ROSE
Apat na araw ang lumipas mula noong naganap ang kissing moment namin ni Erik. Hindi siya tumawag o nag-send ng text message sa akin after ng huling text message niya noong gabing iyon. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Nagpapadala ako ng mga text messages pero hindi siya nagre-reply. Hindi naman sa masyado akong clingy. Nag-aalala lang kasi ako sa kanya.
Binaling ko na lamang ang isip sa pagta-type sa aking laptop ng first draft ng aking story treatment. Nasa Starbucks ako na malapit sa bahay namin.
Ginawa ko ang turo sa akin ni Erik tungkol sa Step Two. Nag-advance pa nga ako sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga tao. Ang hirap din kasi na mag-imagine lang. Kaya isang beses, lumapit ako sa isang babaeng teenager na nagbabasa ng "Three Words, Eight Letters, Say It I'm Yours". Nagpakilala ako na isang writer. Nag-kuwentuhan kami tungkol sa kanyang lovelife. The rest was history, ika nga.
May story concept na ako: isang romatic-comedy na tungkol sa isang bisexual na mai-in love sa isang lesbian. Naiisip ko pa nga lang ang concept, natatawa na ako kasi paano mo mai-in love ang isang bisexual sa isang lesbian and vice-versa? Exciting!
Tina-type ko na ang panlimang paragraph sa story treatment ko nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Si Rachel.
"Hello, Rachel!" Sambit ko pagka-accept ng tawag.
"Besty! I miss you," sabi sa akin ni Rachel. "Nasaan ka?"
"Nandito ako sa Starbucks malapit sa amin."
"Puntahan kita diyan," sabi sa akin ni Rachel. May pagkabiglaan kasi itong si Rachel. For sure, dumating na naman ang tita nya from Ilocos at may magbabantay na sa anak niya. "Wala ka bang klase ngayon?" Sunod na tanong niya. Napatigil ako sa paghinga saglit. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"I take that as either wala o hindi ka na naman papasok," sabi niya sa akin.
"Ikaw na bahala mag-isip." Napatawa na ako pagkatapos niyon.
"Okay. Will be there in a bit. See you later, besty!"
"Sige, ingat ka." Saka naputol ang linya naming dalawa.
Pagkababa ko ng telepono, naisip ko ang law school. Isang linggo na akong hindi pumapasok. Naging focused ako sa paggawa ng screenplay na nakalimutan ko nang pumasok sa school. Napagtanto ko tuloy na kailangan ko pa ring ituloy ang pagpasok sa law school. Sige! Papasok na ako next week.
Isang oras ang lumipas bago dumating si Rachel. Simple lang suot niya ngayon at mukhang hindi nagpakabongga. Ang hilig pa man din niya sa mamahaling damit mula sa Forever 21.
"Kumusta ka, besty?" Tanong niya sa akin.
"Parang hindi naman tayo nagkita last week?" Pabiro kong sagot sa kanya.
"One week na 'yon. Di pwedeng may mga naganap na?"
Tiningnan niya ako na parang kinikilatis ako. Natahimik lang ako. Alam na kaya niya?
"Naku, besty. Kinuwento na sa akin ni Lenny." ALAM NA NIYA!
"What do you think?" Tanong ko sa kanya.
"Ang tanga mo," sagot niya sa akin pagkatapos kumagat ng piraso ng Chocolate-Dipped Doughnut na binili ko. Sabi ko na nga ba, iyon ang sasabihin niya sa akin.
"Ang harsh niyo talaga ni Lenny."
"Harsh harsh ka diyan?" Balik sa akin ni Rachel. "Ang tanga naman kasi ng deal n'yo ng lalaking 'yon. Saan ka nakakita ng isang lalaki at isang babae na nagkasundong maging sila for two months for the sake of making a story?"

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...