ROSE
Hinatid ako ni Erik sa sakayan ng taxi. Sinabihan niya ako na kokontakin niya na lang ako tungkol sa deal namin. Ngumiti ako sa kanya bago ko sinara ang pinto ng taxi. Sinabi ko kay Manong Driver na sa Bonifacio High Street, The Fort ang destination namin. Magkikita kami ni Lenny para magpatulong bumili ako ng running shoes. Naisip ko na magpapayat na pagkatapos kong mag-resign.
Biglang nag-ring ang telepono ko. Tumatawag si Lenny.
"Hello, besty," bungad sa akin ni Lenny. "Nandito na ako sa Starbucks High Street. Do you want me to order something for you?"
"Wag na, besty. Kaka-kape ko lang din. Nasa taxi na ako papunta diyan. Just wait me there, okay? I need your expert advise."
"Expert advice? On what?"
"Sa sapatos. Di ba mahilig ka sa sapatos?" Minsan, hindi ko alam kung ako ba talaga ang bangag.
"Yes. What kind? Formal? Stylish? Sporty?"
"Basta, mamaya na lang. At... sa isa pang bagay."
"Uhm... Sige." Nagbago ang tono ng boses ni Lenny. Parang nakiramdam.
"Okay, nandiyan na ako in a few. See you, besty!"
"See you too!"
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lenny kapag sinabi ko sa kanya ang naging deal namin ni Erik? Sana naman huwag masyadong O.A. Si Lenny kasi yung tipong Maria Clara type pero kapag ginulat mo, daig pa si Kris Aquino sa 'Feng Shui' kung makapag-react.
Habang nasa biyahe, sumagi sa isip ko ang ilang pinag-usapan namin ni Erik pagkatapos ng aming deal. Nasabi niya sa akin na ang pamilya pala nila ang may-ari ng sikat na Inspire Restaurants. Nagulat ako siyempre dahil madalas kami doon kumakain nina Daddy at Mommy kapag umuuwi sila. Nalaman ko rin na na-suspend pala siya kaya two months ang kanyang 'bakasyon' dahil hindi niya naiangat ang sales ng restaurants nila. Naisip ko tuloy na kawawa rin si Erik. Na-suspend sa isang bagay na hindi naman niya talaga kontrolado.
Bago kami umalis ng Starbucks kanina, nagpasya kaming simulan ang aming scripted relationship sa Lunes. Text-text na lang kami for sure. Kinuha ko na rin naman na ang number niya at kinuha na rin niya ang number ko.
Makalipas ang ilang sandali, nakarating kami sa Bonifactio High Street. Nagpababa ako sa tapat ng dating Seventh High. Binayaran ko si Manong Driver at binigyan ko pa ng tip kasi tahimik lang siya buong biyahe.
Naglakad ako papuntang Starbucks High Street. Nakita ko kaagad si Lenny. Naninigarilyo.
"Besty, akala ko ba titigil ka na sa pagyoyosi?"
Tiningnan niya ako nang may pagtataka. "Kailan ko sinabi 'yon?"
"Two months ago. Sabi mo pa nga, ititigil mo na kasi naalala mo lang si—"
"SSSHHHHH!" Nagmala-Miss Minchin ang itsura ng mukha niya habang nakaangat ang kanyang hintuturo sa harap ko para magtigil ako. "Huwag na nating pag-usapan ang nakalipas na."
"Pahingi na nga lang ako." Kumuha ako ng sigarilyo sa kaha niya. "Isa lang ngayon. Pahinga muna ako kasi ang haba ng biyahe ko. Mula UP ba naman." Sinindihan ko ang sigarilyo ko at humithit. Ginahawa!
"Wow. Pahinga talaga." Sabi sa akin ni Lenny na may pagka-sarcastic. "Kumusta naman ang lalamunan mo? Akala ko ba ititigil mo na rin 'yan?"
Napangiti lang ako sa kanya. "Sabi ng doktor, hindi pa malala ang lalamunan ko. Naka-lima pa lang naman daw ako this year. Kapag naka-anim na, doon pa lang magiging malala."
"Hihintayin mo pang magkaroon ng pang-anim bago ka tumigil?" Sabay titig sa akin ni Lenny.
"Hihintayin mo pang makita siyang may kasamang iba bago ka mag-move on?" Balik na tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...