ROSE
Tumayo ako at pinuntahan si Tita Nang pagkatapos niyang kumanta ng 'Nakapagtataka' na pinalakpakan nina Gardo at ng mga kasamahan nila.
"Tita Nang, kailangan ko na pong umalis," sabi ko kay Tita Nang nang may ngiti. Pilit ito actually dahil ayaw kong mapansin niyang malungkot akong aalis. Nadismaya rin sina Gardo dahil sa aking pamamaalam.
"Bakit naman, anak?" Tanong ni Tita Nang habang inabot niya ang microphone kay Gardo.
"May kailangan po pala akong ayusin. Naalala ko bigla." Pangiting sagot ko sa kanya.
"Ganun ba?" Napakamot sa kanyang tiyan si Tita Nang. "Sige, sige. Paano ka uuwi?"
"Magko-commute na lang po ako."
"Hindi ka ba magpapahatid sa inyo?"
"Hindi na po."
"Sigurado ka?" Sa pagtanong nito ni Tita Nang, may parang gusto siyang ipahawatig. Hindi sa akin.
"Opo," pangiti kong pagsigurado sa kanya. "Nakarating po ako dito nang mag-isa, makakauwi rin po ako nang mag-isa."
Nalungkot ang mukha ni Tita Nang. Niyakap ko siya para mawala iyon. Mukha nagulat siya ginawa noon pero napalitan ito ng ngiti sa kanyang mukha nang ibalik niya ang yakap ko.
"Happy birthday po ulit," pagbati ko sa kanya. "At salamat po sa pag-invite sa akin."
"Maraming salamat," sagot sa akin ni Tita Nang. "Mag-uwi ka nang pagkain sa inyo."
"Okay na po. Naihanda na po ako ni Yaya Lita. Sige po!"
Niyakap ko si Tita Nang for one last time. Isa-isang lumapit sa akin sina Gardo at ang mga kasamahan niya. Lahat sila, nagpaalam sa akin. Pagkatapos nito, dumiretso na ako kaagad papunta sa main door ng mansion. Kinuha ko kay Yaya Lita ang mga inihanda niyang mga pagkain para iuwi ko. Nagpasalamat ako sa kanya saka ako lumabas ng pinto.
It was a perfect exit. Ang totoo, wala naman akong mahalagang aayusin maliban na lang siguro sa aking sarili. Hindi ko na kasi kaya yung mga nangyari kanina sa videoke session. Hindi na kaya ng dibdib ko yung exchanges of songs na ginawa namin ni Erik. Tapos, bigla pang kumanta ng "Nakapagtataka" si Tita Nang (although hindi ko naman sinisisi si Tita Nang dahil doon). Kinailangan ko na lang umalis. Mabuti na lang at nag-CR si Erik kaya hindi niya mapapansin na umalis na ako.
Alam ko, puro bitter much at hugot much ang mga kanta na pinili ko. Pero dahil iyon ang gusto kong iparating kay Erik sa mga oras na iyon. Naisip kong idaan sa pagkanta ang mga bagay na hindi ko nasabi sa kanya noon at ngayon. Hindi ko nga lang inasahan na sasagot si Erik sa aking pagkanta.
Pagkatapos kong makalabas ng gate, naglakad ako sa sidewalk para makapunta sa main road. Doon ako makakasakay ng taxi o jeep, depende kung anong mauna. Either way, kailangan kong makauwi na. Malalim kong inaalala ang mga nangyari ngayong araw ng biglang-
"ROSE!"
Gulat akong napahinto sa pagtawag ng aking pangalan. I know that voice. Lumingon ako. Si Erik. Nang makita ko siya na papalapit sa akin, lumingon muli ako at nagpatuloy sa paglakad. Mabilis na paglalakad. Kaunti na lang, jogging na ang gagawin ko. Pero hindi pa man nangangalahati ang nilakad ko mula sa kanyang pagkakatawag nang bigla niyang hinawakan ako sa aking braso.
"Why did you leave?" Tanong sa akin ni Erik. Concerned. Binatawan niya ang pagkakahawak niya sa braso ko nang mapansin niya ang mukha kong nakasimangot. "I just went to toilet and the next thing I learned, you already left."

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...