ROSE
Habang abala ang lahat sa kanya-kanyang mga usapan, may isang magulang sa harap na nag-request ng isang song number to keep the spirits up daw. Natuwa ang ibang mga magulang at kanilang mga anak. Suddenly, Erik stood up and suggested.
"SING-ALONG!"
Nagpalakpakan ang lahat in agreement. Pero nagtaka ako. Wala namang TV or LED sa loob ng bus. Kakaiba nga kasi most of the buses ngayon, may TV or LED na for travel entertainment. So, paano magsi-sing?
Pero mukhang iba nga ang nasa isip ni Erik nang bigla siyang nagsimulang kumanta.
The moment I wake up
Before I put on my make up
I say a little prayer for you
WHAT? Gulat akong tumingin sa kanya. Sa second line pa nga, nag-akmang nagme-make up siya na parang babae. Ikinatuwa naman ito ng lahat, pati na rin yung lalaki (o bading) na tumingin sa kanya kanina.
I run for the bus, dear
While riding, I think of us, dear
I say a litte prayer for you
And then, parang cue sa isang movie, sabay-sabay na kumanta ang lahat with matching palakpak pa.
Forever and ever, you'll stay in my heart
And I will love you
Forever and ever, we will never part
Oh, I love you
Together together, that's how it must be
To live without you
Would only mean heartbreak for me
Aba! Laking gulat ko lang kasi alam ng ibang mga kaklase ni Racky ang kanta. Tumayo pa nga at sumunod sa kanilang mga magulang para kumanta. May mga yumakap pa at humalik sa kanilang mga parents.
My darling, believe me.
Tumingin ako kay Erik. Nakatitig na lang siya sa akin.
For me, there is no one but you
Please love me too
Nang matapos ang sing-along na iyon, nagpalakpakan ang lahat sa tuwa. That lifted everyone's spirit indeed. Naupo muli sa tabi ko si Erik na bakas na bakas ang salitang misson accomplished sa mukha niya.
"My Best Friends Wedding lang ang peg mo, kuya?" Sarcastic kong tanong sa kanya.
Erik simply nodded nang nakangiti. Saka siya bumalik sa pakikipagkulitan kay Racky. Kakaiba rin talaga itong si Mr. Dela Rosa. Pakiramdam kong naa-annoy ako sa ginawa niya, pero pakiramdam ko rin na maganda ang ginawa niyang gesture na iyon. Napaka-spontaneous naman kasi kaya siguro ako natutuwa rin sa ginawa niya.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...