“Hindi ka ba muna bibili ng kape?” Tanong ni Lenny sa akin.
“Mamaya na lang,” sagot ko sa kanya. “Siyempre, kayong dalawa naman ang pinunta ko dito. Hindi kape.”
“Sus. As if naman hindi ka magkakape. Kung tumungga ka nga ng kape, daig mo pa ang lasing sa kanto na umiinom ng Gin bulag.”
Nagtawanan kaming tatlo habang hinampas ko naman sa braso si Rachel dahil sa joke. Kaasar itong babaeng ito!
“Congratulations, besty!” Sunod na pagbati ni Lenny. “Big time ka na!”
“Oo nga,” sunod na sambit naman ni Rachel. “Iba na ang writer para sa Star Cinema.”
“Kayong dalawa talaga, ang gagaling mambola,” biro ko sa kanilang dalawa.
“Grabe, besty!” Pag-react ni Lenny na medyo exaggerated. “Bola kaagad? Hindi ba puwedeng totoo ang sinasabi namin?”
“Hindi naman. Sawa lang na mabilog na parang bola.”
Tumawa ako sa sinabi ko pero hindi natawa si Rachel at Lenny.
“Hashtag hugot?” Tanong ni Rachel.
Tumigil ako sa pagtawa at napangiti na lamang.
“Joke lang,” sabay sabi ko sa kanila. “Maraming salamat!”
Bumalik ulit ang ngiti nina Rachel at Lenny. Kinabahan ako kasi baka mamaya seryosohin nila ang joke ko. After ng muli naming pagkikita ni Erik, naging na sarkastiko ako pagdating sa mga praises at congratulations. Naisip ko tuloy baka naging mayabang na ako, instead na dapat ay humble ako. Pero hindi talaga ako nagmamayabang. Marahil ayaw ko na lang talaga nang masyadong too-good-to-be-true na mga comments sa akin. Nadala na ako.
“Nagkita na ba ulit kayo ni Erik?” Biglang tanong ni Lenny. Napagitla ako sa tanong niya.
“O, bakit parang gulat ka pa?” Tanong ni Rachel bago humigop ng kape niya. Napansin ata ang pagkagulat ko.
“Gulat? Hindi. Sakto lang,” mabilis kong sagot kay Rachel. Tumingin ako kay Lenny para sagutin ang tanong niya. “Yes. Bakit mo natanong?”

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...